Ang pag-ikot ng bola

33 1 0
                                    

Kringg kring kringggggg....

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Nag-unat ako ng aking katawan at nagpasyang magkape muna. Binuksan ko ang kapeng barako at nagtimpla. Sinamahan ko ito ng pagkaing uraro na aking paborito.

Ito na pala unang araw ng aking pasukan. Sa wakas, 4th year na ako. Malapit na, malapit ko ng makamit ang aking tagumpay. Sigurado akong masayang masaya ang mga magulang ko.
Nagpasya na akong maligo. Pakanta kanta pa ako sa banyo habang nagsasabon ng aking katawan.

Magiliw ang aking pakiramdam noong araw na iyon. Excited akong makita ang aking mga kaibigan at excited akong makilala ang aking mga bagong guro. English nalang ang natitira kong minor subject. Siguradong madodoble ang pagkabusy ko sa taon na ito dahil puro major subject. Wika ko sa aking sarili.

Pagdating ko ng FEU, nakita kong naandon na sa labas ng Biology building sina Raquel at Jafet.
Bakit wala pa si Mia? Tanong ko sa aking sarili.
Iisang building lang ang accountancy at Biology kaya halos magkakilala ang mga estudyante doon. Accountancy ang kurso ni Jafet, pabor sa magkasintahan dahil magkalapit ang aming mga classroom.

Jafet- Raquel, si Celine oh. -sabay turo nito sa kinaroroonan ko.

Kinawayan ako ng dalawa kaya ginatihan ko rin sila ng kaway. Niyakap ako ni Jafet. Excited namang lumapit si Raquel.

Raquel- Long time no see Ce. -sabay yakap sa akin.

Ako-Miss ko na kayo. Matagal tagal na rin tayong di nagkikita. Kamusta na? Alam mo bang magkatrabaho pala ang kuya mo at si Paul? Naikwento sa akin ni Paul na nagkakwentuhan daw sila minsan ng kuya mo.

Raquel- Nasabi nga sa akin ni Kuya. Pinakita nga nya ang litrato ng kuya mo. Ang gwapo nya pala ano? -Namula ang pisngi ni Raquel dahil nagulat sya sa mga huli nyang sinabi. Siguro naisip nito na pwede kong sabihin kay Paul ang kanyang mga isiniwalat.

Ako- Nasabi ko nga sa kanya na single ka at pupwede ko syang ipakilala sayo kung gusto nyong dalawa. Single naman si Paul at matalino pa. Wika ko.

Namula lalo si Raquel. Mukhang magkakalove life na ang kapatid ko. Kung sakaling sila ang magkatuluyan, magiging masaya ako. Mabuting babae si Raquel at magugustuhan ito nila mama.

Raquel- Ikaw talaga puro ka kalokohan.- Sabay kurot nito sa braso ko.

Ako- Pangako, isang araw ipapakilala ko kayo sa isat isa. -Ngiti lang ang tugon nito.

Jafet- Malapit na daw si Mia. Mukhang nasiraan ata sila ng sasakyan sa daan.

Yon pala ang dahilan kung bakit wala pa ito. May kinawayan si Jafet pero hindi ko ito nakilala kaagad. Lumapit ang lalaking kinawayan nya at nagulat ako dahil magkakilala pala sila ni Javier. Nagkamustahan silang dalawa.

Sinisiko ako ni Raquel dahil alam nyang hinahangaan ko ito. Hindi pa ito nakuntento dahil lumapit pa ito sa aking tenga at bumulong.

Raquel- Ayan na ang crush mo oh. Magpakilala kana. -Tukso nito sa akin.

May narinig akong nagsalita at boses ng babae ito. Kilalang kilala ko ang boses na yon.

Babae- Javs I've been looking for you. Check your beeper. Inis nitong turan. Siguro ay nobyo nito si Javier. Napasimangot ako. Bakit ba ganoon na lamang naramdaman ko

Javier- Oh Nic ikaw pala yan. Wagkanang mainis. Ngayon ko lamang nakita ang mga mensahe mo. Nakasilent mode ata ang beeper ko. - Pagpapaliwanag nito. Napansin siguro ni Javier na nakatingin kami sa kanila.

Javier- Sya nga pala Jaf, sya si Nicole.

Nagulat ng bahagya ang babae dahil may nakikinig pala sa usapan nila. Lalo itong nagulat dahil nakita nya ako.

BolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon