Chapter Eight

9K 181 4
                                    

IKATLONG araw na ng pananatili nila Una at Chase sa Ilocos at iyon ang nakatakdang araw kung saan sila dadalo sa kasal ng kaibigan ng binata na si Thor. It was a sunset wedding on the beach. Ginananap iyon sa isang kilalang resort sa Pagudpod kung saan pagmamay-ari iyon ng kamag-anakan ng bride.

Simple lang ang seremonyas at pili lang rin ang mga dumalo sa naturang okasyon. Mga close friends at immediate family members lamang ng dalawang partida ang naroon. Hawaian ang tema ng kasalanan kaya napaka-light at very refreshing ng mga aura ng mga tao roon. Hindi maalis ni Una ang tingin niya sa nobyo niyang si Chase. He looked totally hot and gorgeous wearing a white sando top with light green floral polo paired with white boardshorts and white sneakers. Ganoon ang suot ng mga groomsmen pero kahit pare-pareho ang mga ito ng suot ay namumukod-tangi lamang si Chase para sa kanya. Bias ka kamo Una.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay dumiretso ang lahat sa reception area na naroon rin sa naturang lugar. Sobrang sweet ni Chase kay Una. 'Yong sweetness na talagang hindi niya maiiwasan mapangiti. She was very thankful that she found him dahil kung wala si Chase ay baka nagmumukmok pa rin siya sa isang sulok ng opisina o kaya ng apartment nila ni Shirley dahil sa pagkabigong naranasan niya.

"May problema ba?" worried na tanong sa kanya ni Chase habang kumakain sila sa reception. Sunud-sunod na iling lang ang ginawa niya. "E, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?"

"I'm just happy, you know?" nakangiting wika niya.

Inakbayan siya nito at pagkatapos ay hinalikan siya sa kanyang noo. "I'm glad you're happy with me."

She smiled. No word can describe her feelings that very moment. Unti-unti nang nasasanay ang sistema at puso niya kay Chase.

"Hey, I thought moment lang'to ni Thor... hindi ko alam na mayroon din pa lang may sariling moment sa side na ito." sabay pa silang napalingon. May nakita siyang apat na lalaking papalapit sa kanila. Wala rin tulak-kabigin sa kaguwapuhan ang mga binata pero siyempre si Chase pa rin ang mas bet niya. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang mga kaibigan ng nobyo niya.

"Hi, Miss beautiful. I'm Jeff. Pinaka-guwapo sa aming lahat. Hindi naman obvious 'di ba?" pagpapakilala ng isa sa lima. He offered his hand to her.

Pero bago niya pa tanggapin iyon ay naunahan na siya ni Chase na hawakan iyon. "Nice meeting you pare." anito.

"Wow, 'tol kailan ka pa naging protective sa mga babae ha?" natatawang wika ng isang lalaki na mukhang artista sa isang Koreanovela.

"Ngayon lang at puwede ba kumakain kami kaya huwag kayong istorbo. Panira kayo, e." sagot ni Chase. Nakatingin lang siya sa mga mga ito at natutuwa siya sa mga nakikita niya sa pagsasama-sama ng magkakaibigan.

"Ang sungit. May regla. Nagbago ka na talaga Chase. Iba na talaga kapag may mataas na posisyon sa kompanya." banat naman ng isang semi-kalbo na mukha naming may lahing bumbay. Nagtawanan pa ang mga ito.Nahawa na rin siya sa mga ito.

"Idagdag mo pang inlove siya ngayon." singit naman ng may mahabang buhok na parang rakista.

"Mga baliw! Tigilan niyo 'ko. By the way Una, I'd like you to meet all of my friends. This is Russ," tukoy nito sa mukhang Koreano. "Chill--- he's the owner of Chill's Haven." tukoy naman nito sa mukhang may lahing bumbay.

"Kung saan kayo unang nag-date nitong si Chase." singit pa nito. Bigla naman siyang nahiya. Baka nakita nito kung anong hitsura niya noon.

"Here's Don." anito sa may mahabang buhok. "And of course 'yong busy masyado sa kanyang wedding roon..." inginuso pa iyon ni Chase. "That's Thor and his wife Meiden."

Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon