Chapter 21 - Summer Solstice

47 2 0
                                    

Chapter 21 - Summer Solstice

May 25, 201*

3:15 pm

Para maiba naman, ako na naman ang nagpunta kina Roms, pinilit ko lang siya actually. Ang gusto niya kasi siya yung tumambay sa amin, ayaw niyang babae yung nagpupunta sa kanila. 

Sa kanto pa lang, sinundo niya na ako.

"Pambihira ka Yuri, 15 mins. pa lang matapos kang mag-text na pupunta ka rito andito ka na pala?" 

Nakapambahay lang si Roms, blue shorts pang summer an inch above the knee, yellow shirt na may mukha ni spongebob. Ako naman, naka-t-shirt ng black, loose batman shirt. Then black din jeggings. 

"Anong masama dun, buti nga bilis lang ng pag-antay mo. Saka excited na akong makita yung bahay niyo."

"Anong exciting dun? Yung broken family ko? Yung madalas kong pag-iisa sa bahay?"

"You mean mag-isa ka lang sa inyo ngayon?!"

"Madalas kamo."

"ANO??!!"

Patay, ayokong dalawa lang kaming maiwan ni Roms sa bahay nila, kakakilabot.!

"Anong reaksyon yan?"

"Busy pala ako ngayon." Sabay tunalikuran ko siya.

Pinigilan niya yung right wrist ko. Tapos hinigit niya ako, hinila papunta sa kanila.

"Kanina mo pa dapat inisip yan. Buti pa samahan mo na lang ako."

"Roms?!!"

"Siraulo ka talaga Yuri, kahit gusto kita (mahina niyang sabi) wala akong masamang motibo sayo." 

Bigla akong nahiya't inagaw ko yung kamay ko sa kanya.

Natigilan kami sa paglalakad. Nagkatinginan sandali, tapos winaswas ko yung awkwardness. 

I hate awkward moments! Gusto kong magtumbling!

"OO nga pala! May bago ngayon, Season 4 ng "The Walking Dead" grabe ginawan ko nga ng GIF yung pic ni Daryl na umiihi! Haha. Ahm, pero syempre inaral ko gumawa ng GIF, nagpaturo ako dun sa mga ka tumblerkada ko. Alam mo na."

"Wala akong alam diyan." Nakatingin siya sa kabilang side. Ayaw ata akong i-eye to eye.

Tahimik naming nilalakad yung village nila Roms nang biglang may maputing babaeng napakaiksi ng palda na masasalubong pa namin. WOW! Grabe ang puti nung legs niya, gusto ko yung i-gash, I want blood oozing from that white skin. How sad, hindi ko magawa. T_T

"What the HELL?"

O_O

O_O

Nabigla kaming pareho ni Romeo. Nagsalita yung babaeng gusto kong laslasan ang legs.

"Why?" I ask.

"Not you. You! (sabay turo kay Romeo)"

"Me? Bakit? H-ha??" O_O

Gulat na gulat si Roms.

"Minamanyak mo ba ako?!!" Panduduro nung babae.

"Roms?" Bulong ko.

"Hi-hindi po!"

"Kung ganun, ba't ka nakatitig sa legs ko?!"

"HUH???" Hindi mapigilang react ko.

"Ba't ko gagawin yun?" - Romeo

"Bakit hindi?!" Hi pitch na si ate.

"Kasama ko yung syota ko, ba't ako mangmamanyak?" Pagdadahilan ni Roms.

The Weirdo's Love Story (Ongoing & Edited Version 2.O) Piece IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon