I must say, he's strong. Nakakaya niya lahat kahit na marami siyang problema. Andito kami ngayon sa ospital, dinadalaw si Vanessa. Maganda siya at mukhang mabait base sa pagkakakwento ni Adrian. Nameet ko rin ang parents niya.

Pauwi na ako ngayon at ihahatid daw ako ni Adrian. Magcocommute na nga ako e kaso ang kulit ni Adrian, sabi niya, siya ang nagdala sakin dito kaya siya din maghahatid sakin. Oha!

"Thanks for visiting, Venice! Visit more often." Sabi pa ni Tita Janice at niyakap ako.

"Dadalaw po ako ulit, Tita, Tito. Sige po, Bye." At lumabas na kami ni Adrian.

Habang nasa sasakyan, nag-uusap parin kami ni Adrian. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay. Di naman kalayuan yung amin kaya nakarating kami kaagad. Bumaba na ako ng sasakyan niya at siya rin, bumaba.

"Thanks, Adrian. Ingat sa biyahe!" Ngumiti naman si Adrian.

"Sige. Bye, Ven!" Kumaway na muna siya bago pumasok sa kotse niya at umalis. Papasok na ko ng bahay nang makasalubong ko si Mommy.

"Sino yun?"

"Ah, new friend ko po ma. Hinatid niya lang po ako."

"New friend? O manliligaw? Venice ha. Pinaglilihiman mo na ang mommy mo."

"Mom! I'm telling the truth!"

Ngumisi lang si mommy at pumasok na kaya sumunod na rin ako. Ang kulit ng mommy ko no? Haha. Pagkapasok, nadatnan ko si kuya at ang fiance niya na naglalambingan. I fake a cough kaya napalingon sila sa kinaroroonan ko. Naunang tumayo si Ate Tanya at nakangiting sinalubong ako ng yakap. Nakasunod rin sa kanya si Kuya Vincent.

"How's your day, Ven?" - Ate Tanya

"T'was fine, Ate." Nakangiti kong sagot.

"May naghatid sa kanyang lalaki. Manliligaw niya ata." Sabi ni mommy na kadadating lang galing kusina.

"MOM! D-don't believe her, Ate, Kuya."

"Ipakilala mo yan sakin nang malitis." Nagtatawanan sila kaya umakyat nalang ako. Ako nanaman nakita nila. Hays. Pagdating ko sa kwarto, humiga kaagad ako. Napatingin ako sa side table ko at kinuha ang picture na nakapatong.

"I miss you so much." Sabi ko at niyakap ang picture naming dalawa. Kung hindi ka nawala, ikaw sana yung naghatid sakin dito. Tumulo nanaman ang luha ko. Pinikit ko na lang ang mata ko.

Francis...

Adrian's POV

Kararating ko lang sa bahay. Bukas na ko dadalaw ulit. Nag text na din naman ako sa mommy ni Vanessa.

Sinalubong ni Vanny, aso namin ni Vanessa. Kinarga ko ito at ginulo ang ulo.

"Sup, Buddy?" Tahol lang ang ginanti niya.

"Miss mo na ba si Mommy Vanessa mo?" Again, tumahol nanaman siya. I bet, namimiss na niya talaga si Vanessa.

"Me too. I miss her so much." Binaba ko na muna si Vanny at dumiretso sa kwarto para makapagbihis.

Pagkalabas ko, andun na si Athena nanonood ng cartoons. Tumabi ako sa kanya at inakbayan siya.

"Ihh kuya. Hands off nga. Your hand is so bigat. Err." Ang arte talaga nitong bunso ko. Ginulo ko naman ang bihok niya na kinagalit niya. Pikunin.

"Where's Nanay Jing?" I'm talking about our Maid. Nanay tawag naming sa kanya since hindi namin kasama mommy namin. Matagal na siyang nagtatrabaho sa amin. Siya na nag-alaga Kay Athena mula nung umalis yung magaling naming ina. Wala na kaming Daddy. Nung pinanganak si Athena, sobrang saya niya kasi Babae daw. At sa sobrang saya, inatake siya sa puso.

"In thee kitchen." Sagot niya habang nakayutok parin sa pinapanood. Dora the explorer. Srsly?

"Kanina ka pa, ijo?" Napalingon ako sa nagsalita. Ngumiti ako at tumango.

"Opo nay."

"Oh siya, may meryenda muna kayo oh." At nag hatid siya ng snacks. Kumain naman kaagad kami ni Athena.

"Kuya, can I absent tomorrow?" Tiningnan ko si Athena. Malungkot ang mukha niya. Anong nangyari?

"Why baby?"

"I want to visit Ate Vanessa. I missed her na po kasi." Niyakap ko ang kapatid ko. Close kasi sila ni Vanessa pero di siya pwede umabsent.

"Hindi pwede. Sa weekend nalang isasama kita. Okay ba yun?"

"Ok"

Venice's POV

Nagising ako sa ingay sa labas. Anong meron? Bumaba ako at nadatnan ko ang tatlong makukulit na bata na naghahabulan. Nakita naman nila ako at tumakbo sila palapit sakin.

"Ate Veniiiiiice!" Sabay sabay nilang sigaw. Sinalubong ko naman sila ng yakap. Namiss ko tong tatlong to.

"Hi, Chloe, Samantha, and Carl! Long time no see!"

"We missed you, Ate." Sabi ni Carl. Ang cute niya talaga kaya I pinched his cheeks.

Naglaro lang kami nang naglaro hanggang makatulog tong tatlo. Magkakatabi kaming apat. 8 na nang gabi. Tapos na rin kaming mag dinner. Pumunta muna ako sa kwarto para kumuha ng kumot.

Pagbalik ko, kinumutan ko kaagad silang tatlo at tumabi ulit ako sa kanila. Dito kami nakahiga sa salas. Wala pa kasi ang mga magulang nila. Lumabas kaya dito muna pinag stay ang mga bata. Wala din si mommy kasi sumama sa Manila. Si kuya naman, andun sa girlfriend niya. Kaya kami lang dito.

Nagising ako sa ingay ng sasakyan sa labas. Mukhang nakarating na sila. Tumayo ako at pinagbuksan sila.

"You're still awake?" Si Tita Cleo, mommy ni Chloe.

"Nagising lang po ako." Pumasok na sila at kinuha na ang mga bata na tulog na tulog pa din.

"Thanks for taking care of the children, Ven. Goodnight." Si Tita Sam, mommy ni Samantha. Tumango lang ako at ngumiti.

Kami nalang ni mommy. Nakahiga siya sa Couch. Umupo ako sa tabi niya.

"Di ka pa po aakyat?" Tanong ko Kay mommy. Bumangon naman siya at umupo. She holds my hand.

"Later." Tahimik lang kaming nakaupo.

"Baby..."

"Hmm?"

"Pano kung mainlove ako sa iba? Ok lang ba sayo yun?" Napatingin ako Kay mommy. Is she in love?

"As long as it can make you happy, Mom. Why not?" Ngumiti ako ng konti. Susuportahan ko naman siya. Basta wag lang siyang masaktan gaya ng ginawa ng Daddy. Hiwalay na sila ni Dad kasi may kabit siya. Naaawa nga ako sa mommy ko eh. Lagi ko nalang siyang nakikitang tulala. But now, mukhang ready na ulit siyang magmahal. Di ko siya pipigilan. Niyakap ko si mommy.

"Ipakilala mo siya sakin, mom." Tumango lang siya. Umakyat na din kami kasi 12 midnight na.

Hawak ko nanaman ang picture namin ni Francis. Hinaplos ko ang mukha niya.

"Ang daya mo. Iniwan moko." Pinikit ko na lang ang mata ko.

Goodnight baby.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon