Naranasan niyo na bang magka-crush o humanga sa isang tao?
Malamang sa lamang... oo
Pero ang sandamakmak na crush, na sa bawat araw dumadagdag ka ng sampu o kaya eh bente pa?
Naranasan mo na ba 'yun?
Ako kasi-- yes na yes! Sa katunayan nga, makakasama ko ang current top 1 sa shoot!
"Mia, mag-focus ka nga! Nasa photoshoot tayo, wala sa parke para tumunganga lang!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat sa sigaw ng photographer.
And yep you red it right, nasa photoshoot kami ngayon para sa bagong irerelease kong album. And yes, I'm a singer and at the same time ay actress and model narin. Because of that too, mas lalong nadadagdagan ang list ng crushes ko! Siyempre madalas mga bigating artista ata ang nakakasama ko!
"Ahh okay po. Sorry po!" nasabi ko na lang saka nag-posing ng V-sign. Agad na naman akong napagalitan ng photographer ko at sinabihang palitan ang posing ko.
Bakit hindi ba ako cute doon?
"Okay 1, 2, 3!"
At kasunod nun ay flash... isa pang flash, at sunud-sunod pang flash ng camera. Sanay naman na ako sa ganito pero sana lang huwag maapektuhan ang mata ko.
Ito ang ginagamit kong binaculars para mang-haunting ng mga guwapo. Like my current top 1 nga, na si ARON ARZUELA. But there is more best thing about him than any other else, hindi lang siya guwapo, mabubusog ka lalo sa abs!
Kyahhhh~!!! Nasaan na kaya siya? Ang tagal-tagal niya. Kung hindi ko lang siya crush baka magsusumbong na ako kay mommy na pinaghihintay ako ng lalake.
Ang unica iha niya ay pinaghihintay? Dapat hindi ganun!
"Oh Mia, bakit nagpapadyak-padyak ka diyan? May problema ba?"
Napatingin naman ako sa direktor. Nginitian ko lang siya.
"Ahh okay lang po ako. Hehehehehehehe."
Pero ang totoo niyan, hindi talaga ako okay~!!
"Ah sige. 3 minutes na lang at dadating na daw si Aron para sa last set ng photoshoot niyo. Be ready ah."
Umu-oo na lang ako at nag-nod, habang ngiting abot hanggang tenga kay direk. Na sana lang ay hindi na-weweirduhan sa akin. Baka mabuking pa ako, at hindi na ipatuloy ang photoshoot. Mahirap na.
3 minutes na lang daw, Mia at darating na siya.
---- at tama nga si direk! Nagtiyaga akong bilangin ang 3 minutes at saktong-sakto, walang kulang o labi, dumating na siya!
Agad-agad minake-upan na kaming parehas at natuwa naman ako bigla nang malamang dark and sexy ang concept ng photoshoot namin! Yay~!
"Mia, don't forget. Do your job and isantabi muna ang pagkarengkeng!" biglang sabi ni Janna na siyang make-up artist kong bakla.
Napasimangot naman ako. Ang kulit-kulit ni kuya--- este ate pala, sabi ng hindi ko nga nilalandi si crush eh! Bakit ba ganun ang term niya?
Nang officially ng mag-start ang photoshoot, at first hindi ko mapigilang mahiya. Ewan ko lang kung pati rin siya, pero kanina nung makita niya ako, eh nakita kong napatulala siya at hindi na ako halos ma-greet ng maayos. Na-star struck ata sa kagandahan ko! Yiee~~
"Mr. Aron and Ms. Mia, closer pa po." sabi bigla ng isa pang photographer.
Nakita ko naman sa tabi nito si ate Janna at nag-gesture na magtabi pa daw kami. Kaya sinunod agad namin.
BINABASA MO ANG
Cover Up (EDITED) ✓
Short Story"Gusto mo ako diba?" "A-ah... eh... ata?" One Shot Story | BaekYeon Fanfiction | EDITED All Rights Reserved © 2018 --- -- - BOOK COVER IS NOT MINE AND IS EDITED. FULL CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER.