Boy Next Door - Chapter 3

190 5 1
                                    

JANNAH'S POV

Bakit pa kasi kaming pumayag isama tong lalaking 'to. Gwapo nga, may topak naman.

Pumunta na kami sa likod para sumakay sa kotse. Magpapahatid nalang kami sa driver namin papuntang Mall.  Pumasok na kami ng sasakyan. Nasa likod kaming tatlo.

Ganito yung seating arrangement namin,

Ako - Mara - Gab

Si Gab, wala paring imik. At nakikita kong may konting inis parin sa mukha niya. 

"Anyway, Gab. If you're coming with us, might as well talk to us, diba?." - Mara

Hindi nagsalita si Gab. Parang wala paring narinig. Bingi ba 'tong lalaking ito oh nananadya lang talaga? uupakan ko na talaga to. Kinakausap na nga ng matino eh. Kainis!

"Wag mo nang kausapin, Mara. Hopeless yan!" sabat ko naman.

Tinanggal ni Gab yung earphones sa tenga niya't tumingin saakin ng masama.

"Probably if you girls shut up, I wouldn't be so pissed off. Ang just so you know, Jamie, I understood what you said. I'm not stupid." - Gab

"It's Jannah, not Jamie." sabi ko naman.

"Whatever." - Gab

Nakakapikon naman 'to. Nakijoin na nga, magmamaldito pa! Kala mo kung sino. Pero, teka, paano naman kaya siya nakakaintindi ng tagalog? Tumingin ako sakanya ng masama.

"Chill, guys! Masyado kayong nag-iinit" sabi naman ni Mara, at sinabayan niya pa ng tawa.  

"His' fault." sabi ko naman.

"Where'd you learn to to speak in tagalog, Gab?" sabi ni Mara habang tinitignan ako, ano to, isang form ng pang-aasar? pwes. naasar talaga ako. 

Hindi umimik si Gab hanggang dumating kami sa mall. Una naming pinuntahan, eh sa Department Store, bibili daw si Mara ng curling iron. Naglalandi eh, joke. Si Gab, sinusundan lang kami. Hanggang sa lunch time na.

“Gutom na ako, Jannah.” – Mara

“Ako din. Osige, saan mo gustong kumain?”

“Tara, Chic-boy tayo?” – Mara

Si Gab naman walang imik na sumama saamin sa Chicboy. Inorder-an ko nalang siya ng parehas saamin ni Mara. Nang dumating na yung order sa lamesa namin,

“Gab, let’s eat na?” sabi ni Mara.

Haynako, wala akong balak kausapin si Gab. Kung si Mara kayang kaya niyang kausapin, pwes ako, hindi ko kaya. Kumain nalang ako ng walang imik, at ganun din naman si Gab. Mukhang sarap na sarap naman si Gab sa pagkain niya. Mejo natuwa ako. – teka ba’t ako natuwa?!

Nung natapos na namin yung pagkain namin, nagusap usap nalang kami.

“Gab. Saan ka natuto mag-tagalog?” – Mara

“Mom, relatives.” Imik naman ni Gab.

Ang tipid naman sumagot netong lalaking 'to. Ako naman ngayon yung hindi umiimik. Napapatingin tingin ako kay Gab paminsan-minsan. Ang gwapo niya nga talaga. Attitude nalang kulang.

“So, do you speak in Tagalog? ….Or do you just, um…. understand?” – Mara, natatawa naman daw ako kay Mara. Trying hard ang bestfriend ko.

“Why do you ask so much questions? sabi ni Gab.

Inirapan ni Mara si Gab. Mukhang naiinis narin ang aking best friend sakanya. Lumapit ako kay Mara at bumulong, mukhang wala namang pakialam si Gab.

BOY NEXT DOORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon