Episode 3

35 1 1
                                    

Chorong’s POV

“MA!! WAG NIYO NA ITULOY!!”

“Hindi na nga pwede. Nanjan na yung instructor oh. Kaya pumunta ka na dun.” Tinulak naman ako ni Mama palapit dun sa gym instructor kuno. Nakakainis!! Tinuloy talaga ni Mama yung binabalak niyang papayatin ako. Kanina kasi, pagkagising ko, merong dinalang pagkain si Manang sa kwarto ko. (A/N: Medium class family po sila Chorong kaya po sila may katulong) Excited pa naman bale akong kumain. Kaso lang, nung tingnan ko yung tray……..

Gatas

fruits

oats

salad

WALANG KARNE!?

Kaya naman pinuntahan ko si Mama para magwelga este~ magreklamo. Pero, wa epek yung ginawa kong pagreklamo. Kaya naman habang kumakain ako, eh binabantayan ako ng mga katulong. Huhuhu, ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon. Nung natapos naman akong kumain, binitbit naman nila ako kay Mama. Seriously, hindi ba pwedeng magbihis muna ako? Nakapang tulog pa kasi ako, kinaladkad kaya nila ako dito. At eto ako ngayon, kaharap yung gym instructor ko.

“Okay, let’s start the work out, okay?” ano ba naman ‘tong instructor ko, okay ng okay. Sa bagay, Ok din naman ang apelyido niya. Siya kasi si Ok Taecyeon, Mr.Ok na lang pala para may paggalang.

Pinag squats, push-ups, curl ups, dumb bells at kung anu-ano pong gym equipments ang pinaggawa at pinaggamit sa akin. Tiningnan ko naman ang oras………

8:00 NA!!

“Don’t worry, wala kayong class today sabi ng Mama mo kaya ituloy mo na yang work out mo.” Hay, KAINIS!! Yun na bale ang biggest escape ko tapos wala naman pala kaming klase. Nice, VERY NICE!!

[1 hour later]

ANG SAKIT NA NG KATAWAN KO!!

“Okay, tumayo ka na jan. Titingnan natin kung may improvements ba yung work outs natin, titimbangin na kita.” WHAT!! So ibig sabihin ‘Biggest Loser’ pala ito? How come nakarating yun sa Korea? Tumapak naman ako may timbangan para tingnan yung NEW weight ko.

“From 176 pounds, your new weight is?” ang weird talaga nitong instructor na ito.

“170 pounds. You lost 6 pounds.” Talaga? Seryoso nga? Ganung kalaki nabawas ko?

“Congratulations! Kaya mo naman palang magwork out eh. Keep up the good work.” And then umalis na siya. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na ganung kalaki nabawas ko. Natulala lang ako dito sa may timbangan. Great, JUST REALLY GREAT!! Mukhang thankful na thankful na ako dito sa work out na ito.

Salamat talaga Mama.

[The next day]

Kaya pala wala kaming class kahapon kasi pumunta ng Chungnam University yung mga teachers. Tapos, yung mga kagrupo ko naman, mga nagsaya sa night life dun sa Hyewadong. Balita ko kasi masarap yung pagkain dun, Philippine foods daw. Inggit tuloy ako sa kanila. At ngayon, nagyayakag akong kumain ng ggalbi para magcelebrate ng malaking pagbawas ng timbang ko. Pero itong mga kasama ko, ayaw daw nila. Mukhang kina-usap sila ni Mama para dedmahin ako pagdating sa karne. Ayaw ko kasing kainin yung pinabaon sa aking puro salad. May isda naman pero, ayaw ko nun!! Gusto ko karne!!

Kakatapos lang ng break time namin, at pabalik na kami para sa next class nang tawagin ako ni Ms. Song.

“Chorong!! Halika muna dito.”

“Bakit po teacher Song? May problema po ba? Tatanggalin niyo na po ba si Joon Myun sa play?” si teacher Song naman, napanganga lang. Anyare sa kanya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Leader's RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon