Part I

7 0 0
                                    

Parang binibiyak ang ulo ni Mikaela sa sobrang sakit, dahil sa hangover . Pero pinilit nyang bumangon para ipaghanda ng almusal ang asawa nya dahil papasok na ito sa kompanya na pagmamayari nito .

Pero pagbaba ni Mikaela ng hagdan  si manag Sol na lang ang naabutan nya na naglilinis ng bahay.

"Manang nasaan po si Nathan ?" tanong ko .

"Ai naku , anak nakaalis na ang asawa mo . Nagmamadaling umalis at may importante daw syang aasikasuhin. " sagot sakin ni manang Sol habang pinagpapatuloy ang paglilinis.

Bigla na namang sumagi sa isip ni Mika yung araw ng kasal nila.

Mika's Pov

Flashback

"Sa unang pagkikita namin ni Nathan ay may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya . Siguro ito nga yung tinatawag nilang Love at First Sight .

Kaya pumayag na rin ako na ipakasal sa kanya . Kahit na ang bata ko pa.

Sumapit ang araw ng kasal namin n Nathan . Mga malalapit na kamag anak at kaibigan lang namin ang imbitado dahil sa ayaw ni Nathan na may makaalam n kasal na kami hangga't hindi pa ako nakakatuntong ng bente uno.

Isa yun sa mga hindi ko makakalimutang araw ng buhay ko . Tuwang tuwa s Mommy na makita akong nakasuot ng damit pangkasal.

Pagkatapos ng seremonya at kaunting salo-salo ay umuwi na kami ni Nathan sa bahay na pagmamay-ari nito .

Pagkapasok namin sa bahay ay padabog na sinarado Nathan ang pinto at hinarap ako .

"Ito ang tatandaan mo Ela kahit kailan hinding hindi kita ituturing na kabiyak ko" saad ni Nathan habang hawak ng mahigpit ang braso ko.

Napabalik ako sa realidad ng kalibitin ako n manang Sol .

"Ayos ka lamang ba iha ? Mukhang malalim yang iniisip mo ah ? Mas mabuti pangkumain ka na ng Almusal, may pasok ka pa sa School " inakay ako ni manang Sol papunta sa dining area .

Pagkatapos ko kumain, umakyat agad ako sa kwarto ko para maligo at magbihis dahil may pasok ako sa school .

Third year College na ako sa St. Claire University . Bachelor in Business Administration ang course ko . Dahil na rin sa may mga negosyo kami kaya yun ang napili kong kurso . Para matulungan si Daddy . Passion ko ang pagsusulat. Kaya pag may free time ako ginugugol ko ang oras ko sa pagsusulat ng mga nobela.

After ko maligo at magbihis bumaba na ako para pumasok sa School. May sarili akong kotse kaya hindi na ako nahihirapan sa pagpasok, madalang kasi ang taxi dito dahil na rin sa exclusive subdivision ito .

Nagpaalam na ako kay manang Sol na aalis na ako . Sumakay agad ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang St. Claire . Nagulat ako ng biglang nagring yung phone at nakita ko na ang caller ay yung asawa ko .

"Hello Nathan? Napatawag ka may nakalimutan ka ba sa bahay ? " tanong ko sa kanya habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada.

"Gusto ko lang sabihin sayo na dun tayo magdidinner kela Mama . Gusto ka daw nilang makita. "  walang kaganaganang sabi sakin ni Nathan .

"7pm yun ela . Kaya wag kang malelate ." maawtoridad na sabi sakin ni Nathan , bago ibaba ang phone.

Napabuga ako ng malalim na hininga . Hanggang ngaun malamig pa rin ang pakikitungo sakin ng asawa ko .

Magdadalawang taon na kaming kasal . Pero ganun pa rin sya . Lagi pa syang inuumaga sa paguwi ng bahay . At lagi ring maaga kung umalis .

Hindi kami magkasama sa iisang kwarto . Kaya bibihira kaming magkita ni Nathan .

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng university na pinapasukan ko dahil na rin siguro aa kakaisip sa asawa ko.

Mabilis kong naipark ung kotse ko at naglakad na papunta sa Business Admin. Building.

Sinalubong agad ako ng maingay kong bestfriend na si Cheska.

"Hoy! Babae . Mukhang malalim na naman yang iniisip mo ah . Yung heartless monster na asawa mo na naman ba ang gumugulo dyan sa utak mo ? " tanung nya sakin habang nakataas ang kilay nito .

"Hindi naman Ches. Masakit lang ang ulo ko dahil sa hangover " sabi ko sa kanya ng nakangiti para hindi nya mahalata na tama ang hinala nya .

"Ang bilis mo kasing malasing Mika. Hahaha alam mo bang nagkalat ka sa bar kagabi . Kadiri ka friend. " tawa sya ng tawa .

Inaya ko na syang pumasok sa room at baka maabutan pa kami ng Prof. namin na nagkwekwentuhan sa labas 

Dumating na ang professor namin at nagstart na ang klase. Mabilis natapos ang maghapon ko dito sa school kaya dumiretso na ako sa bahay ng magulang ni Nathan .




Halo mga mamsh . Please read my story . I hope na ma enjoy nyo ang story na to . Salamat mga Mamsh :*

-Mushh

His Unwanted Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن