Realquick (#2)

18 0 0
                                    

Rheian

Isa ako sa mga taong hindi mahilig sa isang Cliche na Love Story . Nakakaumay.

"Ikaw lang sapat na. "
"Mahal na mahal kita, hindi kita iiwan. "
"Hinding hindi kita ipagpapalit. "
"Ikaw ang papakasalan ko. "

At marami pang gasgas at nakakasukang linya ng mga inlove 'dyan na naririnig ko araw araw.

"Ang ampalaya mo talaga Rhei. Hindi na ako nag taka kung bakit single ka parin hanggang ngayon. " Isa sa mga ka trabaho ko sa opisina na hindi ko alam ang pangalan.

Napa-ngisi nalang ako. Anong magagawa ko? Pinaglihi ata ako sa ampalaya e.

Halos masuka nga ako sa tuwing nakakakita ako ng mag-on sa tabing daan o saan man na pakalat kalat na nag lalandi-an.

Kung sigurong hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko ay marahil nasa presinto na ako ngayon sa kasong murder ng mga magkasintahang maka PDA wagas.

"Hoy Rheian! Bakla ka no? Bakit wala ka pang Girlfriend ha? "

"Nako Rheian, Malapit ka nang tumanda wala parin ang iyong kabiyak sa buhay. "

"Pang hahawakan mo talaga iyang Forever Single na motto mo Rheian? Hahaha! "

At kung ano ano pang mga pang iinsultong salita ang natatanggap ko araw-araw.

Pake nyo ba?

First of all buhay ko to hindi sainyo.

































Ngunit bigla kang dumating.

Bigla. As in hindi ako nakapag handa.

Naging mag kaibigan tayo.

Hindi ko alam ngunit naging malapit tayo sa isa't isa.

Ikaw ang naging inspiration ko.

Lagi akong masaya kapag kasama kita.

Siguro nasabi ko lang na cliché ang mga love story noon kasi hindi ko pa ito nararanasan.

Nakakaumay kasi paulit ulit nalang. Ngunit kapag pala sayo ito dumating, masasabi mong hindi pala.

Nagbago ang pananaw ko sa pagibig. At proud akong sabihin na dahil sayo yon.

Mahal na nga kita. Grabe. Hindi ko inaasahan to. Mahal na kita. Mahal kita. Ngunit hindi ko masabi sabi sayo.

Hindi ko alam kung pano.

Ganun rin ba ang nararamdaman mo para sakin?

Paano ba umamin?

Dreamer's DreamWhere stories live. Discover now