Chapter Five

9.3K 175 4
                                    

KADARATING lang ni Chase mula sa tatlong linggong pananatili sa South Korea para sa isang business conference. Nag-uumpisa na rin kasi ang kompanya nila na mag-expand globally at ang South Korea ang unang bansang target nila. Nakipag-meeting siya sa isang prospect investor roon para magkaroon siya ng rights na mailabas na rin sa bansang iyon ang mga pina-publish nilang magazine at hindi naman siya nabigo. Sa susunod na buwan ay lalabas na roon ang mga magazines nila.

Sabado ng araw na iyon at napagkasunduan nilang magkita-kitang magbabarkada sa paborito nilang lugar. Sa Chill's Haven na pagmamay-ari rin ng isa sa mga barkada niya. Pasado alas-otso nang makompleto silang anim.

"Ganyan na ba talaga kapag isa nang big boss ng kompanya? Bihira na lang magpakita?" pang-aasar ni Chill. Ang may-ari ng naturang bar.

"Oo nga, baka kailangan na rin namin magpa-appointment sa 'yo." dagdag pa ni Jeff.

"Tado! I told you, I was in South Korea for the past three weeks for a business conference. Kakauwi ko lang kaninang umaga." aniya.

"Business-conference-slash-girl-hunting kamo." banat naman ni Thor.

"Ilan na naman bang babae ang nasungkit mo do'n?" it was Don.

"Wala." Lumagok siya ng alak. "Pure business lang ang pinunta ko do'n."

"Whooo! At kailan ka pa umiwas sa mga grasya'?" natatawang banat naman ni Russ. Wala yata talagang pag-asa na maniwala sa kanya ang mga kaibigan niya.

Kailan nga ba siya biglang "naumay" sa mga babae? "Mag-iisang buwan na." natatawang sagot niya. Mag-iisang buwan na pala nang una sila magkakilala ni Una. Sa dalawang linggo na hindi niya ito nakita ay parang may kulang sa buhay niya. Hindi niya rin alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa dalaga at kung bakit ang laki yata ng pinagbago ng sarili niya simula ng makilala niya ang ito?

"Don't tell me dahil iyon sa babaeng na-meet mo rito? Sa pagkakatanda ko halos mag-iisang buwan na rin 'yon." nananantiyang tanong ni Chill. Hindi na siya magtataka kung alam iyon ng kaibigan niya. Malamang ay naikuwento kaagad ni Andrew—isa sa mga crew na kadikit niya na nagta-trabaho roon.

Isang ngiti lang ang pinawalan niya. Wala siya sa mood magkuwento sa ngayon.

"Ayos, unti-unti na bang nare-recognize ng sarili mong bokabularyo ang salitang "pagseseryoso? At dinadaan mo na lang kami sa ngiti ngayon. Kailan ba namin makikilala 'yang nagpapabago sa pananaw mo pagadting sa babae, ha?" interisadong tanong ni Jeff.

"Saka na. Huwag muna ngayon. Baka mausog." aniya saka tumawa.

"O, basta huwag kang mawawala sa kasal nitong si pareng Thor ha, mark your calendar in two weeks time." pagpapaalala ni Russ.

"Sa Ilocos Norte gagawin 'yon 'di ba?" Ang pagkakatanda niya ay isang Ilokana ang mapapangasawa nito at napagkasunduan nito na doon ganapin ang kasal dahil naroon karamihan ang mga kamag-anak ng bride.

"Yup. Sa Pagudpud mismo." sagot ni Thor.

Napangiti na naman siya. Mukhang umaayon talaga sa kanya ang tadhana. You're a one lucky guy, Chase.

MAAGANG pumunta si Una sa condo unit ni Chase. Alas-otso pa lang ng araw ng Linggo. Iyon ang huling linggo ng pagiging house maid niya para sa binata. Inagahan niya ang pagpasok dahil alam niyang nakatakdang umuwi ito nang gabi ring iyon. Halos tatlong linggo rin niyang hindi nakita ang boss niya dahil nagpunta ito sa isang business conference sa South Korea. Pero kahit na nawala ito ng ganoong katagal ay hindi ito nakalimot sa kanya. Minsan ay tinatawagan siya nito para mangamusta o kaya naman ay nagpapadala ito ng mga sweet quotes para hindi raw siya malungkot habang nasa ibang bansa ito.

Can't Help But Fall In Love With You (Published/Unedited Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon