Sinadya ng tadhana sa final muling magtunggali
Ang Bolt at Gin, tiyak pukpukan malupit
Bawat serye ay kapana-panabik na makitang muli
Ang pagkasawi ng Bolt ito ba'y mauulit???Kung babalikan ang nakaraan pagtutunggali
Sa game 6 ang Ginebra ay di nagpadaig
Ang inakalang panalo ng Bolt ay naunsyami
Pagkat sa ilang segundo ang lamang ng Bolt ay binawiAng three point buzzer beater ni JB ay pinagbunyi
Pagkat ang serye tinapos at Ginebra ang namayani
Bagamat di naging best import ngunit siya ang bayani
At ngayon ang Ginebra, sa final muli niyang hinatidMarahil sariwa pa sa Bolt ang nalasap na pagkasawi
At pinaghadaan ng mabuti ang haharaping katunggali
Nagpalakas ng line-up at nagtrade upang sila'y makabawi
Ang naudlot na korona ay kanila itong maiuuwiIto ang labanan na di pwedeng palipasin at baliwalain
At pagkakataon ng Bolt na sila'y makaganti't makabawi
Ngunit sa akin, ang Ginebra muli ang magwawagi
Gaya ng dati ang SMB at Bolt, sila'y ginapi at nasawiManiwala ka man o hindi, ang Ginebra'y mananaig
Di lang sa galing kundi ang tadhana ay kakampi
Gaya ng laban sa TNT, si Rice jr. ay maagang na "ejected"
Magkagayun pa man ang panalo ay panalo, pinagbubunyiAng Ginebra ang mangingibaw muli
At Bolt ay di na makakaganti't makakabawi
Ang kasaysayan at tagumpay ay muling iuukit
At ang taga-Barangay Ginebra muling magbubunyi!!!!