Ako Chapter 1

14 0 0
                                    

"Ako?  Isang simpleng ako na binigyan mo ng halaga. Yun ang unang bagay na pumasok sa isip ko noon. Sino nga ba ako? Ako lang naman yung madalas mong biruin ng hindi maganda at madalas ay ginagawa na katuwaan sa loob ng klase.  Ako, na ang nais lang ay ang tahimik na buhay at makapag-tapos ng pag-aaral. Isang ako na hindi alam ang salitang pag-ibig. "  yan ang pagkakaalam ko. 

 Sino nga ba kase ako? Ako si Cleo, isang hindi kilala at hindi rin kasing ganda na katulad ng iba. Kung ihahalintulad sa jologs ako na yata ang pinaka. Hindi ako emo na katulad ng inaakala ng iba. Sadyang mapanghusga lang talaga angmga tao sa panahon ngayon. At kung bakit hindi ko alam ang salitang pag-ibig? Dahil dumating ako ng labing walong taon gulang ng hindi nagkakaroon kahit isang boyfriend o sabihin na natin na wala talaga sumubok na manligaw.

College life. Ito na siguro ang pnaka malungkot na parte sa lahat. Bagong school ,bagong tirahan, bagong kakilala, bagong mga guro ay basta lahat bago. Meaning to say "new life".  Pero ganun talaga siguro hindi permanente ang lahat ng bagay.  Kung noon ay natatapos ang isang araw ng puro saya lang ngayon matatapos yata ang isang araw ng masaket na ulo. First day of classes pero sobrang bigat na ng aralin. Ito ba talaga ang Maynila? Totoo nga siguro ang sinasabe ng iba na hindi madali sabayan ang mga tao dito. Pero hindi ko naman siguro kailangan makipag sabayan dahil hindi naman ako pumunta dito para mag libang. Kailangan ko makatapos ng pag aaral yun lang ang kailangan ko isipin.


ikaw o ako?Where stories live. Discover now