"Mahabang byahe na naman ito." naibulong ko na naman sa sarili ko. Papasok ako sa trabaho bilang isang CSR sa isang BPO company sa Clark. Suot ang makapal at itim jacket para takpan ang mga galos ko sa braso,mali hindi pala ito galos,mga sugat ng gawa ko mismo. Tinititigan ko ang repleksiyon ko sa bintana,maga ang mata at malaki ang itim sa ilalim ng mata. Natural saming mga call center agents ang pagkakaroon ng eyebags. Alam kong maiinip lang ako sa byahe kaya naman sinuot ko ang headphones na nakasabit lagi sa leeg ko at pinatugtog ang playlist ng paborito kong banda, Linkin Park. Bata palang ako'y sila na ang nagustuhan ko. Iba ang dating sakin ng mga lirikong tila ba ako mismo ang bumibigkas. Masasabi kong may pinagdadaanan ang sumulat ng mga liriko,parang ako. Kaya ba siya nagsuicide? Hindi ko masabi dahil wala naman akong alam,kung paanong wala ring alam ang ibang tao tungkol sa mga pinagdadaanan ko.
~"Waiting for the end to come
Wishing I had strength to stand
This is not what I had planned
It's out of my control"~Ayan na naman sila,kinakausap na naman ako. Ang mga liriko'y tila ba tinatawag ako. Binabaliwala ko nalang dahil baka isipin ng ibang tao na nababaliw na'ko. Nababaliw na nga ba'ko? Hindi ko rin alam.
Hindi ko namalayan ang oras,sumapit na pala ang simula ng tanghalan. Kailangan ko na naman isuot ang maskara ko. Yung maskara kung saan wala silang mababanaag na problema,yung puro saya lang at walang halong pighati. Bumaba na'ko sa sinasakyan kong bus at derederechong pumasok sa loob papuntang lobby,ini-swipe ang I.D at saka sumakay ng elevator. Maaga pa pala ko kaya't ako lang magisa sa elevator,ayus lang para makarami ako ng tawag at umabot ako sa kota ko ngayong buwan. Nang dumating ako sa tamang palapag ay dumerecho nako sa sarili kong cubicle,in-open ang PC at nag sign-in sa account ko.
~~~~~~
Alas syete na ng umaga ng makapag-out ako. Dahil hindi ko pa naman ramdam ang antok ay napagdesisyunan ko munang kumain. Hindi rin pala ako nakapaghapunan kagabi dahil sa pagmamadali ko. Nakakita naman ako agad ng isang fast food chain kaya pumasok na'ko dahil ramdam ko na talaga ang pagkulo ng tiyan ko. Maaga pa kaya mabilis lang akong nakapagorder.
"2pieces chicken with extra rice and 1 cup of coffee." pwede na siguro yun. Naghintay lang naman ako ng mga isang minuto at naibigay na agad ang order ko,mabilis talaga sila. Nakahanap din naman ako agad ng mauupuan dahil sa iipan lang naman ang taong kumakain kapag ganito palang kaaga.
Nagsimula na'kong kumain,ang tahimik naman ngayon. Naririnig ko pa ang paglabas ng malamig na hangin mula sa aircon. Mas lalong nakakadagdag lungkot ang ganito katahimik na paligid,nakakabaliw. Natapos ko naman agad yung pagkain ko,sobrang gutom kasi ko. Tinungga ko na yung kape at saka derechong lumabas ng tindahan. Saktong daan naman ng bus pauwi samin kaya hindi nako nahirapan pang lumakad papuntang terminal. Nakakapagod din kasi ang ganito araw-araw,buti nalang wala akong duty ng dalawang araw. Nagpaalam kasi akong maglilipat,nakahanap na kasi ako ng boarding house na malapit sa kompanyang pinapasukan ko. Iwas hassle na nga,hindi pa ako uuwi samin. Wala naman laging tao doon,kaya wala rin naman akong uuwian. Mas ayos na yung magboard ako,atleast hindi ko ramdam na mag isa lang ako. Katulad ng nakasanayan ay nagpatugtog nalang ako gamit ang headphone ko. Para kasi akong mamamatay bawat minutong dumadaan lalo na kapag walang music. Natigil lang ang pagmumuni muni ko ng may kumalabit sakin,tumingin lang ako sakanya at sinesenyas niya ata kung pwedeng umupo sa tabi ko,wala naman akong katabi kaya tumango nalang ako. Binaling ko nalang ulit sa bintana ang paningin ko pero sadyang makulit si kuyang naka one piece shirt at tinutusok tusok pa yung balikat ko gamit ang daliri niya na para bang matagal na kaming magkakilala. Titigan ko siya na para bang nagtatanong kung bakit at anong kailangan niya.
"Tatanong kolang sana kung anong song yang pinatutugtog mo,malakas kasi kaya naririnig ko. Bet ko kasi."
"Leave out all the rest by:Linkin Park. May tanong ka pa?"
"Hala ang sungit ni ate,may pinagdadaanan?" gusto ko sanang sabiheng oo marami kaso naalala kong hindi ko pala siya kakilala at hindi ko rin naman ugaling maglabas ng niloloob sa ibang tao. Mahirap magtiwala,kadugo mo na nga minsan hindi mo mapagkatiwalaan,ibang tao pa kaya. Bumaling nalang ulit ako sa bintana dahil malapit naman na'kong bumaba. Ramdam ko ang titig niya pero wala naman akong panahong makipagtitigan sakanya kaya binaliwala ko nalang. Sa dami ba naman ng mga matang nakamasid sakin araw araw na para bang ako ang pinakawirdong tao na nakita at nakilala nila,kaya naman nasanay na'ko. Pababa nako ng masulyapan kong nakatitig sakin si Luffy,kasi kamukha niya yung payatot na mukhang lampa lalo na nung ngumisi siya,kulang nalang itanong niya sakin kung nasaan si Sanji o kaya naman kung gusto kong maging pirata at sumama sakanila upang maging kamiyembro nila. Derecho baba nalang ako dahil hindi ko naman pinangarap maging isang pirata. Papasok nako sa may kanto samin ng mamataan ko na naman ang mga titig nila,sa araw-araw nalang. Hindi ata sila napapagod na pag-usapan ako. Hindi nila alam ang nangyare pero kung husgahan nila ako akala mo nandooon sila mismo nung nangyare yun. Binilisan ko nalang ang hakbang para makarating agad at ilang minuto nga ay nasa karapan nako ng bahay namin. Tahimik na naman at walang pinagbago mula ng umalis ako kagabi. Aayusin ko na muna siguro ang mga dadalhin kong gamit para pag gising ko ay maliligo nalang ako para makaderecho nako sa boarding house na tutuluyan ko. Wala naman akong masyadong gamit kaya naman hindi ako mahihirapan,tiklupin lang ng maayos ay magkakasya na sa dalawang maleta. Mas marami pa ata ang libro kesa sa mga damit na binibili ko. Hindi naman kasi ako mahilig sa fashion at hindi rin naman mapapalitan ang imahe ko para sa mga tao dahil lang sa maganda ang suot ko,kaya mas pinili kong simplehan nalang ang pananamit ko. Inilagay ko na rin ang ilang libro sa ibabaw ng mga damit at sinara na ang zipper ng maleta ko. Dalawang maleta lang ang nagamit ko dahil iniwan ko rin naman yung ibang damit na hindi ko madalas magamit,importante lang yung dinala ko. Nang matapos ay nahiga na'ko agad,buti nalang at pagod ako kaya dinalaw din ako agad ng antok.
~~~

YOU ARE READING
Broken Souls
RomanceWhen two lost souls met,Symphony is a fragile girl who still fights for life but is slowly giving up,what will happen if she met this one guy,Winter who is the opposite of her beliefs about life.