Gulo-gulo ang isip.
Litong-lito.
Ano nga ba ako para sayo?
Ano nga ba ang papel ko sa buhay mo?
Kaibigan? Kasintahan? O triptrip mo lang?
Ang saya sa pakiramdam ng may nag mamahal sayo.
Yung tipong pag gagising mo sa umaga text mo agad
ang bubungad sa mapupungy kong mga mata.
Ang sarap sa pakiramdam ng may nagsasabing
'Kain ka ha? Wag kapapagutom' 'ingat ka' at kung
ano ano pang nagpapalundag ng damdamin ko.
Ang sarap sa pakiramdam ng may nag sasabi sayong
'Mahal, Sobrang mahal na mahal kita'
Araw -araw kung hinahanap iyon.
Ang mga mata mong nagpahulog saakin sa tuwing tititigan kita
Ang ngiti mong abot hanggang mata na nakakabuo ng araw ko
Ang boses mong nakaka adik at nakakakilig pakinggan.
Nahulog na ako? Oo Matagal na. Hulog na hulog na nga ata eh
Naumabot na sa puntong napapaisip na ako kung
Paano maka ahon sa pag ka hulog na iyon.
kung sakaling darating man tayo sa araw,
Sa araw na pinakamasakit.
Sa araw na isusumpa ko sa lahat ng Araw.
At sa araw na iyon,
Ay ang araw na iiwan mo ako.
Alam kong doon na patungo yun.
Alam kong balang araw, iinwan mo rin ako
Alam kong balang araw hindi na ako kabilang
sa mundong ginagalawan mo.
Kaya ngayon palang,
Unti-unti ko nang tatanggapin.
Tatanggapin na balang araw mawawala ka rin saakin.
Sa gayon,hindi na grabeng sakit ang
mararamdaman ko sakaling darating ang araw na iyon.
Hindi ko lubos maisip na, Heto ako nag susulat ng mga hinanaing ko sayo.
Hindi mo rin ako masisisi kasi kailangan kong ilabas to.
Ano ba ang nagawa ko? Akala ko magiging masaya ako pag nanatili ako
pero heto ako ngayon.
Walang katapusang luha ang bumabadyang lumalabas saaking naniningkit na mata.
Dumating na nga ang araw na yun.
Hindi nga ako nagkamali.
Iniwan mo na ako.
Akala ko nga hindi na ako masasaktan eh.
akala ko handa na ako sa panahong ito.
pero sobrang sakit parin pala.
Dito nalang ba talaga? Hanggang dito nalang
ba ang ating storya?
Storya na kahit kailan hindi nasimulan.
Ang kapal ko naman kung sasabihin kong naging tayo.
Masyado lang talaga akong umasa.
Umasa na mahal mo rin ako
ang tanga ko pala hindi tanga nga pala talaga ako
ni hindi ko man lang naisip na katulad karin pala nila
na iiwan mo rin pala ako katulad ng ginawa nila.
Ang tanga-tanga ko para maniwala sayo nung una.
Ang hirap kasi saakin laging nag ririsk.
laging nagsasakripisyo
laging nagsusubok.
wala namang problema yun eh, ang mag take ng risk
pero ang problema dun ay kung itinuloy mo kahit alam mong masasaktan ka sa huli.
huling tanong, Minahal mo ba talaga ako?
Mahal mo ba talaga ako?
O ako lang yung nag mamahal dito?
Gulo-gulo ang isip.
Litong-lito.
Ano nga ba ako para sayo?
Ano nga ba ang papel ko sa buhay mo?
Kaibigan? Kasintahan? O triptrip mo lang?