CHAPTER 16

112 6 0
                                    

After few days, naging abala ako sa pagtapos ng mga trabaho ko. Ilang araw akong mawawala kaya ayaw kong mag iwan ng unfinished business sa opisina. May kahalili naman ako pero ayaw kong mahirapan syang intindihin yung mga gawa ko.

I noticed Vince was a little gloomy today. He's been pressing the stringed ballpen on his table for almost ten minutes now. Naririndi na ako sa ingay na ginagawa nun.

"Will you stop that annoying thing?" saway ko sa kanya.

He continued pressing on and off while looking at the window.

Marami akong ginagawa at ayaw kong tumayo para sawayin sya. Dinampot ko ang wallet ko sa mesa at binato yun kay Vince. It hit his head.

I don't care if he gets mad.

"Ouch. What the fuck Juliet!" sapo ang ulo, lumingon sya sa akin.

"I told you to stop it! Can't you see I'm busy right now? Buti sana kung ikaw ang nade-distract sa ginagawa mo." bumaling ulit ako sa computer.

I heard him sigh.

"I can't be more disturbed that I am now. What should I do?" tanong nya.

Tumayo sya mula sa upuan at nagpalakad lakad sa room. Pabalik balik sya.

Naiinis na tiningnan ko sya. "Ano bang problema mo?"

"Si Ella kasi! Tawag ng tawag sa akin mula pa kagabi. Pinatay ko na nga ang phone ko eh. Hindi ko tuloy matawagan si Mau. " he said.

"Ano ba naman yan. Ang liit liit na bagay. Puntahan mo!" utos ko.

"Hindi na muna. Aayusin ko muna ang problema ko kay Ella." nagkamot sya ng batok. He looked so troubled.

"Ano bang nangyari at kinukulit ka na naman ng Ella na yun?" kunot noong tanong ko.

Sa dami ng naging babae ni Vince, si Ella lang ang naghabol after ilang months ng break up. For what?

Nag iwas sya ng tingin. Tumigil din sya sa pagpapabalik balik sa harap ko.

"Buntis kasi si Ella.. "

My jaw dropped. What the????

Ilang sandali ng katahimikan ang bumalot sa opisina.

"I-I don't know how will Maureen react if she finds out. I don't want Ella to go near me too. I don't think that's my child. I've always been careful." naupo sya sa ibabaw ng mesa ko at sapo ang noo. "Please, munchkin, help me. What should I do now?"

Pati ako ay nablangko ang utak.

❤❤❤

Bandang 11am, may dumating sa office. It was Maureen.

A sweet smile plastered on her lips as she went inside the office.

"Babe, why are you here?" gulat na tanong ni Vince.

"You're not texting me kasi. I think you're phone is off too. Nag alala ako na baka napano ka na so I decided na pumunta dito." naglalambing na sabi ng babae.

I rolled my eyes sa kaartehan nya. Naghalikan pa ang dalawa na parang wala ako sa sa kwarto.

"Ahemm" I cleared my throat. "It's office hours. Hindi pa breaktime."

Tumingin sila sa akin.

"Hi, Juliet dear. Andyan ka pala? You look pretty today." Maureen greeted me.

What a faker.

Hindi ko sya pinansin. How come I look pretty today? Hindi nga ako nakapag ayos dahil sa dami ng trabaho ko.

"You can go out now, Miss Velez. Mag early lunch ka na. Balik ka nalang after one hour." sabi ni Vince.

FROM MUNCHKIN TO MISS VELEZ REAL QUICK! Wow ha? GG Sir.

ONE GREAT LOVEWhere stories live. Discover now