takipsilim

1K 5 1
                                    


Tahimik akong bumaba ng hagdan habang titig na titig sa aking orasan

10:55 PM, ilang oras na lang din. Kaya't nagmadali na akong lumabas ng bahay.

Napagdesisyonan ko na maglakad na lang, malapit lang naman sa amin kaya pwede na din...

Palagi mong sinasabi sa akin na kahit na umalis ang mga ilaw, dito ka pa rin nagabay sa akin.

11:30 PM, malapit na, konti na lang talaga.

Naalala ko sabi mo kahit na basagin ko ang puso mo, wala kang pake dahil mas gugustuhin mo pang masaktan kaysa mawala ako sayo.

Ang dami mong sinabi na parang palagi ako yung iiwan sayo, pero parang baliktad ata?

Umakyat ako sa pinakatuktok at naupo sa malapit sa bangin, yung paborito nating pwesto...

kung saan natin makikita ang mga talang walang kupas ang liwanag, yung mga siyudad na hindi natutulog at yung pagmamahal na nararamdaman natin kahit sa pagpikit.

Naalala ko kanina iniwan mo na ako, umiiyak ka at hindi ko kinaya yun, sabi mo di mo ko kayang iwan pero hindi mo na din akong kayang makasama pa.

Naalala ko na bago pa pumatak yung mga luha ko, bumagsak na ang mga mata mo.

12:00 AM, dito eksakto parang buhay na buhay ang kalooban ko, parang lang dahil ikaw lang naman nabuhay sakin.

Tumayo ako, at tumingala. Tama na, hindi ko na din kaya.

Humakbang ako palapit sa bangin, Wala akong maramdamang takot dahil alam ko sa pagbagsak ko, ikaw ang unang sasalo at ikaw din ang unang makikita ko.

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumilipad pababa nang marinig ko yung boses mo.

"Mira! Asan ka? Nandito pa ako! Mira!"

Pero huli na ang lahat, ikaw pa rin pala ang tama.

takipsilimWhere stories live. Discover now