Ang Talambuhay

48 2 0
                                    

     Dear Ma'am Joyet 

          Makulay na makulay ang aking buhay dahil sa sinabawang gulay. Hi, ako nga po pala si Victor Dimahulog labing-anim na taong gulang (16yrs old) na mas kilala sa pangalang Toto. Ipinanganak ako sa taimtim na lugar ng Cubao kung saan makalalanghap ka ng napakasariwang hangin mula sa tambutcho ng jeep at tricycle. Hindi man kami mayaman, kilala naman ang pamilya namin sa Pagiging MakaDyos palibhasa ang Lolo at Lola ko ay Born Again. Napaka banal nila! minsan naiirita na ako lalo't sa lahat ng sinasabi nila laging may Praise the Lord sa dulo.

            Ang tatay ko ay si Dante Dimahulog, isang mahusay na panadero ngunit ubod ng yabang, sa sobrang galing niya! lahat ng nagiging amo niya ay nakakaaway niya. Ang nanay ko naman ay si Carolina Dimahulog, Isang Ilokanong Intsik, kaya hindi nakapag tataka ang pagiging kuripot niya, ni pagkain namin araw araw tinitipid niya. Apat (4) kaming magkakapatid. Ako ang panganay at natatanging lalaki sa magkakapatid, pero actually sa buong lahi ng Dimahulog. Si Ynna, Anna, at Thania sila ang mga kapatid kong babae. Sabi ng mga magulang ko masisipag daw sila, pero sa tingin ko lahat sila tamad kasi ako lang ang masipag, kung bakit? bahala na sila! basta yun ang tingin ko

             Masaya kaming Pamilya. Natural na sa aming magkakapatid ang magsigawan, mag hampasan, at mag away. Diba? ang sweet? Pinalaki at dinisiplina kami ng aming magulang na laging wala sa bahay kasi naghahanap buhay. Laging pangat (pangatlong init) ang baon ko sa school. Favorite ko daw kasi to sabi ni Nanay (kahit napipilitan lang talaga). Ang matindi nito, lagi akong pinag kakamalang ampon. Dahil daw un sa Maitim kong Kutis, Lahat sila! si Nanay? si Tatay? at ang mga kapatid ko ay mapuputi ang balat. Ako lang nakamana ng Dugong Ilokano at pagka singkit ng Nanay ko. Actually nainis ako nung nauso yung kanta ni Yeng Constantino, Yung CHINITO? kasi dahil sa kantang yun. Lahat ng makakita sa akin, tinatawag akong........

                       CHINEGRO----

ChiNegro (Negrong Singkit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon