CHAPTER 15

120 6 0
                                    

Bumalik ako sa office matapos kong ayusin ang sarili ko. Bahagyang nabawasan ang bigat sa dibdib ko pagkatapos naming mag usap ni Yue.

He told me I need some time away from Vince. Nasabi nya na masyado raw akong attached sa boss ko kaya affected ako sa lahat ng mga ginagawa nya. Which is true naman.

Naisip kong tama sya. I need a break.

"Now I don't know if that guy would be a good influence to you" pagpasok ko, yun agad ang sinabi ni Vince.

"What do you mean?" tanong ko.

"Mas pinaprioritize mo na sya kesa sa trabaho at sa akin. Nag uusap pa tayo kanina eh, tumawag lang sya nakalimutan mo nang nasa harap mo ako." nakasimangot na sabi nya.

"Well, sorry naman. Importante kasi yung tawag na yun. He'll be here next week and I'm planning to file a week long leave. If that's ok with you." naupo na ako sa swivel chair.

"Week long?" napalakas ang boses nya. "Ganun ba sya kaimportante at magli-leave ka ng isang linggo para sa kanya?"

I shrugged my shoulder. "Yeah, why not."

"Mas importante pa sya kaysa sa akin?"

Sabay kami ni Jerome na napatingin sa kanya.Parang pati sya nagulat sa tanong nya. "I-I mean, diba nga magpopropose ako kay Maureen? Tulungan mo naman muna ako" bawi nya.

"What does your proposal have to do with me? Can't you do it alone? Kulang nalang ako ang magpropose para sayo, ganun?" tanong ko.

Nagkamot sya ng ulo.  "Hindi naman sa ganun. Napansin ko kasi na pareho kayo ng taste ni Mau sa maraming bagay. So palagay ko, kung anong gusto mong theme ng proposal, gusto rin nya"

I glared at him. I feel it's like adding insult to the injury. Ang sakit na nga na malaman na magpopropose na sya tapos akin pa rin ang idea? WAG GANUN!

"Dalhin mo sya sa palengke at dun ka magpropose sa gitna ng daan" nasabi ko nalang.

That's not my ideal kind of proposal but I just hate the fact that he wants to get married with that girl. I won't give them a romantic place of proposal.

"Grabe, ganun ba ang gusto mong lugar?" tanong ni Vince.

Sa sulok ng mata ko, nakita kong tatawa tawa si Jerome.

"Of course. It's the least place she'll expect " sagot ko naman.

Tumango tango sya. "Well, I'll consider it. Tama ka naman. But still that's a weird choice."

LOL he bought it.

"Pero kung ako sa'yo, pag isipan mo muna. Kasi wala pa kayong two months na mag BF tapos proposal agad? Ang bilis naman." I said.

Ngumisi lang si Vince. "Nope. I've made up my mind. Samahan mo akong bumili ng ring mamayang uwian."

He said that as an order, not a favor to ask. As if wala akong karapatang tumanggi.

You really are a jerk.

Bumalik na ako sa trabaho.

Kinahapunan, namili nga kami ng ring. Ako ang pinapili nya kung anong design ang magugustuhan ko, since pareho daw kami ng taste ni Maureen. I don't know why he says that.

I hate being compared. Especially to that girl.

So dahil sa inis ko, pumili ako ng hindi kagandahang singsing. Kahit na mamahalin yun, pinili ko yung tipo ng design na hindi ko magugustuhan. Let's see.

I smiled in triumph when he actually bought the ring.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now