Mitch POV
"Hi." sabi ko kay Mark at kinawayan siya. Nilapag ko yung mga gamit sa table at umupo sa tapat niya.
"Hi din. Eto umorder na ako ng food oh. Pili ka na lang."
Napanganga na lang ako sa mga pagkain na nakalagay sa may mesa ngayon. Ang dami naman nito.
Kinamot ni Mark ang batok niya. "Pasensya na kung napadami yung foods na nabili ko ah. Hindi ko kasi alam ang gusto mo."
Tumawa ako. "Ayos lang yun. Gusto ko naman lahat ng pagkain na inorder mo." sabi ko at nagsimula ng kumain. Grabe gutom na talaga ako.
Inangat ko naman ang paningin ko at tiningnan si Mark na nakatingin din sa akin ngayon.
"Ahm. Hindi ka ba kakain?"
"Nauna na kasi akong kumain kanina."
"Pero di ko toh. Mauubos lahat. Kaya ayos lang na kumain ka din. Ang awkward naman kasi kung ako lang yung kumakain."
Magsasalita na sana siya,ng may biglang umupo sa tabi ko.
"Kung hindi mo maubos yan. Then tutulungan kita." napalingon ako kay Race na kinuha yung burger at sinumulan ng kainin yun. Hey that's my burger.
Nawalan naman ako ng ganang kumain. Ano ba talaga ang problema ng isang toh. Hinarap ko siya with matching taas kilay.
"Pwede ba umalis ka dito. This is our table. Puntahan mo na lang yung mga friends mo. At wag na lang kami ang istorbohin mo."
But he didn't even bother to look at me or listen to what I said,pinagpatuloy lang niya ang pagkain nung mga foods ko. Bwiset sya dapat sa akin yun eh!!
Kinuha ko yung mga gamit ko. "Mark,alis na tayo. Sa ibang lugar na lang tayo kumain."
Tumango siya,at paalis na sana kami ng biglang hilain ni Race yung braso ko at pinaupo ulit ako.
"Ano ba,Race!!" sigaw ko,dahilan para makuha ko lahat ng attention ng mga taong kumakain din ngayon sa cafeteria. Actually kanina pa nga sila nakatingin sa amin,dahil sa pagdating nitong si Race.
"Your not going anywhere. Hintayin niyo muna akong matapos sa pagkain"
Umalab na talaga ang galit ko sakanya. Ang kapal din naman ng mukha ng lalaking toh. Parang wala siyang ginawa kay Mark nung isang araw ah.
Hawak hawak niya pa rin ang braso,at sobrang higpit ang pagkakahawak niya dito kaya hindi ko ito maalis. Hindi ko din alam kung sinasadya niya talagang bagalan ang pagkain niya. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin ubos yung burger.
"Uhm. Mitch,next time na lang siguro tayo mag usap." sabi ni Mark.
"Kung may next time pa."
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ni Race.
"Mark,dito ka muna. Mag usap muna tayo."
"Next time na lang talaga,Mitch. Madami rin kasi akong gagawin eh." I know that his lying. Hindi siya makatingin ng maayos sa mga mata ko eh.
"Mabuti pa ngang umalis ka na." singit ni Race habang nakangiti. Isang ngiting demonyo. Pati din kasi ako natakot sa pag ngiti niya eh.
Tumakbo na si Mark,palabas ng cafeteria. Kaya ako na lang ang mag isa,kasama ng lalaking toh. Niluwangan niya ang pagkakahawak sa braso ko kaya naalis ko kaagad ang mga kamay ko dun.
"Aray." sabi ko habang hinhimas ang braso ko. Napansin ko ding bumakat yung kamay niya doon. Ang higpit naman kasi ng pagkakahawak niya.
Magsasalita na sana ako ng may anim na lalaki ang pumunta sa table namin. Great just great! Ang pinaka ayaw kong group na RVJ ay nandito sa table na dapat sa amin ngayon ni Mark.
YOU ARE READING
Does Forever Exist
Teen FictionRace Shawn Sebastian. A guy who doesn't believe in love and forever. He always tell to his self. That Love is just a feeling that can be easily rid off. And Forever doesn't exist in real life. But not until he met this girl who's name is Mitch Felic...