A/N: Siguro po kung mababasa niyo sa Story ko..hilig po talaga ako gumawa ng mga names, especially sa mga love team na magka Rhymes yung name..
BTW kaya ako gagawa ng story na toh, dahil OMG napanaginipan ko kagabi tapos ayun kinilig ako, yun na yung pinakamagandang panaginip sa lahat.
_____________________________________
Chapter 1
Hi Ako nga pala si Angela Joy, yung iba tinatawag akong AJ si Jessa naman ang pangalan ng Bestfriend ko, Solid Fangirl din yun kagaya ko,..So kamusta naman ang pagiging fangirl ko,..ayun okay lang naman, nangangarap pa rin sa nag-iisang dream guy ko.May mga fans club din ako pero minsan lang ako updated, at minsan hindi rin ako nakakapunta ng mga concert ni Angelo my Love, alam niyo yung feeling na naghihinayang ka..
Pero wala eh, anong magagawa natin..Siya nga pala wala na akong Parents namatay sila sa isang Accident, sabi ng Tito ko, babay pa daw ako, kaya ngayon nakatira na lang ako sa bahay ng tita at tito ko, Mababait sila tsaka mayaman pa, yun nga lang mas hinahanap ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang noh,
May dalawa naman silang anak si Justine at si Jhon Paul, well mababait naman sila, pero iba-iba ang ugali, Minsan nagkakatuwaan kaming tatlo, saya nga nilang kasama eh, sad to say wala akong pinsang babae, minsan nga sumasakit na yung ulo ni Tita sa kanilang dalawa hindi kasi magkasundo sa mga ibang bagay eh, May times na Kuya yung tawag ko sa kanila, and minsan pangalan lang nila.
Nag-aaral pala ako sa Saint Lucy University, alam niyo yung mga students dun, mga baliw din kay Angelo, syempre sino ba naman ang hindi mababaliw dun, ang gwapo niya kaya,.
Siya nga pala, naglalakad lang ako ngayon papunta sa School, wala kasi si Tito eh, maagang umalis papunta sa Office yung dalawa ko namang ugok na KUYANG PINSAN ayun gumala siguro, panigurado hindi na naman sila papasok, pero kay Tito at Tita okay lang sa kanila, One time tinanong ko si Tita kung bakit sagot niya lang 'gusto ko sila mismo ang makakaalam ng pagkakamali nila sa buhay' I know, nakakatamad mag-aral pero mas maganda parin yung mag pinag-aralan ka noh, paano na lang kaya Future mo, pwera na lang kung makakapangasawa ka ng Mayaman. :P chocks hindi naman ako ganun noh, kahit papano mahal ko parin naman yung sarili ko noh,
Teka para kasing may kulang sa sarili ko eh, napayuko ako ng kunti,.. sinasabi ko na nga ba eh, yung I.D ko hindi ko ata nadala, wait baka nasa bag ko,.tama nga ako nasa bag ko nga, minsan kasi pagnakauwi na ako automatic lagay na kaagad ng I.D sa bag, makakalimutin kasi talaga ako eh, pero minsan lang naman,
Habang papasok ako sa Gate napapatawa ako, kasi ang daming tambay na naman, si Guard talaga, I mean yung mga tambay na tinutukoy ko sila yung mga students na No ID.
"HI Gela" bati sakin ng mga school mates ko, nag smile lang ako sa kanila, lahat ata dito ng sudents close ko, hindi naman ako masiyadong friendly noh?
Nakita ko si Jessa, sumabay sa mga babae na tumitili, napansin ko rin na may dala pasiyang Bag, WoW ha umagang umaga fan girl agad ang inatupag, parang ako hindi eh no, kinuha ko yung phone ko, at nag youtube kung pwede nga lang loptop ang dinala ko eh, kaso ang bigat, tsaka yung laman ng phone ko napakaraming videos ni Angelo, hindi na magkasiya pag mag download ako, YEss ganyan ako ka solid fan girl ng isang Angelo Alvarez, swerte yun ha, kasi may isa siyang fan na isang Angela Lopez na kayang gawin ang lahat para lang makita siya, eh alam niyo naman kung gaano ko kamahal na idol yang si angelo, biruin niyo siya lang ang kilala kong Artista, kasi wala na akong time sa iba, sa kanya palang ubos na oras ko.
Masaya akong nakikinig ng kanta niya, headphone pa ang gamit ko ha, kasi kong aerphone wala lang, trip ko lang mag headphone,
"AY KABAYO!!" napasigaw ako, hindi ko pa naman alam kong malakas o kung mahina yung sigaw ko, kasi ang lakas ng music kaya, kaya hindi ko ma control yung lakas ng boses ko,napatingin ako kung sino yung nanggulat, putek si Jess lang naman pala, sinabit ko yung headphone sa liig ko, para marinig ko na siya
"Nakakagulat ka naman" dugtong ko
"Ang lakas mo naman makasigaw...kanina pa kaya kita tinatawag .. kaya naman pala hindi ka makarinig, ang aga aga mo naman kasi nag pa fangirl" sabi niya
"Duhh, hindi ba halata,.. tsaka ikaw nga diyan eh, maagang tumitili, ano may balita ba?" tanong ko sa kanya at inakbayan siya at nagpatuloy sa paglalakad
"Wala namang balita eh, huyy para sabihin ko sayo ang pagiging fan girl ko 50% lang hindi katulad mo noh, halos isugal mo buhay mo, duhh, tsaka yung topic namin kanina, alam mo ba yung scene ni Angelo at Lexi dun sa part na Tinulungan ni Angelo si Lexi, diba kainis yun, feel na feel eh, alam mo yun"
"Eh kanina nung nakita ko kayo, parang kinikilig kayo ah"
"Kilig ka diyan, ang sabihin mo nanggigigil sa inis, pssh"
"Ahhm o nga Jess, kainis yung scene kagabi, kung hindi lang si Angelo yun hindi ko naman panunuorin yun noh,"
"Sino yung gusto mong ka love team ni Angelo?" tanong niya
"Sino pa ba edi si...si...si Mika, mabait siya eh, gusto ko nga sila na lang yung magka love team forever eh, kasi nung interview ni Mika sabi niya parang magkapatid na silang dalawa, parang ganun, baiy niya noh?..kaya ako MikGelo lang ako, ayaw ko ng GelLex hindi bagay,"
"TOMOH, tara pasok na tayo, cafeteria kaagad tayo, hindi ako naka pag breakfast eh,"
"Baliw ka talaga, ang aga aga pa nga eh, yan kasi eh,.ako nga eh muntik ko ng makalimutan ang ID ko"
BINABASA MO ANG
Secretly Married
Dla nastolatkówAkala ko buong buhay ko mangangarap na lang ako, pero hindi ko naman sinabing ganun na lang kadali, wala palang imposible