Lipstick Lullaby

88 0 0
                                    


SASKIA was the love that made all loves irrelevant. - MIGUEL IMPERIAL CORDOVA

Dudes, this story is humorously-awesome. Lol. Nung una nag doubt pa kong tapusin or ipagpatuloy kasi ayoko talaga ng story na may nauna ng love yung guy. Hahaha. Well, kasi nasa point ako ng buhay ko kung saan pinaniniwalaan ko na possible na ikaw ang una at huli na pag ibig ng isang lalaki. Oha. Naks. Haha. (Kasi nga ang pinaka mahirap mong magiging karibal ay hindi yung malalanding nakapaligid sa kanya. Kung hindi ang babaeng minahal nya ng sobra bago ka pa nya nakilala) Pero that's not the case sa story na to. Makakahinga ka na ng maluwag. Haha. I know I know. Kasi sa story na to may love man na iba si miggy may special naman syang pag trato kay saskia. Malalaman mo na, "Ay hindi. Tingin ko mas mahal nya si saskia". That do the trick for me. Haha.

Uumpisahan ko sa pamilya ni Saskia;

SI NINANG JODIE; Baklang bakla to. Kuhang kuha nya yung mga bakla nating kaibagan. Letse. Balahura kung balahura. Realtalk kung Realtalk. Hahahaha.
SI COSME AT YUKA; Sobrang relatable nilang magkakapatid. Si cosme yung matino at matalino mong kapatid. Yung pag asa ng pamilya nyo. Yung mag aahon daw sa inyo sa kahirapan. Hahahaha. Si yuka naman yung letse mong kapatid. Yung selfie is life. Yung obvious naman na mahirap lang kayo pero ang nakakapagtaka parang di nya alam at wala syang pakialam. Yung kapatid mong may pagka gold digger. Hahaha. Pero dont get me wrong okay si yuka, sobrang totoo ng character niya na may time na gusto mong ibaling sa kanya ang sisi kung bakit nakakabwisit na halos lahat ng mga kabataan ngayon. Hahahaha.

SI SAV at TINTIN;
Si sav yung batang lumaki sa karangyaan. Prim & Proper. Si tintin yung lumaki sa kanto. Balahura. Hahahaha. Mga sagutan ni tintin pang bakla. Thanks to ninang jodie. Pero di sya nag mumura ha. Lumaki lang talaga sya na matabil ang dila. Gustong gusto ko pag binabara nya si yuka. I'm like, "You go kid". Hahahaha.

SI HAZEL;
Si hazel yung karibal na hindi mo magagawang kagalitan. Gusto ko yung attitude nya. May class. Kay migs talaga sya nagalit. Hindi kay saskia. Salute to you girl. You deserve huge respect.

Kasi diba pag nagtaksil yung lalaki ang kadalasanang nakakatanggap ng sobrang galit is yung babae nya. Na okay lang naman pero yung galit na galit ka sa babae tapos yung jowa mong talipandas pinatawad mo na. Gaguhan to? I get it nasaktan ka. Eh sobrang mahal mo yung lalaki kaya don nalang sa babae mo ibubunton lahat ng galit mo diba? Which is wrong. In the first place yung jowa mo ang may pananagutan kung masaktan ka. Kasi di ka naman masasaktan kung HINDI MO JOWA yan eh diba. Kagaya ng hindi mo kaano ano yung babae nya, irrelevant, walang halaga sa buhay mo kaya kahit anong gawin nyan di ka nyan masasaktan pero dahil involve yung jowa mo nasaktan ka. KUNG HINDI DAHIL SA JOWA MO HINDI KA MASASAKTAN GAGA. Bago ka magalit sa iba don ka muna magalit sa taong nangako na di ka sasaktan kahit kelan. Yung nangako sayo na ikaw lang habang buhay. Betrayal never comes from the people you don't know and don't know you, girl. 😒

SI SASKIA;
Bwahahahahahahaha. Nakakatawa tong babae na to mag english. Havey. Yung nasabe nya sa papa ni migs na naiintindihan nya erection nito. Hahahaha dami kong tawa don. Yung secondhand embarassment talaga madaming beses mong mararamdaman dito. Pag pov ni saskia di pwedeng di ka tatawa. Baliw tong babaeng to. Hahahaha.

SI MIGGY;
Si miggy yung lalakeng posible mong ma meet sa real life. He seems perfect sa mata ng pamilya at mga tao sa paligid nya. The typical anak mayaman. Na matalino. Na walang puwang ang pagkakamali. Na nakaplano na ang perpektong buhay. Pero dahil nga walang perpekto sa mundo nagkamali din sya. Hahaha. Ang gusto ko kay miggy is yung umiba sya sa typical na character sa wattpad. Yung nakipag sex kahit committed, nakabuntis, tapos sila pa galit. Mga ulol kayo. Kayo tong committed. Where's your balls mga dude? Kakapal ng mga muka nyo. Hahahahaha. That's why I so love migs. Yung alam nyang sya ang nagkamali. He's man enough para i acknowledge yun. Pinanagutan nya yung pagkakamali nya ng walang pagpipilit kasi yun yung tama. Awww.. You're the man miggy. Love you. Hahahahaha.

STORY REACTION;
Maganda. Relatable. Nakakatawa. Nakakainspired si saskia. NAKAKAKILIG sila. Super. Hearts hearts. Hahaha. Basahin nyo di kayo magsisisi. Isa to sa mga story na kaya kong ulitin. Ganon sya kaganda. 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEST OF BEST WATTPAD STORIES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon