IHYMS Chapter 4

1K 33 0
                                    

Liane's POV

"H-huh? O-oo, sige!" mabilis na sagot ko kay Zac habang ngiting tagumpay na tumatango. Shet mamen, partner kami! Is this the beginning of our love story?

Hinarap ko si maharot at binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Akala niya uubra kalandian niya kay Zac huh? Oh well, better luck next time.

"Later. Garden, 4pm. We'll talk regarding this matter," pahabol ni Zac.

"Okay, noted. 4pm!" masayang sagot ko sa kanya.

Bumalik ako sa upuan ko ng kinikilig. Oh damn, I can't calm thinking that we're just the two of us later. Napapakanta tuloy ako ng This is the moment!

BREAKTIME.

"Louiseeee!"

"Hoy, mag hunos dili ka nga! Para kang tanga. Tss," she uttered rolling her eyes.

"Louise, tell me how to keep calm after what happened! Oh my gosh, alam mo ba kung anong feeling? Heaven!" I shouted at niyugyog ko pa siya sa sobrang excited na nararamdaman ko ngayon.

"I know. I know. You're too loud," reklamo niya.

"Che! Pero, thank you talaga ah." sabi ko pa at niyakap yakap ko siya.

"You told me to support you, that's why."

I started eating my tuna sandwich when Andrei the smiling face came. "Hey, what's up?" I approached him.

"Uhm, kasi... puwede ka na bang makausap ngayon?" parang nahihiya pa na tanong niya.

I just nodded and say, "Oo naman."

"Sige na Liane, maiwan ko na kayo," paalam ni Louise pero kinindatan niya muna ako bago siya umalis. Eh? may problema ba siya sa mata?

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko ng makaupo siya sa tabi ko.

"K-kay Cindy."

"What's with Cindy?" bigla akong nakaramdam ng hinala. Paano kung alam na niya 'yung ginagawang kalokohan ng kapatid ko?

"Alam kong hindi pa tayo gano,n ka-close pero ikaw lang ang alam kong puwedeng lapitan. Maraming friends si Cindy pero mas kilala mo siya dahil kayo ang magkasama sa iisang bahay," he stated.

"Then?"

"A-ano...U-uhm... Ano ba 'yung... paboritong ulam ni Cindy?" and now he's blushing. Ugh. So cute!

Bahagya akong natawa sa tanong niyang iyon. Para kasi siyang nagbabalak magpropose, paboritong ulam lang pala ni Cindy ang pakay niya. "Well, she really loves Chicken Garlic." I answered.

"Kumakain ba siya kahit iba ang nagluto? I just want to cook something for her."

"Oo naman no, basta chicken garlic hindi uurungan no'n!"

I Heart You, Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon