Ang buhay ni Pitoyskie
Nagising si Willie sa ingay ng mga nag lalaro ng basketbol sa labas ng kanilang bahay. Pinagtiyatiyagaan ng mga kabataan ang bakal na Dinonate ng kabilang barangay. Ang bakal na ito dati ay isang malaking basketball ring dahil sa kalumaan kinalawang ito at napilitan na lamang chop chopin ng mga namamahala, sa kabutihang palad ang kalahati nito’y napabigay sa aming barangay at siyang pinag tiyagaang gawing basketbol court ng mga kabataan. Dumiskarte ng kapirasong flywood ang mga kabataan upang maitatag ang court samantalang ang ring na ginamit ay binili ng mga mapeperang pamilya. maliit lamang ang espasyo ng court sinakop lang nito ang daan na magkakasya ang dalawang sasakyan ang taas ng ring ay kaya abutin ng binatilyo na 5’7 ang taas. Kasama sa naglalaro ang kanyang pamangkin “Babsi” ang pangalan.
‘Oi pawl pawl.,,
“ Wala,,Wala!! ano ka ba Nana?
“Gago ka pla Babsi eh nadali ko lang kuto mo Pawl na?
‘Pawl naman talaga eh.. wala!! Pawl bakit sa love? Pag nadali ng iba ang GF mo di ba ang sakit na?, Pawl tlga ..
“Gago ka Bapsi,, Puro ka talga kalokohan kaya walang nagkakagusto sayo eh bakit nagkaGirlpren kna ba? Di ba wala pa naman?
‘Pareng Istong mahirap mamili ng manliligaw mo, lalo na pag ang mga nagkakandarapa sayo….
“: Bapsi!! Bapsi!!! Umuwi kana at maligo pupunta na tayo sa doctor,, ngayon ang skedyul ng libreng tulian sa Mahal na Sapa Elementary School.
skedyul ng Tulian may naalala ako sa aking kabataan, Grade V na ako nagpatuli noon, ikinatakot ko ang malamig na pang- ipit ng lambi na dumapo sa hita ko. Mas ikinatakot ko ng Makita ko na ang magtutuli sa akin ay isang maganda, maputi at sexy na doctor. Ramdam ko na nagagalit ang alaga ko na si Tutit, ito’y marahil dahil sa sinasaktan ni Doktora ang kanyang amo. At nang tinurukan nawala ang tigas ng ulo ng aking alaga sa pagpikit ko ang tanging naalala ko na lamang ay ang salitang tumayo kana tapos na tayo. At ang sinabi ng Doktora na “ Sayang guwapo ang anak niyo, maliit nga lang ang nota”. At doon ako na challenge na mag- aral kumanta sa pag aakalang sa pagsigaw ko ay napansin ng doctor ang kapangitan ng boses ko. Kaya’t pagkauwing pagkauwi ko wala na akong ginawa kundi ang kumanta kahit na hawak ko ang harapan ng shorts ko. Napansin ni Itay na nahihilig na ako sa pagkanta.
“Abah Pitoy tigilan mo nga yang pagkanta mo naguusap kami ng Nanay mo.
‘Hindi Itay kayo ang nagsabi sa akin na palakasin ko ang kahinaan ko,, kanina sinabi ng Doktor na maliit daw ang Nota ko. Gusto ko patunayan sa kanya na kaya ko palakihin ito at ipakita sa buong mundo kung gaano ito kalaki. (Nakangite at Diterminadong Diterminado)
Humalakhak ng tawa si Itay at sinabi “Sige anak ipagpatuloy mo yan. Manang mana ka talaga sa Tatay mo…. Madaming kalokohan dugtong ni Inay
Madami pa akong iniisip ng biglang pumasok sa isip ko na kaylangan ko nap ala maligo, may klase ako ng alas nuebe ng umaga sa Unibersidad na aking pinapasukan. Makikita ko na naman ang aking propesor na sexy at maganda kahit may katandaan na. Bata pa lamang ako ay nagging isang malaking pabigat na ang pagiging isang heartthrob,, nakakahilo ito.. naranasan ko na nga magka stiff neck sa dami ng tumatawag sa akin kadalasan sa mga sinisigaw nila ay “Pitoy mahal na kita”, at ang isang malala pa ay “Anakan MO ako” na di ko naman nililingon dahil sa pagmamadali ko..lagi kasi akong nalelate pumasok kaya’t madami sa mga ito ay sinasabing suplado ako.
Maliit lamang ang Unibersidad na pinapasukan ko meron itong tatlong Building at isang Gymnasium kung saan pinagdadausan ang palakasan ng katawan.. bawat Building ay may dalwang CR isa sa pambabae at isa sa panglalake. Meron itong isang malaking simento na nakatirik sa gitna ng field na tinatawag nilang Obelisk. Ang tawag ko dito ay ang Barbi- Q stick.. dahil tulad ng isang Barbi-Q stick nagtiyatiyaga lamang ito sa init at wala nang ibang silbi kundi iyon at katulad talaga siya ng Barbi- Q stick na nagbibigay pangalan sa sarili nito na Barbi- Que kapag natusok-tusok na ang karni at inihaw na wala din naman pinagkaiba kung iihaw mo ito ng walang stick. Iba’t iba ang pananaw ng bawat Propesor sa Unibersidad na ito. May manyak na Propesor, may Strikto at may nabubuhay dahil sa pagiging mukhang pera, pero higit sa lahat sila ay magagaling magturo, kaya bago ako makagraduate ang dami kong dalang pasalubong..dahil lahat sila ay turo dito turo doon. Sa kolehiyo ko na din nakilala ang unang babaeng nagpatibok ng nguso ko.. Oo “Nguso”. Isang hapon ang isa kong kaklase ay naka tambay sa labas ng isang kompyuter shop. May kasama siyang babae na ubod ng kinis, puti at matangos ang ilong. Sa madaling salita ay maganda. Agad – agad kong nilapitan ang kaakit- akit na binibini at nakipag kilala
‘Hi Im Phil Troy Inarumbang, Just call me Pitoy
“Oh ang cute naman ng name mo, (Ngiting malagkit) Ahm yun ba talaga ang last name mo?,Im Magdalie Anne Samantalahan
‘Mas cute yung sayo eh. Mag dali na samantalahan pa..jookeeeee!!!..
Kitang kita sa inosenteng mukha ko na wala pa nga akong nalalaman sa mundong ibabaw. Isa lang ang nalalaman ko, “nabubuhay lang tayo pra sa layunin natin, personal na interes at iba pa. pero ang totoo tayo ay isang sasakyan sa mundong ibabaw na pinipilit umandar at kargahin ang sariling katawan sa lugar kung saan tayo sasaya, ngunit hindi maiiwasan na may sasakay sa atin, kaya’t sa bawat pahina ng buhay ng tao may nadadamay, nasasaktan pag meroong banggaan at meron din naming nasisiyahan kapag may nawawalan(Yung makakapulot). Ngunit ang pinaka masarap na siguro ay ang pag papa refill ng gas. Unti unting ipinasok ng gasoline Boy ang pang karga ng gasoline sa makina ng sasakya na mainit init at mamasa-masa pa sabay buga ng gasolina na nagbigay buhay sa bawat isa.At sa palagay ko sa mga ngiti ni Magdalie ay may nais itong iparating. Sumakay kami ng Jeep, napakainit ng panahon, kaya’t napilitan mag hubad si Magdalie ng suot nyang blazer. Sa paningin ko ay nag slow-mo ang paligid. Ang bawat galaw ng kanyang buhok ay aking nabilang. Ang pula ng kanyang labi ay bumabakat sa aking isipan. At biglang “PARAAAAAAAA!!!!.. Sa wakas nasa destinasyon na kami, kahit nabitin ako sa pagpapntasya ko kay Magdalie sa jeep ay nakaplano na sa aking isipan ang mang yayari pag sapit ng gabi.
-TO BE CONTINUED_
‘