Waaah! Sobra akong naapektuhan. Unang beses ko magbasa ng HISTORICAL FICTION sa tanang buhay ko sa pagbabasa ng mga nobela. This book was somehow an eye opener to me. Alam ko bawat tao may kanya kanyang problema, sakit na dinarama at responsibilidad na pinapasan. Feeling natin minsan yung atin na yung pinaka mahirap, pinaka masakit at pinakamabigat pag napapagod tayo. Pero di mo alam mas maswerte ka pa sa iba, mas pinagpala ka pa pala, mas madali pala pamumuhay na tinatamasa mo ngayon kesa noong unang panahon na sakop pa ng mga dayuhan ang ating bansa. May kinakain ka. May tinutuluyan ka, kumpleto at kasama mo pamilya mo, at nasa panahon ka kung saan kahit papano malaya kang gawin mga gusto mo, may karapatan kang magsalita laban kanino man. Kung saan kahit papano pantay pantay na ang karapatan ng bawat tao. This book will open your eyes, mind and heart kung bakit kahit papano napakaswerte ko, mo, na nabuhay tayo sa panahong ito. Di ko masasabe lahat kasi di ko alam kung maeexpress ko ng mabuti, so yung sa pag ibig na lang. 😄 (Slight Spoiler Follows)..
Una- Ang swerte natin sa panahon ngayon na napakadali na makipag communicate sa love ones natin. Second away lang ang pag send bes. (Second away na nga lang kinatamaran pa nung syota mo.) While ang liham na mensahe ni juanito para kay carmela ilang oras o araw pa bago maipaabot. Sobrang stressful pa kung pano maipararating. *Hashtag Effort*
Pangalawa- Ang swerte mo kasi ang dami ng uri ng transportasyon ngayon. Yung 3 nights na byahe nila carmela 45 minutes nalang sayo. (Yung syota mo 15 minutes away lang sayo di ka pa madalaw. Wala daw pamasahe.) *Hashtag YeahRight*
Pangatlo- Ang swerte mo kasi sa panahon ngayon kinikilala na ang lakas ng kababaihan. Samantalang dati ni magkolehiyo hindi pwede kila carmelita. Sa bahay ka lang, magtatahi, magluluto, at manganganak. (Ngayon pwede mo na bungangaan syota mo sa social media. Nakapang iistalk kana. Palagi ka ng galit bes.) *Hashtag Power*
Pang-Apat- Ang swerte mo sa panahon ngayon pwede mong mahalin at makasama ang taong gusto mo samantalang dati magulang mo ang pipili ng nararapat sa istado ng buhay nyo para sayo. (Malas mo lang sa syota mo bes boto na nga buong angkan sayo pinagpalit kapa) *Hashtag FeelingBetrayed*
Pang Lima- Ang swerte mo di na ganun ka konserbatibo ang panahon ngayon. Dati kahit paghawak, magpakita ng talampakan, ni makipag eye to eye sa opposite sex bawal. Makita lang kayo nag uusap sa madilim kasal agad. Ngayon mag ala hokage ka, galawang breezy ka na rin keri lang. (yung syota mo nagawa nyo na lahat ng bawal iniwan ka pa rin) *Hashtag It'sNotYouIt'sMe*
Pang Huli- NAPAKA SWERTE mo at pinanganak kayo ng taong mahal mo sa parehong panahon. Kaya UTANG. NA. LOOB. wag mo nang sayangin. 😭 Waaaaaaah. Ma heart. Ma soul. *cries legit tears*
Yan lang masasabe ko kasi mas marami talaga kong hinaing, hinanakit, sama ng loob at PAGHANGA sa kabuuan ng kwento. Katulad ng..
Si CARMELITA. Dito talaga ko nawindang! Walangya. Yung mga iniisip ko na flaws nung plot o twist wala pala. Nalinlang ako. Beware, may sapi ang babaeng to. *whispers* uulitin lang nya pagkakamali nya noon. Inistorbo lang talaga nya si carmela.. Hashtag Powertrip. 😂
Si HELENA at CRISTETA. Parehas sila ng ugali. Actually pare parehas sila nila carmelita ng desisyon. Nakakagalit. Sobra. Nag usap usap siguro silang tatlo. Nakakainis 😡
Si SERGIO. 😭 Waaahh, ito talaga ang di ko matanggap. Hindi talaga katanggap tanggap. Hang sakit nun. Doble ang sakit. Bwisit na babaeng yun. Napakababaw. #FeelingBetrayed 😭
Si IGNACIO, SONYA & FRIENDS (Eduardo, Maria, Josefina, Angelito, Theresita, Laura, atbp). Ang galing lang kasi bawat supporting character may silbi. Hindi sila yung isiningit lang. Yun nga lang... 😭 Argh, nakakalungkot. 😭
Yung mga MAGULANG nila. Grabehan. Wala kong masabe. Yung sa Alfonson's at Corpuz's. Sobrang nakakasama ng loob. 😭 "Hanggang saan nga ba ang kaya mong isakripisyo para sa iyong kaibigan? O hanggang ilang kaibigan ang kaya mong isakripisyo para sa kapangyarihan?" 😣 Hustisya po. Hustisya. (Miracle in Cell No7 Feels) 😡😭
Si GINOONG VALDEZ at ang kanyang PAG-IBIG. Tumama ko dito. Nakakatuwa. "Hindi naman ibig sabihin na kapag pinalaya niyo na ang isa't-isa ay hindi nyo na mahal ang isa't-isa, minsan ang pagpapalaya sa minamahal upang hindi na sya mahirapan ay isang sakripisyong tanging labis na pag ibig lamang ang nakagagawa."😭
SI LE.AN.DRO. 😭 Second Lead Syndrome Y'all. 😢 For the 1st time in Wattpad. 😄 Ewan ko pero kahit nakagawa sya ng masama bet ko pa rin yung sobrang pagmamahal nya kay carmelita. Alam mo yung sasaktan nya lahat pero hindi ikaw. Waaaah! Mygad. Hanuna?! Nagsisi naman na sya, bat naman ganun? Di ba sya pwedeng mag bagong buhay? Hindi ba? ANO? SAGOT! 😭😭😭
Si CARMELA. Kasalanan talaga lahat ni carmela. Di kasi sya nag iisip sa simula palang. Kakagigil. Nagagalit ako kasi sinira nya lahat. (*sniff*Leandro, Sergio, Ignacio*sniff*) Tapos kahit anong problema di nawawala kaharutan nya. 🤔 Wala, taga 20th Century nga sya. 😄
Si JUANITO. Ito. Yung gantong klase ng lalake ang di nag eexist sa totoong buhay. Alam mo yung mapapabuntong hininga ka nalang kasi napaka ideal nya. Mapapamilya man yan o Pag-ibig. Kung nung dati ang bantot ng Juanito na name ngayon napakabango na. Mapapa "I wanna be someone's BINIBINI in this world full of BHEBHE KO" or "Find someone who will love you & only you for a HUNDRED YEARS in this world full HAPPY LAST MONTHSARY " or simply "I need someone like JUANITO in this world full of MANLOLOKO" ka na lang talaga. Haha. Kyaaaah, Power! 😄
Si JUANITO at CARMELA, Tanong ko nung una kung bakit hindi 'I Love You Since 1891' ang title eh nung taon palang na yun nagmamahalan na sila. Pero gaya ng ibang napuna at napagkamalan kong flaws ng plot hindi na naman. (ganun ka pinag-isipan) *hands down* Sobrang ma iinspire ka sa love story nila. Walang halong biro. Nakakatakot, Nakakamangha, Nakakalungkot, Nakakakilig, Nakakabilib. Against all odds talaga. Ito yung pag ibig na malalim sa sobrang daming pinagdaanan. Yung alam mong TUNAY at PANGHABANG BUHAY! *nakakainggit* 😍
BOOK OVER ALL REACTION:
Sobrang ganda nung kwento. TOTOO. Hindi sya yung bastang may maisulat o may maikwento lang na pagkakagawa. Pinag isipan talaga sya. (insert -Miracle in Cell7, 49 Days, Scarlet Heart, Goblin, The Princess's Man- here. Kung napanood mo na mga yan at nabasa mo to tsaka mo lang ako maiintindihan *grins*) Bawat pangyayare may hustisya, bawat eksena konektado. Nag research talaga si author. Nakakatuwa. (mabobore ka sa una pero tapusin mo, kawalan mo yan sige ka). Napakadaming twist. Twist dito, Twist don. Kakatwist palang twist na naman. Di ko pa nga na aabsorb. Haha. Hand salute kay author. You just made an instant fan in me. Kudos to you. 👍 Ang dami ko natutunan (oo, madami talaga, mas marami kesa nung nag aaral pa ko. Di kasi talaga ko nakikinig. Harhar.) at narealize. Ang mga pag hihirap at mga sakripisyo ng ating mga ninuno noon para lang ipaglaban at makamit ang kalayaan natin ngayon. Yung mga pang aabuso, yung mga di makatarungang batas. Ay grabehan lang talaga. Buti ngayon kahit papano nag va viral na mga sama ng loob natin. Noon wala kang magagawa kundi sumunod at tumahimik na lang. 🙁 So yun nga, kung di kayo busy basahin nyo po. Di kayo magsisisi. Saya kaya mag time travel. 🤗 Mapapa publish na sya. Yung POV ni Juanito, gosh ba't di ko afford?! 😢 Baka ikaw afford mo, pabasa na lang. Haha. Yun lang, Ciao! 😘
P.S. Nagpapatunay ang kwento na to na wag kang mawalan ng pag asa, na kung di man ikaw ang iniibig ngayon ni crush malay mo sa ika apat na salin lahi ikaw na. Hintay lang bes. Tas siguraduhin mo lang na ikaw na ang una nyang makikilala. Kasi first come first serve talaga labanan. Harhar.
BINABASA MO ANG
BEST OF BEST WATTPAD STORIES!
RandomMost book recommendations here in wattpad contains stories with million views pero di talaga ganun ka ganda yung story. Yung pag open mo pa lang alam mo na kung ano anong books ang nakapaloob doon. (I know. Naghahanap din kasi ako ng new stories thr...