mabilis lumipas ang panahon, superr close na kami ni JADE.. walang araw na hindi kami nagkwekwentuhan, nagaasaran at nagpipikunan.. merong isang araw, super badtrip ako kasi hindi ko nasagutan yung tanong nung teacher namin, super bwisit ako nun eh recitation namin yun, at biglang tumawag si JADE, pinipikon ako..
AKO: kung wala kang magandang sasbihin ngayon, wag ka ng tumawag kasi badtrip ako at baka mag-away pa tayo!
JADE: ano bang nangyayari? bat pati ako nasasali ha?
AKO: basta, wala ka na dun, oh ano may sasabihin ka pa?
JADE: bakit ba ha! pag ako nabwisit jan sa kasungitan mo papatulan na kita.
AKO: ang kulit mo kasi! wag mo ng dagdagan pa kabadtripan ko, hinding-hindi talaga kita uurungan ngayon
actually lagi ko siyang sinasalungat sa lahat ng sasabihin niya noon pa, walang nagpapatalo saamin..
JADE: syet naman oh, bat pati ako nadadamay? tumatawag lang naman ako ah!
AKO: bakla ka ba? bingi o ano? hindi ka ba talaga nakakaintindi ha? badtrip ako okay!
JADE: oh ano naman ngayon? wala akong pakialam kung badtrip ka o hindi!
AKO: hindi sa lahat ng pagkakataon natutuwa ako sayo okay? oo lagi akong tumatawa pag kausap kita, pero wala ako sa mood ngayon okay? sana naman marunong kang umintindi!
Bigla kong pinatay yung call, pinatay ko rin yung phone.. gusto ko ng matulog kasi hindi ako makamove on sa recitation namin kanina.. pero ilang oras na akong nakahiga, hindi nanaman ako dalawin ng antok.. nakonsensya ako sa ginawa ko kay JADE.. parang ang babaw ko namang tao kanina..
kinuha ko yung phone, in'on ko na, at tama nga ang kutob ko, nagtext nga si JADE
JADE: say! im sorry kanina kung hindi ako nagpatalo sayo, akala ko kasi pag kinausap kita ng kinausap maalis yan gpagkabadtrip mo, thank you rin pala kasi sinabi mo saakin na "hindi sa lahat ng pagkakataon nakakatuwa ako" ikaw palang ang kauna-unahang taong nagsabe nyan sakin, thank you ha? kasi alam ko na. ikaw rin ang unang taong nagbibigay o nagsasalita ng negative saakin, lagi mung sinasalungat yung mga sinasabe ko, ikaw palang ang kauna-unahang taong gumanyan sakin, im so thankful that i have you :)
nakonsensya ako, tagos sa puso, taguos sa kaluluwa, tagos sa balat! dapat nga ako ang nagsosorry sakanya eh.. so nagtext din ako sakanya
AKO: natouch ako dun, naluluha na ako habang binabasa yung message mo, okay lang yun, ako nga dapat ang magsorry eh, kasi dapat hindi na kita dinamay. hindi ko naman talaga sinadya na idamay ka, basta ganun nalang, ayoko talaga kasi kanina na may kausap eh, so sorry talaga ha? thank you rin sa lahat lahat :)
bigla siyang tumawag, psssh! akala ko tulog na siya...
AKO: hello?
JADE: sorry kanina ha? (mababa ang tono ng boses)
AKO: okay lang yun, ako nga dapat magsorry eh.. sorry ha?
MAHABANG KATAHIMIKAN
JADE: so bati na tayo?
AKO: oo naman, sorry talaga ha? promise di na mauulit yun
JADE: talaga? sana nga, pero pag nangyari ulit yun maiintindihan ko na.
AKO: bat pala gising ka pa? anong oras na eh
JADE: hindi ko rin alam eh, madami lang akong iniisip ngayon, eh ikaw bat gising ka pa?
AKO: madami ring iniisip eh, nakonsensya rin ako sa ginawa ko sayo..
JADE: hahahaha! ganun? may konsensya ka pala, oh ano? tulog na tayo? bati na tayo eh
AKO: geh, tulog na? geh good night :)
JADE: Good Night :)
BINABASA MO ANG
Cuz You're Popular, That's Why (true story)
RomanceReaders! itong story na to ay based sa makulit, magulo at loko-lokong lovestory ng aking matalik na kaibigan, itatago ko nalang siya sa pangalang RIA at ang kanyang loveduds haha! ang chaka.. sa pangalang IAN oh diba? haha! 3 letters lang para tipid...