Chapter 9 - Problems everywhere.

162 8 0
                                    

[SHALIMYNE'S POV]

Sinuntok suntok ni Jerick yung mga lalaking nam-bastos sakin. Tapos ayun sila lahat, nagsitakbuhan. Habang ako naman nakaupo pa rin sa sahig.

"Okay ka lang ba, Shamyne?" Tanong ni sakin ni Jerick tapos nakikita ko yung mata niya. Punong puno nang pag-aalala.

''O-okay lang ako." Sagot ko tapos tinulungan niya akong tumayo.

"Bakit kasi mag-isa ka--."

"Shammy?" Nagulat ako nung biglang may tumawag sakin. Sabay kami napalingon ni Jerick sa likod ko. Nakita ko si Elijah papalapit dito sakin.

"Pare, bakit mo kasi siya iniiwanan? Buti na lang dumating ako, dahil kung hindi kinuha na siya ng mga adik na mga lalaking 'yon." Sabi ni Jerick tapos tuluyan na siyang lumakad palayo.

"Shammy, okay ka lang? Bakit, ano bang nangyare?" Tanong sakin ni Elijah. Umiling iling na lang ako.

"Wala 'yon, Elijiee. Tara na. Gabi na oh. Baka hanapin na ako samin." Sabi ko tapos hinila ko na siya at naglakad na kami papunta ng parking lot.

Bubuksan ko na sana yung pinto sa shotgun seat pero nagulat ako nang bigla akong hinila ni Elijah atsaka ako niyakap.

"Shammy, kung ano 'man nangyare sa'yo kanina. Sorry ah? Wala 'man lang ako dun para ipagtanggol ka. Sorry talaga. Wala talaga akong kwentang bestfriend." Sabi niya tapos lalong humihigpit yung yakap niya sakin.

"Elijiee. Okay nga lang ako. Wag kana mag-alala. Tsaka ano bang pinagsasabi mo? That was an accident. And wag mo rin sabihin na wala kang kwentang bestfriend, dahil you're the most wonderful bestfriend that I've ever had." Sabi ko then tinatap tap ko yung likod niya. At 'yon, kumalas na siya sa yakap.

"Talaga?"

"Oo naman. Kaya wag ka nang madrama diyan, okay? Umuwi na tayo." Sabi ko tapos binuksan ko na yung pintuan ng shotgun seat. Tapos nung nakasunod na siya, pinaandar niya agad yung kotse.

Nung nakarating kami sa bahay. Pumasok na ako sa loob. Nakasalubong ko si Unnie. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa rin mawala yung galit ko sakanya. Pero sana naman naiintindihan niya rin ako. Mahal ko siya, kaya ako nagagalit sakanya. Pero not now, para kausapin ko siya.

"Sham, kain na." Sabi niya nung nakasalubong ko siya. Papunta siya sa dining room.

"Tapos na." Sabi ko tapos patuloy na akong pumasok sa kwarto ko.

Ginawa ko na lahat yung ginagawa ko tuwing gabi. Tapos nahiga na ako sa kama ko.

Naaala ko yung nangyari kanina. Nung pinag-tanggol ako ni Jerick. Ewan ko, parang bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko na nag-aalala siya sakin. Kung pano niya ako tanungin kung okay lang ba ako? Parang...parang....

May care siya sakin.

Pero ayoko naman mag-assume. Kasi, baka naman ganun lang talaga siya. Matulungin. Lalo na't kaklase niya ako. Diba? Diba?

Tama. Ayun nga. Matulungin lang siya.

Pero, bakit ganun? Feeling ko iba 'tong nararamdaman ko.

Parang nahuhulog na--Aish. Shamyne, please 'wag mo sabihin 'yan. Hindi mo siya gusto. Hindi mo siya gusto. Hindi--.

Gusto mo siya.

AISH. BWISIT. BAKIT BA GANITO YUNG NARARAMDAMAN KO~?!

Nahulog na ba talaga ako? Kung ganun, sasaluhin niya ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Fake Boyfriends. (EXO and SNSD) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon