Chapter 2

0 0 0
                                    

Mitch POV

This day is really a tiring day for me. Parang kinuha niya lahat ng energy ko. Habang busy ako sa pag cecellphone ay may isang text akong na received

'Darling where are you. Nandito na ang kuya Ron mo' - mommy

Napabuntong hininga ako ng maalalalang ngayon pala ang dating ng isang yun.

"Manong Robert. Pakibilis na po ang pag dridrive. Hinahanap na po kasi ako nila mommy." tumango naman sya at binilisan nga ang pagmamaneho niya.

Maingay ang buong bahay pagkapasok ko. Halos lahat ng kaibigan ni kuya Ron ay nandito ngayon. Pati na rin yung iba niyang mga classmates. Talagang may gana pa syang mag pa welcome party kahit na kakauwi niya lang ngayon. Wala bang jetlag ang isang yun.

"Mommy." sabi ko kay mama ng makita ko siyang kausap yung ibang friends ni kuya. "Asan si kuya??"

"Puntahan mo siya dun sa garden,kanina ka pa niya hinihintay."

Tumango ako at naglakad na papuntang garden. Umawang naman ang bibig ko sa nakita ko. Kung anong kinadami ng kaibigan ni kuya sa loob. Mas doble ang dami dito. Ang friendly niya ah...

Nakita ko naman syang nakaupo sa may gilid ng pool habang nakababad ang mga paa niya. Hindi niya ako napansin,dahil busy siya sa pakikipag landian sa mga babae niya. Ang flirt ni Kuya Ron!

Tinakpan ko naman ang mata niya gamit ng dalawa kong kamay,para isurprise siya. Nakita ko naman ang galit na itsura ng mga babaeng nakatabi sakanya.

"Alisin mo nga yung kamay mo sa akin,Mitch. Mamaya madumi ang mga yan." inalis ko naman yun at saka sya inirapan. Bwiset talaga ang isang toh. Ngayon na nga lang ako mag lalambing sakanya. Tapos aasarin niya pa ako.

"Kainis ka Kuya."

Tumawa naman sya. At saka na inalis ang mga paa sa pool para harapin ako.

"Ang sungit mo talaga." sabi niya sabay gulo sa buhok ko. Tinampal ko ang kamay niya.

"Ano ka ba kuya." pagmamaktol ko. "Alam mo namang ayaw kong ginugulo ang buhok ko."

Tumawa naman sya at hinila ako para mayakap niya. "I miss you little sis "

I hugged him back. "Miss na din kita,kuya."

Napahinto naman kami sa pag yayakapan ng may marinig kaming ubo sa gilid namin. Inalis ni kuya ang pagkakayakap sa akin at hinarap yung lalaking umuubo kanina.

"Race,bro. Kamusta ka na?" sabi ni kuya at nakipag kamayan kay Race.

Anong ginagawa ng isang toh dito??

"Okay lang. Ikaw?" tanong niya kay kuya,pero nakatuon ang tingin niya sa akin. Nag iwas ako ng paningin.

"Okay lang din. Anyway bro. I want you to meet my little sis na si Mitch." sabi niya sabay akbay sa akin. Napansin ko naman ang paglaki ng mga mata ni Race. Ano bang problema ng isang toh??

"Yeah. I know her,bro. We're classmates."

"Woah. Nice." sabi ni Kuya Ron habang namamangha. Tch! Wala namang nakakahumaling dun sa sinabi ni Race.



"Ron. Langoy tayo dun." sabi nung isang babaeng naka two piece, habang nakahawak sa braso niya. Anlande!!

Inalis na ni kuya ang pagkakaakbay sa akin,at sumama na dun sa babae. Ang bastos niya talaga. Iniwan niya lang ako dito.

Does Forever ExistWhere stories live. Discover now