I'm Your Rain (one shot)

145 2 2
                                    

Credits sa aking kapatid para sa story na to.Siya yung gumawa actually and ako lang po ang mabati at magandang kapatid nya na taga-edit.Sana magustuhan nyo!

~

"Besty Shin,punta muna akong Bench ah." sabi ng bestfriend kong si Stella.

"Ah,okay." sagot ko habang hawak-hawak ang aking Green Tease mula sa J.Co.

Ang sarap talaga ng donuts nila.Hooo!Heaven!

Naglakad lakad muna ako dito sa mall.Matagal pa namang lalabas si Stella sa Bench kasi maarte yung taste nun eh.Alam nyang hindi ako sumasama sa kanya dun,nabobored lang ako.Hindi naman ako mahilig sa mga damit lalo na yung mahal na mga damit.

Habang naglalakad ako ay nadaanan ko yung Timezone.Napako ang tingin ko sa mga naglalaro ng basketball.Pumunta ako sa store nila at nagpaload ng 100.

"Hehe...Matagal na din akong hindi nakakapaglaro neto" sabi ko saking sarili habang ngimingisi.Excited na ko.

Shoot dito.Shoot dito.Shoot dito.Hooo!Walang palya.Nakaka 20 points na ako.Excited kong hinawakan ang bola matapos itong gumulong papalapit sakin.Pumusisyon ako para mag shoot Ooops!Masyadong mataas at nagbounce sya doon sa metal steel ng shoot shootan ng basketball.

(A/N:Alam nyo naman ang mga shoot shootan ng basketball sa mall diba?Intindihin nyo guys kasi di ko alam ang tawag dun at ang parts dun.Lab you!)

"Araaaay!" sakto namang napalingon ako sa likod matapos magbounce ang bola at nakita kong natamaan yung lalaki.Muntik pa nga syang matumba dahil sa impact nung bola.

"Sorry!" sabi ko tapos hinabol yung bola.Pagkakuha ko nun ay bumalik ako sa pwesto ko at nagpatuloy sa pagshoot.10 seconds nalang!Kailangan kong mahabol toh para makapasok sa round 2.

"Hoy!" putspa!Nagulat ako dun ah.Tumingin ako right side ko.Siya yung lalaking natamaan ng bola kanina.Tinaas ko yung dalawang kilay ko na nagsasabing 'Ano?' Pero tuloy parin ako sa pag shoot 6 points nalang.

"You have to pay for this." sabi nya.

Hahaha.As if I care. Nagsorry na ako kanina.Its enough.

Inirapan ko sya at di sya pinansin nang patuloy sya sa pagdada.

Hinawakan ko yung bola at titira na sana 2 points nalang pasok na ako sa round 2.Yeeesh!

"Ano ba!" hinawakan ng lalaki ang braso ko at hinarap ako sa kanya.Mukhang galit na galit sya.Sinamaan ko sya ng tingin at ibinalik yung tingin ko sa nilalaro ko.Sheeeeet memeng!Tapos na yung time!

"Paano ba yan?Mukhang dapat mo na akong pansinin ngayon." nakangisi sya

I'm Your Rain (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon