Part II

5 1 0
                                        

Nathan's Pov

Im Nathan Garcia Fortalejo, Im the Husband of Mikaela. We've been married for almost two years pero hindi ko pa rin sya natututunang mahalin . I hate Ela and the fact that she's my wife giving me a hard time dealing with my girlfriend .

Oo may gf ako and Maggie Castro is her name . At alam ni Maggie na asawa ko na si Ela. At alam din nyang napilitan lang akong pakasalan si Ela. I love Maggie, kaya kahit na kasal kami ni Ela hindi ko maiwan si Maggie.

Sa condo ako ni Maggie madalas matulog . Wala akong pakialam kung magalit si Ela . Asawa ko lang sya sa papel at sa mata ng mga magulang namin . Yun rin ang dahilan kung bakit mga malalapit na tao lang ang nakakaalam na mag-asawa kami.

Magulang lang namin ang may kagustuhan nito . Pero ang hindi nila alam, na plano ko ng magfile ng annulment . Dahil gusto ko ng yayain ng kasal si Maggie. Bahala na kung madisappoint sila sakin . Hindi ko na kayang makasama pa si Ela sa iisang bahay.

Natigil ako sa malalim na pagiisip nung makita kong nandito na ako sa tapat ng gate ng bahay ng magulang ko .

Kailangan ko magisip ng dahilan, kung bakit hindi ko kasabay si Ela papunta dito. Bumukas ang gate at pumasok na ako .

Nadatnan ko sila Mama at Papa sa garden na naguusap . Biglang lumingon si Mama sakin ng mapansin nyang naglalakad ako papalapit sa kanila.

"Ui iho nandyan ka na pala nasaan na ang asawa mo ? " tanong sakin ni Mama sabay halik sa pisnge ko .

Mabilis akong nakaisip ng dahilan . Para hindi sila maghinala .

"Nasa school pa si Ela Ma, tinawagan ko sya para sunduin pero sabi nya dala daw nya ang sasakyan nya at may tatapusin pa daw po sya kaya susunod na lang daw sya. " ngumiti ako kay Mama para magmukhang totoo ang sinabi ko .

Lumapit samin si Papa at tinapik ako sa likod . Iniwan kami ni Mama para daw makapagusap kami ni Papa at para maihanda na nya yung dinner. Madami kaming napagusapan ni Papa about sa negosyo . Kaya hindi namin namalayan na dumating na pala si Ela.

Lumapit samin si Mama kasama na pala nya si Ela . At inaya na kaming pumunta sa dining area.



-mushess

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Unwanted WifeWhere stories live. Discover now