Wrong Send - 9 - A Text From Him

3.1K 74 6
                                    

Now Playing - What If by Jordyn Taylor
Para mas mafeel niyo ang mga happenings paki play nalang ng music sa side :)
___________

 Chapter 9  - A Text From Him

JESSIE'S POV

Kinuha ko ang phone ko sa loob ng bag. May nagtext nga talaga. Napangiti ako.

2 messages recieved from Luis

Ewan ko pero always ata perfect timing si Luis pag nagtetext siya, pinapasaya niya ako at nawawala ang boredom ng araw ko

From: Luis Torres

hahaha yeah same here! di ko parin feel magklase bukas, nakakatamad pa xD uhm Jessie di ka pa sleep quarter to 10 na ? :)))

Kung magtatanog kayo kung bakit ganyan message niya.. topic kasi namin kagabi tungkol sa opening of school year ngayon pero natulugan ko siya eh. Binasa ko yung pangalawang message niya....

From: Luis Torres

Good Morning Jessie! :D how's your sleep? haha kasi naman tinulugan mo ako pero okay lang basta ikaw haha reply ka lang kung di kana busy haha boring masyado yung klase ko T_T sayo jan? :)))

Nasasanay na ata siya sa akin pero ano raw? OKAY LANG BASTA AKO? sheeeet naman pwede kiligin sayo pero NO! NO! NO WAY! Friends lang kami! FRIENDS!

Buong 3rd period kami nagpalitan ng text ni Luis and lucky me di ako nahahalata ng teacher at mga classmates ko.

Me: haha okay lang tulog ko kapos konti waah! sorry natulugan kita kagabi :| haha boring?! di lang boring klase ko super boring!!! xDDD

Luis:  haha ok lang yan same lang tayo kapos sa tulog xD hahaha so perfect timing pala ako? galing ko talaga :)))))

Di kalang perfect timing super perfect timing haha daig mo pa mga bestfriend ko kung makatawag or katext ka kung alam mo lang. Natatakot ng ako masanay eh.

Me: haha oo! buti napatext ka hahaha xD

Luis: haha kasi concern ako sayo :)

DUG.... DUG... DUG... DUG...
I can feel my heart beating so fast.

Concern siya sa akin? Ano ba Luis di pa kita nakikita sa personal pero parang maiinlove na ata ako sayo! Stop Jessie! No way okay? No way! Yes di pa ako inlove! Bola lang yan! Don't assume to much Jessie! Yeah! Tama!

Me: at kailan ka pa naging bolero ha? xD

Luis: Sabi ko na nga ba yan iisipin mo eh  kaw talaga I'm serious okay? no jam! haha :)))

HE IS SERIOUS?

NO JAM?

kinilig ako sa text niya pero konti lang naman o konti pa?

Me: okay fine haha kung ganun thanks sa care mo Luis sana di bola yang sinsabi mo ;)

Luis: di ka parin naniniwala ? :(

Me: emotional ka masyado! oo na naniniwala na ako sayo :)

Luis: Thank you Jessie kung yun paningin mo sa mga lalaki.. iba ako sa kanila :D

Bakit biglang naging ganito ka seryoso ng topic namin ah

Me: No problem hahaha sabi mo eh ;))

Luis: hahaha may tanong sana ako sayo eh :)

hmmm ano naman kaya itatanong niya....nakakacurious naman.

"Jessie"

"Parang gulat na gulat ka ata jan aah?" nakahinga ako ng malalim. Si Trish lang pala

"Ikaw talaga bes ginulat mo ako!"

"Kasi naman eh busy ka masyado kakatext jan sino ba kasi yan?" tukso sa akin ni Trish

Napasubo na ata ako I think now is the right time para i.chika ko na kay Trish. Napakasecretive ko naman masyadong bestfriend sa kanya kung di ko pa to i.chichika.

"Friend ko lang to. FRIEND LANG PO napakalawak ng imagination mo" sabi ko kay Trish at natatawa.

"FRIEND lang po daw baka FRIENDS LANG MUNA! Chika mo na!" tukso ulit ni Trish.

"Chika ko sayo pa recess na!" sabi ko with a smile

"Recess na bes yan kasi sobrang napasarap ang palitan niyo ng mga text kaya di na namalayan na recess na, swerte ka ako bes mo at di kita sinumbong sa teacher" sabi ni Trish

Recess na pala?

"OO na sige na ichichika ko na sayo pambihira ka" sabi ko ang kulit kasi.

"Sige ichika mo pagbaba natin sa caf. okay? Punta muna ako locker una kana sa table natin." sabi ni Trish habang papalabas ng room dala-dala ang mga libro niya. Tumango lang ako.

Tiningnan ko ulit yung phone ko. May message ulit ako galing kay Luis

From: Luis

Hey Jessie still der?

Dahil sa gulat ko nakalimutan ko na tuloy magreply kay Luis

To: Luis

Luis text you later muna, usap nalang tayo mamaya :)

Message sent atcwala pang 1 minute nagreply agad si Luis sa akin...

From: Luis

Okay Jessie! take care always :)

Napangiti lang ako at hindi na nagreply. Kinuha ko ang wallet ko at nagsimulang maglakad papalabas ng room.

"Hi Jessie!"

"Hi Mark!"

Nagkasalubong pala kami ni crush! Correction EXcrush. I mean. Ewan ko ba bigla nalang nawala ang pagkacrush ko sa kanya nung nakilala ko si Luis.

Wrong Send (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon