Third Person's POV
Tahimik lang ang dalawang magkasintahan na nakasakay sa sasakyan. Hindi sila nag iimikan. Pero di na nakapag tiis ang babae at nagsalita na ito.
"Why?" Yan ang unang lumabas sa bibig ng babae. Napahigpit naman ang lalaki sa paghawak sa manibela, halatang nagpipigil ng inis.
"Kinakahiya mo ba ko kaya di mo ko mapakilala sa mga magulang mo?" Puno ng pait na sabi ng babae. Biglang hininto ng lalaki ang sasakyan at hinampas ang manibela nito.
"Can't you see I'm driving?"
"I don't care! Just answer the damn question, Adrian!"
Hindi sumagot ang lalaki at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Ayaw na niya itong patulan pa. Nagkakaganyan lang ang girlfriend niya kasi hindi siya nito pinakilala sa nga magulang niya. Pero may rason naman siya.
"You don't love." Muling sabi ng babae. Dahil sa inis, binilisan niya ang pagmamaneho.
"Damn it, Ian! Slow down!" Tiningnan niya muna ang dalaga saka pumreno pero huli na dahil pagharap niya, nakasalubong na nila ang isang sasakyan kaya niliko niya ito at bumangga sila sa poste
*booooooogsh*
Nagising si Adrian na masakit ang ulo at tiningnan ang katabi niyang walang Malay at puno ng dugo ang mukha.
"B-babe"
Yun ang lumabas sa bibig niya at napapikit ulit.