"Ay nako Yessa. I-goodluck mo ako! Bilisan mo!" Sigaw ko sa telepono. Para akong may kaaway, akala mong nag-aamok ng suntukan.
"Nababaliw ka na naman ba?!"
"Basta i-goodluck mo ako!"
"Para saan, bakit?"
Kasalukuyan akong nagmamaneho papuntang Conste Co. Hiring sila ngayon, at wala akong pakialam kung janitress man ang i-offer nila. Makapagtrabaho lang ako sa korporasyon ni Caelum my forever crush ko ay maari na akong sumakabilang-buhay!
"Mag-aaply ako ngayon sa Conste Co! Ang kompanya ni Caelum my loves ko! Kailangan matanggap ako roon, you know how much I adore that man! Kaya i-goodluck mo ako! Dali, wish me luck, wish me luck, wish me luck, Yessabebe!"
"Nako naman, Mary Jane. Tanga ka ba o ano? Alam natin na--
"Dami mong kibot talga, bestfriend ba talaga kita?! Huhu, mambabasag ka na naman ng trip, e! Nagpapa-goodluck lang naman ako!" Maktol ko rito, while faking my sobs.
Pinatay ko ang tawag at pabagsak na sumandal sa upuan ng kotse ko. Lintik na Yessa 'yan. Nagpapa-goodluck lang ako kasi unaasa ako na sana si Caelum ang mag-interview sa akin, tapos she'll going to burst the bubble just by saying na mga HR ang mag-iinterview sa akin?!
Of course I know that! I've been in to differeny companies pero hindi ako loyal sa kanila dahil nasa Conste Co ang puso ko! Andon ang Caelum my loves ko!
"Goodluck sa interview kahit mukha kang sabog sa kahibangan mo! Nakahithit ka na naman ba ng baygon? Labyu, MJ!"
My ever supportive bestfriend texted me. Pasalamat siya mahal ko siya! Sa simpleng goodluck na 'yon ay para na naman akong humithit ng katol! Oh sige, tulad ng sabi niya baygon. Humithit ng baygon! Nag-boost na naman ang energy ko. Kumbaga uminom ako ng milo and I beat the energy gap! Love you too James Reid!
I so love my bestfriend!
Mabilis kong narating ang address ng Conste Co. Conste Co is all about lights. From the finest fairly lights, bulbs, fluorescent lights, lamps, chandeliers, even to LEDs and etc.
Pipichugin ika ninyo? H'wag niyong minamaliit 'yan dahil hindi lang basta pang-bahay ang inilalabas nila sapagkat pang-hotel, mansyon, kumpanya at kung anu-anong big time ang sinusupplyan namin! Este nila... hindi pa pala ako hired!
Kumbaga, sa mas madaling salita, binibigyan liwanag ni Caelum ang buhay ng mga kababaihang katulad ko na pasimpleng nagtatago sa dilim para lang pangarapin siya.
Sa guwapomuch ba naman ni Caelum sinong hindi mahuhumaling? Perfect set of white teeth, dazzling eyes, fair skin tone, pointy nose, perfectly chiseled jaw line, pink luscious lips. Ay bes, makakalaglag panty talaga as in!
At dahil mag-aapply ako, talagang inagahan ko. Syempre, nagpaganda ako! I wore a bloody red body hugging dress na hanggang sa tuhod ko. I made sure na may makikita sa cleavage ko para pak na pak, bes! At saka naglagay ng kaonting kolorete sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
Reaching For Caelum Corvus
Ficción GeneralMary Jane Flores is too eager reaching for her dreams, lahat gagawin niya para makamit ang mga ito. At kasama na sa mga pangarap na 'yon si Caelum Corvus, ang pinaka-prominenteng tao sa buong bansa.