Chapter 1

2 0 0
                                    


CHAPTER 1

"Mga mare!!!!" - Sigaw ko sa mga frenships ko. I'm Fermata Gonzales. A.K.A GANDA. Padlock susi. Tapon dagat. Kain pating. So ayon na nga. Sumigaw ako at tinawag ko ang mga kaibigan ko, hulaan nyo kung bakit. Like ohmycarbonarabells! Alam niyo ba? Alam niyo ba?!


"Bakit? Bakit? Anong nangyari mare?!" - Aligagang tanong ng kumare kong si Apple o mas kilala bilang Orange. So unique right? Alam ko guys, alam ko.


"Wala. Gusto ko lang sumigaw, kasi alamona." - Simple kong sagot kay Apple. At ngumiti ng mapangasar. Mga ngitiang Maine Mendoza pero mga level 6 na ngitian.


"Bruhilda! Ano bang alam ko na?" - Liyong at pinagpipilitang tanong ni Apple.


"Wala. Gusto ko lang sabihing alam mo na. Tanong mo kung bakit."


"Ha? Bat mo gusto? Alin ba ang alam ko, e parang wala naman akong alam sa sinasabi mo. So ayon pala bakit nga?"


"Wala lang. Gusto ko lang? Hehehehehe"


Supposedly inis ang dapat niyang maramdaman o maging reaksyon dahil sa mga walang kwentang sagot ko sakanya. Pero imbis na mainis siya, mukang siyang tilapiang bilasang hindi magets yung jok ko.


(Oo mamshiness and papshiwaps. Sige. Jok yon. Yun na yung joke ko. Di ba kayo natatawa? Funny naman ah. Ahe.)


"Alin ba kasi ang gusto mo? Kanina ka pa gusto nang gusto riyan. Di mo naman sinasabi kung ano. Ikaw Fermata akoy gegel mo na."


Lamnyo minsan. Di ko gusto kausap itong taong to e. Sakit sa bangs. Ay! Wala nga pala kong bangs. Mga baby hair lang mga walo. Napakadaming tanong nitong aking mare at di man lang makaramdam na nagjjok ako.


"Alam mo Apple? WALA. Wala kong sinabi. Wala kong gusto. Wala lahat. Kuwari - kuwari nalang kaya wala kang narinig para mapayapa tayo hano? Sakalen keta dyan."


"Luh, kanina puro ka gusto dyan. Tapos ngayong tinatanong ko kung ano gusto mo? Sasabihin mo sakin wala? At anong sasakalen? Sepaen keta. Kala mo dyan."


Ahehehehe. Nabuang na yata si ako. Di ko na sinagot pang muli si Apple at walang patutunguhan ang aming pinaguuspan.

----------

"Alis! Tabi! Dadaan si Jayvee!" - Di sila galit ha. Yell yan, yell. Pano ba naman kasi nandito itong lalaking haynako naman talaga! etong lalaking saksakan gwapo. Ahihihi. Sarap saksaken. Di ko naman maitatannggi na may itsura siya. Actually crush ko siya. Pero secret lang. Walang may alam. Syempre mga mare, may secret bang kalat sa masa? Haynako nako naman talaga. Akoy nanggigel e.


"Ano ba yan! Panay sigawan, intrams na ba? Intrams?" - iirap-irap na sabi ko sa sarili ko habang kasama ko ang mga kaibigan ko. Odiba? Best actress? Pero ang truly mga mars! Gusto ko sumali sa pans club nila! Ohmycarbonarabells!


"Di naman masyadong gwapo." - Biglang sabi ni Tracy, isa pa naming kaibigan. Minsan tracy, minsan katorcy, madalas kincy mga ganern. TAWA. Tawa sabeh!


Pinasakan ko ng kinakain kong tinapay yung bibig ni Tracy. Aba't enes ako neto ha! Talaga namang.


"Ano ba yan mare! Bat mo ba ko bigla biglang pinapakain dyan? -------- Sarap ah, penge pa?" Angal ni Tracy na ma halong pagkaPG.


"Ngipin mo." Turo ko sa ngipin nyang nagmamadali. Bakit nagmamadali? Feel ko kasi nauna pa ngipin nya kahit naglalakad e. Huhu. "O, anong meron sa ngipin ko?"


"Nakausli e. Pasara?" - Kelangan niyang isara yang bibig nya na yan, dahil di ko nagugustuhan ang mga sinasabi. Huhu. Ang Jebi quoh! --- Ay, teka. Nasasara ba?


"Leche ka Fermata! Ngatngatin kita dyan!"


"Dali na, sasarado lang e. Isa lang?"


"Mare, nasasara pa ba yan? Survey lang." - Hindi ko alam kung inosenteng tanong ba yon o nangaasar lang talaga ang mare kong mansanas.


Nilabas naman ni Tracy ang mga excited niyang ngips at umastang kakagatin niya si Apple. "Rawr"


Teka mga mars! Nakita kong padaan si Jayvee sa gawi namin. Agad naman akong nagsmile ng level 4, pero syempre, para hindi halata. Hindi ako nakatingin sa kanya pero tanaw ko pa din siya sa peripheral vision ko. Gets nyo ba? Basta yun na yon ganern! Sa madaling salita nalang mga mars. Pacute ako. Para naman makapoints ako diba. Hihihi. Lundeh!


Nakalagpas na siya sa pwesto namin. Di man lang pinansin ang ganda ko. Effort pa naman ang pes ko mga mare ha? Pasalamat siya, bet ko siya kahit dinadaan-daanan niya lang ako ha. Aba talaga namang.


Iniwan ko yung mga kasama ko at dumiretso sa cr. Napatingin ako sa salamin ng matagal. Kinausap ko ang sarili ko.
"Pano kaya kung isa ako sa mga nakikihiyaw kay Jayvee like ohmypalabok!"


"Alis! Tabi! Dadaan si Jayvee! Ok more giling! Alis tabi! Dadaan si Jayvee!"
Mas magaling pa ko sa mga mamshies at papshies kanina! Gawa nalang kaya ko sarili? Charing.


Push to the left! Push to the right! "Alis tabi! Dadaan si Jayvee!" And turn arooound!


*knock knock*


"Mars, ano bang sinasabi mo dyan? Bat narinig ko yung pangalan ni Jayvee?" boses ni Tracy. Sumunod pala sila. Nobayan! Bet na bet ko ba naman yung alis tabi!


"Mars, Sino bang pinapaalis mo dyan?" - Mauubos talaga baby hair ko dito kay apple. Pambihira!


"Uhm wala. Kasi ang corny kasi nung sinasabi nila kanina. Right? Ahe hehe. Alis! Tabi! Dadaan si Jayvee! Tsk. Banamanyon. Jeje. Ew"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon