Gaya ng dati (Beer at Gin)

43 17 0
                                    

Tila tinadhanan na muling makatunggali
Sa semifinal ang SMB at Ginebra muling na ulit
Gaya ng dati pukpukan malupit
Ang tatlong quarters kapana-panapabik

Gaya ng dati si Browlee din ang humataw
Mga tres ni JDV at ni Sol swak na swak
Ang mga block ni Japeth nangingibabaw
Ang rebound ni Scot, ngayo'y kasama na si Gregzilla

Ginebra kung maglaro ay sobrang lupit
Ang SMB nagulat at di nakabawi
Noon isang taon (game 5) at ngayon, sila'y nagapi
Gaya ng dati sa huling quarter di na nakadikit

Di pwedeng sabihin, sinuwerte lang
At di tamang sabihin, ang SMB ay minalas lang
Ito'y tinakda para manalo't mangibabaw!!!
At gaya ng dati binigyang saya ang Barangay Ginebra

Gaya ng dati ang pagkabigo ng SMB dinadaan sa ngiti
Ngunit ngayon, labis-labis ang paghihinagpis
Ang mag-grandslam muli ay pinagkait!!!!
Kaya't sa Ginebra ako'y lalong bumilib

Marahil ang tugatong ng SMB ay palipas na!
At Ginebra ngayon pa lang bumebwelo pataas
Sa husay at kalidad ng laro ito'y nakikita
Malay mo sa susunod grandslam na!!!

Gaya ng dati ang legacy ni Jawo ang alas ng Ginebra
Ang " never say die"  attitude ito'y di nawala
At ngayo'y may Tim Cone na naghuhubog at gumagabay
Patungo sa landas ng kasaysayan at tagumpay

Kung ang SMB ay higante ang kanyang dating
Dahil sa kanyang mga tropheo't koronang bitbit
Ang Ginebra nama'y langgam kung maituturing
Ngunit kung mangagat ay masakit, aray ang sakit-sakit!!

( Maulit din kaya Gin at Bolt sa final)
abangan!!!!

GinebraWhere stories live. Discover now