IHYMS Chapter 18

871 29 0
                                    

Liane's POV

Walang imikan na nagaganap habang nasa byahe kami, well ano pa nga bang aasahan ko sa Mr. Sungit na 'to? So, kesa naman mabaliw ako sa sobrang katahimikan, pinindot ko 'yung button ng radio.

"...Dito'y mayroon sa puso ko, munting puwang—"

"Bakit mo pinatay?" naka-pout na tanong ko sa kanya. Favorite song ko kasi 'yun e.

"Not my type of song." he answered without taking even a single glance on me.

"Okay," nasagot ko na lang ng malungkot.

"...Bawat araw sinusundan, di ka naman tumitingin anong aking...dapat gawin?"

"Stop pouting, ayan na." biglang sabi niya kaya napangiti ako habang tinititigan siya.

"KAILAN...KAILAN... KAILAN MO BA MAPAPANSIN ANG AKING LIHIM...KAHIT ANONG AKING GAWIN...DI MO PINAPANSIN..." ♪♫ sinasabayan ko na 'yung kanta with matching action pa para naman damang dama niya na para sa kanya 'yung kantang 'yun.

"You're too loud—"

"KAILAN...KAILAN...KAILAN HAHAPLUSIN ANG PUSONG BITIN NA BITIN...KAHIT ANONG AKING GAWIN 'DI MO PA RIN PASIIIIIN..." mas lalo ko pang nilakasan 'yung boses ko at hindi pinansin 'yung pagkairita niya dahil sa kaingayan ko.

"Liane we're—"

"KAILAN...KAILAN?"

"Liane can you please stop si—"

"...KAILAN MO BA MAPAPANSIN ANG AKING LIHIM—" natigil ako at malakas na kumalabog ang puso ko ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat at tinitigan. Omg, ang lapit namin sa isa't isa, I need air! This time hinayaan ko ng ang radyo ang kumanta mag isa kasi moment na 'to noh.

"...Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin kahit anong gawing lambing 'di mo pa rin pansin..."♪♫

I closed my eyes and pouted my lips. Another kiss scene na ba this? Omg.

"What the heck are you doing? We're here already." narinig kong sabi niya kaya agad akong nagdilat ng mata at napatitig sa mukha niyang bakas ang pagtataka.

I came back to my senses at mabilis na iginala ang paningin. Hala, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay, ano ba naman 'yan. Ang bilis naman.

"I thought he's going to kiss me," I whispered, "Teka, ba't mo 'ko hinawakan sa balikat?" nagtatakang tanong ko.

"You're assuming again," tinarayan pa 'ko saka niya 'ko binitiwan. "It's because I can't stop you from singing. As if you have a great voice, ang sakit mo kaya sa tenga." he said.

"Wow, thank you sa compliment!" I said smiling.

"Compliment? You really are crazy," umiiling iling pa siya na para bang napaka-weird ng sinabi ko. Oo na, alam ko namang nilait niya 'ko, it's just that bawat panlalait at pagsusungit niya sa akin binabaliktad ko. Para goodvibes lang 'di ba?

"O siya sige, bye bye na. Thanks sa paghatid!" masiglang sabi ko pagkababa ko ng kotse niya. I waved my hand to him but he didn't bother to look at me. Sinara na niya agad 'yung tinted na bintana ng kotse niya atsaka ito pinaharurot. "Napakasungit talaga, hmp! Tandaan mo Ramirez, maglalaway ka rin sa akin itaga mo 'yan sa bato! I will never ever give up on you!" I said to myself habang pinagmamasdan ang kotse niyang papalayo 'tsaka ako pumasok sa loob ng bahay.

I Heart You, Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon