Chapter 1: Start Living

29 4 0
                                    

Start Living

"Miss Mendozaa!" sigaw ng isang raspy ngunit maliit na tinig na gumising sa katawang lupa ni Shiela Mendoza, who was intently reading a book which is obviously not part of the class as its classy title says "The Hunger Games". "Uhh, Yes Ma'am?" na-uutal niyang sinabi habang dali-dali na sinarhan ang nobela but leaving a bookmark underneath the pages. "Are you listening? Tell me, what did I just say?" she said in a very sinister way, na para bang kakainin niya ang kinakabahang babae sa harap. "Uhmm.. Uhhh.. Hmm.." tugon ni Shiela habang umiikot ang mata sa paghahanap ng matinong sagot sa kisameng may limang butiki.

"Are you just going to hum there buong maghapon?" the educator then took a big step forward at hinablot mula kay Shiela ang libro. "Or should we ask Katniss Everdeen, hmm, Miss Mendoza?" sabi niya habang binabasa ang likod na naturang nobela. "What I said was "Your sketch will be due tomorrow." You know nothing but nonsense, like pagbabasa ng walang-kuwentang libro na to." at bigla niyang binato sa sahig ang libro, sanhi upang ang pabalat at ilang mga pahina nito'y mapunit.

At dahil sa kumukulong galit na naramdaman niya, agad na tumugon si Shiela "I believe Katniss cannot answer that as she is only fictional, you don't know that? How pitiful you are." saying the last line in somewhat a professional manner "And why are you asking me the words you just said? Wag mong sabihing hindi mo rin yun alam".Then after those words, biglang nagsipagtawanan ng sobrang lakas ang buong klase. Sa mga sandaling iyon, talagang makikita mo ang malaking galit ni Mrs. Heusaff, na tila umuusok ang ilong, namumula ang medyo kulubot na mukha at magkasalubong ang maninipis na kilay. Fortunately for the culprit, dumating ang savior niya - ang school bell.

Dali-daling lumabas ng kwarto si Shiela ngunit bumagal din naman ng nakalayu-layo na. Panira naman ng araw yung bruhang yon. Hmp! Akala niya hah. Buti nga sa kanya, bulong ng isipan ng dalagita. Pagpupuyatan ko na lang mamaya yung "dream guy" sketch niya. Hai, nakakatamad kas--.

Biglang naudlot ang kanyang muni-muni nang natapakan niya ang isa niyang paa at biglang may nadaganan siyang matigas. At sa pagkamulat niya nang kanyang mga kulay tsokolateng mga bintana ay nakasalubong nito ang mapupungay na mga matang kulay abo ng isang Adonis. Nagtagal sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo at dahil sa halos isang sentimetro na layo ng kanilang mga mukha ay naramdaman ng bawat isa ang sabay na paghinga na nagdala ng malamig na sensasyon sa leeg ni Shiela. The silence was broken nang biglang nagsalita ang binata, "Ah Miss, ang bigat mo na eh.". "Ah ganun ba? Hehe." pagpaumanhin ni Shiela. Tumayo agad ang dalagita para harapin ang kanyang "landing area". "Ikaw pala Eman! Sori talaga hah." "Ok lang yun, Eila. Pauwi ka na ba? Tara, sabay na lang tayo." the lean guy said in a charming voice. "Ok. let's go?" the girl said in a very feminine way at bigla niyang inayos ang buhok niya. Then the gray-eyed guy suddenly laughed. "Bakit?" nagtatakang sambit ni Shiela. "Ah, wala." tugon niya, at bigla siyang ngumiti. Syet, ang cute ng smile niya. Huh? Anu ka ba Shiela!? Umayos ka nga.

At nagsimula silang maglakad papunta sa gate ng academy na kung saan pumara sila ng jeep at umakyat doon. Taking a last glimpse at the sign "Apeiro Academy", nagbuntong hininga siya. What a day. At binaling ang tingin sa katabi na nanatili pa rin ang nakakatunaw na ngiti.

"Bye Eman! Salamat sa paghatid!" sigaw ni Sheila habang kumakaway sa papasok pa lang na binata sa kanyang apartment. Magkatabi lang ang kanilang mga apartments kaya madalas ay magkasama sila kung umuwi.

Later that night.

While the moonlight penetrates the open windows of her room, hindi mapakaling naglalakad-lakad sa paligid ng kanyang kwarto si Eila, "Hai, paano ko ba to gagawin 'tong sketch ni Miss Heusaff!? Dream guy-dream guy pa kasi eh. Ang hirap naman nito.".

"Ah bahala na." bulong ni Eila habang hinahalungkat ang bag niya para sa mga lapis at papel na kailangan niya.

Sinimulan na ng dalaga ang pag likha sa kanyang natatanging Adan. Nagsimula siya sa ulo, pagkatapos ay ang mukha. Every line and stroke are made with concentrated focus and attention. Hanggang sa nakaabot na siya sa katawan. "Ay gusto ko toh." she giggled, na parang kiniliti sa gilid. Talagang halos hindi siya humihinga sa bawat diin ng kanyang lapis sa papel, na mistulang isa talaga siyang batikan na mangguguhit. Likas na malikhain si Eila when it comes to drawing, ngunit sadyang tamad lang ito. "Haii. Sa wakas." sabi niya, with a great sigh of relief. Tumayo siya at ihinagis ang sarili sa kama, tulala sa kisame. "Parang naiihi yata ako ahh." PRRRUUUUTTTT! "Delikado to ah. Nyaaaa!" sigaw niya habang dali- daling tumakbo palabas ng kuwarto, papunta sa kubeta.

Pagbalik ng dalagita mula sa masalimuot ngunit nakakaginhawang misyon AKA pagpapalabas, tumakbo siya sa kanyang kwarto upang makita lamang ang isang hubo't hubad na Adonis na nakaupo sa ibabaw ng kanyang mesa.

Mga oras bago matapos ang dalaga sa kanyang gawain at lumabas sa kubeta, may isang ibon ang dumapo sa bintana malapit sa kanyang study table kung saan naroroon ang kanyang obra maestra. Ang hindi ordinaryong ibon, na ang balahibo'y pininturahan ng iba't ibang kulay at ang buntot ay mistulang nakapamukadkad na bahaghari, ay tumalon papunta sa sketch. Nagtagal ito doon habang kumakanta ng may malumanay at malambing na tono, na tila harana ng mga anghel. Ngunit naudlot ito nang biglang may lumabas na gintong tubig mula sa kanyang likuran, sanhi ng pagkamantsa ng proyekto. At sa paglipad palabas ng misteryosong ibon, may nakakabulag na puting liwanang ang lumamon sa buong kwarto, na tila nanggaling sa papel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

InkheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon