Panibagong Yugto

34 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw at naging maganda ang takbo ng aking love life. Masaya akong gumigising sa araw araw. Lage akong napapangiti kapag naiisip ko ang gabing yon. Kaydaming paro paro ang palageng nagliliparan sa aking tyan. KILIG.. Yan ang tawag sa nararamdaman ko ng panahon na yon. Naalala ko pa kinabukasan ng gabing yon, masaya kaming nagpaalam sa isat isa. Gusto ko pa nga sanang makasama sya ng matagal noong araw na yon kaya lang, baka mahalata ng mga kasama ko at malaman na may namamagitan saming dalawa. Kaya hanggang yakap nalang ang aming nagawa.

Nasundan pa yong pagkikita namin na iyon ni Nicole dahil inimbitahan ko sya sa aking  dormitoryo. Nagpaalam naman ako kay Miss Martha at pumayag naman ito basta wag lang daw lalagpas sa curfew ng dorm at wag lang daw matulog doon dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng may ari.

Bago dumating ang araw ng pagpunta ni Nicole sa bahay halos hindi ako magkanda ugaga sa paglilinis ng aking kwarto. Sinimulan kong linisan ang banyo. Sinigurado kong maputi ang bowl at tiles. Sinigurado kong mabango ang loob nito at walang mga nakasampay na mga underwear o kung ano pa mang mga damit. Binuksan ko din ang binili kong albatros para talagang walang masabi ang aking bisita. Nang masatisfy na ako sa gusto kong ayos ng banyo, nilinis ko naman ang aking higaan. Tinupi ko ng maayos ang aking kumot at pinagpag ang mga unan bago ilagay uli sa kama. Yong maliit kong mesa ay sinigurado kong walang momo ng   kanin at naglagay ako ng ilang prutas na pinamili ko noong isang araw sa baclaran.

Pagkatapos noon ay naglinis ako ng lababo, naghugas ng pinggan at ang panghuli ay nagwalis ako ng kwarto.

Nakaramdam ako ng kaunting pagod sa pag gigeneral cleaning kong yon pero itoy ininda ko dahil lamang ang excitement ko sa pagbisita ni Nicole doon. Alam kong maykaya sila base sa mga kwento ni Javier kaya ayoko talagang may masabi sya kahit simple lang itong aking kwarto.

Nagpadala si Nicole ng mensahe na malapit na daw sya sa aking dorm. Nagpahatid daw ito sa kanyang driver kaya mabilis lang nitong natunton ang lugar nya. Dumaan ang limang minuto at nandoon na daw ito sa labas. Dali dali akong bumaba pero sinigurado ko munang maayos ang aking sarili. Nagtshirt lang ako ng puti na si Pooh ang disenyo sa harap at maong short shorts at tsinelas.

Pagkababa ko, nakita ko na si Nicole. Nakatalikod ito sa pinto ng dorm at narinig komg binibilinan ang gwardya na magtitext na lamang ito kung anong oras magpapasundo. Pagkatapos, umalis ng sasakyan ay pumihit na paharap si Nicole. Nagtagpo ang aming mga mata at kitang kita ko na kumislap ito noong makita ako. Nagkatitigan kami ng malagkit. Awkward mang sabihin ang mga salitang yon, pero yon talaga ang naramdaman at nakita ko noon.

Lumapit sa akin si Nicole at nagbeso ito.

Nicole- Nag antay kaba ng matagal?

Celine - Nako hindi. Tamang tama lang ang dating mo. Halika pasok ka sa loob. Ipapakilala kita kay Miss Martha ang aming land lady dito sa dorm.

Sumunod naman si Nicole at pinakilala ko nga ito kay Miss Martha.

Miss Martha - Magandang umaga din sa iyo iha. Sagot nito ng bumati si Nicole.
Mabuti at nakapunta ka rito. Bukod kasi kay Paul at Jafet wala na akong maalala na isinama dito ni Celine. Hala sige magenjoy kayo.

Celine - Maraming salamat po Miss Martha. Ang bait nyo po talaga.

Nagpaalam na kami ni Nicole at tumungo na sa aking kwarto. Tahimik lamang itong sumunod sa akin. Pagdating namin sa second floor kung saan ang aking room at pagkasara ko palang ng pinto ng kwarto ay nagsalita ito.

Nicole- Sino si Paul? At nakapasok naba sila dito sa kwarto mo?

Napangiti ako sa tanong nyang yon. Kung sa ibang tao siguro ito ay maiinis na sa klase ng kanyang tanong.

BolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon