Chapter One

24.6K 268 2
                                    

"PUWEDE ba tigilan mo na 'yang pagnguyngoy mo diyan? Kahit anong gawin mong pag-iyak at maglupasay ka man hindi na babalik sa 'yo 'yong taksil mong jowa maniwala ka sa 'kin." pangaral ni Una sa kaibigan niyang si Shirley. Nakipaghiwalay kasi ang boyfriend nito sa kadahilanang mayroon na raw itong mahal na iba.

College pa lang ay magkaibigan na sila ni Shirley. Naging kaklase niya ito sa isa sa mga subject na kinukuha niya noon. She took up Business Marketing habang ang pangalawa naman ay Business Adminstration ang tinapos na kurso. Nang makagraduate sila ay pareho rin naman silang pinalad na makapagtrabaho kaagad sa iisang kompanya. Simula noon ay napagkasunduan nilang umupa na lang ng isang apartment kung saan apat na taon na silang naninirahan na magkasama.

Isang anak lang si Una. Her mom and dad got separated when she was in grade six. Her father has his own family already at nasa Canada na ito naninirahan kasama ang pangawalang pamilya nito while her mother died when she was in second year high school because of car accident. Tubong Ilocos Norte ang pamilya niya both sides and after her mom died ay doon na siya sa lolo niya nanirahan—tatay ng mommy niya. Ngunit nang tumuntong siya ng kolehiyo ay napagdesisyunan niyang sa Maynila na mag-aral.

"Ano bang mali sa 'kin? Pangit ba ako? Siguro mas sexy 'yong pinagpalit ni Felix sa akin, magda-diet na talaga ako simula ngayon. Totoo na 'to." anito. Hindi pa rin ito humihinto sa pag-iyak.

She rolled her eyes. Sasabunutan niya na talaga ito. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo, ha?! Duh? You're not ugly, okay? At hindi mo kailangan mag-diet... you're... you're...voluptuous, okay?" Hindi niya alam kung magiging effective ang sinabi niya rito. May pagkamalusog din kasi ang kaibigan niyang iyon. "And as I've always said, beauty is in the eye of the beholder, kaya tigilan mo na 'yang kadramahan mo, ibig lang sabihin no'n hindi siya ang tamang lalaki na nakalaan sa 'yo." pampalubag-loob niya pa.

Tumigil ito sa pag-iyak at nilingon siya. Kumuha muli ito ng tissue at suminga. Halos dalawang box na yata ng Kleenex tissue ang naubos nito. "Hmp, sinasabi mo lang 'yan... palibhasa masaya ang lovelife mo." nakangusong wika nito.

Sabi na nga ba niya iyon ang ibabanat nito. "Of course not. Iyon naman ang totoo. Mas mabuti nga 'yon habang maaga nakita mo na kaagad ang ugali niya at nabuko mo na ang pambababae niya. Saka gaano katagal na ba kayong dalawa?"

Saglit na natigilan ito at nag-isip. "Two months."

"See?... Gusto mo ba umabot pa kayo ng three, four , five months or worst one year bago mo natuklasan ang pagiging palikero ng Felix na 'yon?" Hindi ito nagsalita. Marahil ay kahit paano ay naisip rin nito ang punto niya sa wakas. "Kaya imbes na magmukmok ka diyan at umiyak ng buong maghapon, ipakita mo sa kanya na hindi siya kawalan. It was his lost that he dumped you." pagpapalakas-loob niya pa rito. Sa wakas ay tuluyan na itong bumangon.

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa nito. "Yeah, you're right. Siguro nga sa una lang itong sakit na nararamdaman ko pero makakapag-move on rin ako. Salamat my friend, hay, hindi lang siguro ito ang right time para sa love life ko." kumbinsi nito sa sarili pero halata pa rin ang dinadala nitong sakit dahil sa pagkabigo.

Nginitian niya ito at niyakap. Alam niya na masama pa rin ang loob nito but knowing the fact na natanggap na ng kaibigan niya sa sarili nito na kailangan nitong tanggapin na hanggang doon na lang ang relasyon nito at ng ex-boyfriend nito ay sapat na para mapalagay siya.

"Naiinggit tuloy ako sa 'yo. Buti pa kayo ni Aldrich going strong." anito nang maghiwalay sila. Ang tinutukoy nitong Aldrich ay ang boyfriend niya. Halos magdadalawang taon na rin sila nito at saksi si Sheryl sa lahat ng pinagdaanan nilang magkasintahan.

She smiled when he remember him. Nakilala niya ito dahil na rin sa isa sa mga kasamahan nila sa opisina. Nagpunta sila sa birthday ng officemate nilang iyon at nagkataon naman na nag-imbita rin ng mga kaibigan ang nakatatandang kapatid nito at doon niya unang nakita si Aldrich. Nilapitan siya nito at nakipagkilala. Mabait naman ito at naging palagay ang loob niya rito. Bago matapos ang gabing iyon ay nagkapalitan sila ng cellphone number at doon nagsimula ang lahat. Pagkatapos ng dalawang buwan ay sinagot niya ito at masaya siya na hanggang ngayon ay matatag ang relasyon nila.

Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon