Chorong’s POV
“Okay! 5, 6, 7, 8!! And 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8…..” wooohh,puspusan na practice namin para sa recital namin this coming month. As a leader kasi kailangan titingnan mo kung sabay-sabay yung steps ng mga members mo pati na rin kung sumasabay sila sa beat.
“O Namjoo, nahuhuli ka!!”
“Sorry Chorong *bow*”
“Okay, ulit tayo dun sa part na yun.5, 6, 7, 8!”
[30 mins. Later]
“Okay, pahinga muna tayo!! 10 minutes rest!” napa-upo naman agad sila pagkasabi ko nun.
“Hay salamat! Nakapagpahinga rin sa wakas!” – Bomi
“Oo nga, kanina pa napapagod yung legs ko.” – Eunji
“Tingnan mo ‘tong mga ‘to! Alam niyo, kailangan nating magpursige sa pagpapractice kasi kailangan nating makakuha ng mataas na grade. Atsaka di ba gusto niyong matalo yung EXO-K? Kaya dapat, doble practice tayo, okay?”
“OKAY!!” ganyan yang mga yan kapag naririnig yung pangalang EXO-K. Aisshhh!! Kahit ako naiinis kapag naririnig ko yung pangalan ng grupo na yun. Lalong lalo na yung leader nilang si Joon Myeon. Kung makaasta kasi yun kala mo kung sinong sobrang angas, ARGGHH!!
Nga pala, I’m Park Chorong, 18 years old. Nag-aaral ako sa Seoul Arts High School, major in dancing. Leader ako ng group na Apink dito sa school namin. Isa kami sa mga sikat na group dito sa school namin DATI. Kasi simula ng nagbuo si Joon Myeon ng grupo, which is yung EXO-K, eh naging pangalawa na lang kami sa trono. Kaya nga gustung-gusto naming Apink na matalo ang EXO-K para mabalik sa amin ang aming trono.Yun lang, period, NO ERASE!!
Habang nagmumuni-muni ako eh biglang lumapit sa akin si Eunji.
“Ahm Chorong, sure ka na ba talaga na tatalunin natin yung EXO-K?”
“Oo naman. Teka, bakit parang hindi ka sure na gusto mo talagang talunin ang EXO-K? Wag mo sabihing……..”
“Ui hindi ah!! Grabe ka naman mag-isip Chorong. Siyempre, kung makikipagkumpitensya tayo sa kanila eh di iisipin ng iba nating schoolmates na masyado na tayong nagmamayabang, di ba?” hmmmm….may point siya. Kung makikipagkumpetisyon pa kami dun sa EXO-K na yun eh di madudungisan yung pangalan ng grupo namin. Pero, hindi kasi makatarungan yung pag-agaw nila ng trono namin eh. Kaya magdusa sila kung kakalabanin namin sila.
Pagkatapos ng practice namin ay naghiwa-hiwalay na kami. Si Bomi daw may lakad; si Eunji naman makikipagkita daw sa boyfriend niya (I wonder kung sino yung boyfriend niya, hindi pa niya kasi naiintroduce sa amin eh.); si Naeun makikipagdate daw kay Taemin, taga ibang class; si Namjoo may family dinner daw at si Ha Young, as usual, matutulog lang sa bahay nila. Ako naman, papasok sa part time ko. Kapos kasi ako sa budget ko this week, hindi kasi ako binigyan ni Mama ng allowance, pangshashopping ko lang daw kaya ayun, NO ALLOWANCE FOR THIS WEEK. Kaya ngayon, dumidiskarte na lang muna ako para magkapera. Dito ako ngayon sa may coffee shop nagpapart time, sa counter lang naman ako ngayon eh kaya ayos lang.
Ang konti lang ng costumers ngayon. Hay, alam ba nilang kapag konti ang costumers eh konti lang din yung sweldo namin? Aisshh!!
“Miss,one frappe please.” sa kakaisip ko eh hindi ko namalayan na may costumer pala.
“Dine in or take o-------uuutt………..” shit!!Bakit nandito ‘tong mayabang na ‘to?
BINABASA MO ANG
Leader's Rivalry
FanfictionThis is the story where there are two leaders who hated each other. But one day, they were combined into a single project by their teacher. And therefore, the so-called love was build between them. Do the both of them have the same feelings with eac...