Chapter Two: Lies

17.3K 392 6
                                    

“Hindi ka ba nagkakakain doon? Mas lalo ka nang pumayat ngayon! You could’ve called here if you didn’t have time to cook. Pwede naman kitang samahan doon…”

Lumuwang ang ngiti ni Krexia at niyakap na lang ang mommy niyang nagtatampo na naman sa kanya ngayon. “Malakas akong kumain, mommy. Kulang lang po talaga ako sa tulog. Tsaka kapag po sinamahan niyo ako doon, si daddy naman ang magtatampo sa’ting dalawa kasi hindi natin siya sinama. Mas mahirap suyuin 'yun.”

Natawa doon ang ginang. “Tama. I can already imagine your dad rushing in our door with your brothers. Masyado ngang magulo ‘yun at sigurado akong hindi ka makakapagtrabaho nang maayos sa gulo namin.”

She’s an artist by heart and she was lucky enough to make her art known to the world. Kaya nga nagpunta siya sa Dubai ay dahil napasama siya sa mga iba pang artists na nabigyan ng chance na ipakita ang telento nila. She’s an architecture graduate. May permenente na rin siyang trabaho at masaya siyang napagsasabay niya ang dalawang bagay na ito.

Kahit hindi halata sa kanya ay seryoso siya sa trabaho niya dahil bata pa lang siya ay gusto na niyang maging architect. Mabuti na lang ay kahit nasa bahay-ampunan siya, hinayaan siyang kumuha ng scholarship para mag-enroll sa isang university. But when she got adopted, she had to transfer. Kahit na hindi na rin kailangan, pinilit niya pa ring mag-apply sa isang scholarship na madali niyang nakuha dahil sa recommendation ng dating scholarship sponsor niya.

Dumating na rin ang mga tita niyang kanina pa hinihintay ng mommy niya. Gusto sana siyang isama ng mommy niya pero tumanggi na siya. Nag-promise na lang siya na sa susunod ay sasama na talaga siya dahil miss na rin naman niya ang mga tita niya.

Ngayong mag-isa siya sa bahay nila ay hindi na niya alam ang gagawin niya.

She knows herself that what she needs is sleep. Umaatake pa rin ang insomnia niya at wala pa siyang sleeping pills dahil naubos na niya iyon. But it wasn’t just her insomnia that caused her to lose her sleep. Hindi naman niya maloloko ang sarili niya kahit anong gawin niyang pagtanggi na ang nag-iisang tao pa rin naman sa kabilang kwarto niya kagabi ang hindi nagpatulog sa kanya.

Kahit naman noong nasa Dubai siya, hindi siya nakuha nang maayos na tulog dahil sa iisang rason niya. Ngayon pa kaya na mas malapit na ito sa kanya?

Wala ang buong pamilya ng Kuya Keith niya dahil sa biglaang business trip nito kaninang umaga lang. Hindi nagpaiwan ang pamangkin niyang si Keanna dahil sumakit na naman ang ngipin nito at ayaw pahiwalay sa mama niya.

Naka-leave siya sa trabaho niya at sigurado siyang masesermunan siya ng boss niya kapag nakita siya doon.

Ngayon lang niya na-realize na dapat pala sumama na lang siya sa mommy niya. At least doon, alam niyang may gagawin siya.

Wala naman siyang choice. Mas mabuti ng pagalitan siya ng boss niya kaysa tumunganga siya dito.

■ ■ ■ ■ ■

“Manang-mana ka sa pinagmanahan mo. Hindi mo ba talaga maintindihan na naka-leave ka? Kapag ako talaga pinagalitan ni Tita Kiera.”

Dapat ay hindi siya tumatawa lalo na ngayong pinapagalitan siya pero hindi talaga mapigilan ni Krexia ang sarili niya. Nakakatawa kasi talaga ang Kuya Hades aka boss niya kapag sinasabi nitong natatakot ito sa mommy niya.

Hades Clayton Montelvaro owns the firm company she’s working for. Kahit na may sarili itong hacienda gaya ng mga kuya nito, ang binata pa rin ang nagmana ng kompanya. Mahabang kwento pero masaya na siya na ito ang boss niya.

Sa lahat ng magpipinsang Montelvaro, maliban sa mga kuya niya, ito ang naging pinaka-close at pinakagusto niya. Ito na ang naging pangatlong kuya at bestfriend niya. Their almost eight years of age gap was not a problem.

Unrequited to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon