Unang Kabanata: My Minions

37 3 0
                                    

|| Unang Kabanata ||

|| Aria's Point of View ||

Tapos na ang maliligayang araw ko dahil heto pasukan na naman. Nauna ng pumasok si Ravy sa akin (Arvin) kahit kailan talaga masyadong seryoso yun ang swere siguro ng magiging girlfriend nun at bago sya umalis nagiwan pa siya ng note. So sweet.

"Ate Ria, hindi ako nagluto ng kakainin mo. KKL muna"

(kanya kanyang luto)

Ano pa nga ba, edi heto magluluto na ako. Geez.

Fast Forward

Papaalis pa lang ako ng bahay ng biglang tumunog ang iphone ko.

*ring ring* [A/N: sound effects po yan. Iphone kasi kaya mukhang real life tone]

"ssup?" pagkasabi ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag. Hindi uso sa akin ang "Hello" so old fashion *roll eyes*

"Ate siguro naman alam mo yung salitang "maaga" dapat" sagot niya sa akin. Ang sama siguro ng gising nito. Masyadong mainipin eh ang aga pa naman.

"Alam ko yun, wag kang magalala hindi pa ako late. 9 pa lang naman. 10 pa yung simula ng klase ko." ganti kong sagot sa kanya

"Oi Cindy, half-awaked pa ata to si Aria" sigaw nito sa kabilang linya. Magkasama na pala ang dalawa kong minion.

"Oi hindi mo kami Minion"

"Pano mo nalaman yung nasa utak ko? Mind Reader ka siguro no?"

"Sinabi mo kaya yun! Bilisan mo na lang! Quarter to 10 na po! at kanina pa kami kumpleto dito!" at binabaan na niya ako. Bruhilda talaga yun, siya pa talaga unang nagbaba ng telepono, excuse me Iphone tong phone ko.

[A/N: Pasintabi po muna, makikisaw-saw lang po. Aria alam na po ng lahat na Iphone ang phone mo hindi mo na kailangan ipagdiinan]

"Tsk" tipid kong sagot

*beep beep* (A/N: sound effects po ulit, you know iphone)

"Ang aga-aga mga praning na agad" sabi ko sa sarili ko, kausap ko kasi minsan si Aira (konsensya ko) Sinilip ko muna ang wrist watch ko.

"Mga praning talaga, 9 pa nga lang sa akin eh" kinuha ko ang iphone ko at pumunta sa may music library.

"Sh*t! Malapit ng mag 10!" napatakbo ako ng di oras kasabay nun ang pagtapon ko sa wrist watch kong pahamak, sa pagmamadali ko nadapa pa ako. Pahamak talaga. 1st day pa man din. Tsk.

After 10 minutes.

"Wow Aria napush mo pa yung 10 mins mo ah" tawang pagbati sa akin ni Minion #1

"Syempre dakila yan eh" si Minion #2

"Ansaveh ng sharp 9? Ikaw pa man din ang nagyaya na maaga dapat dito sa school tapos ikaw din pala yung late, at wag ka 5 mins na lang darating na ang ating mahal na professor" si Minion #3 na ang haba ng sinabi

"..." Minion #4

"Hindi niyo alam ang dinanas ko makarating lang on-time" grabe haggard agad yung make-up ko hindi ko na alam kung saan na napunta. Badtrip talaga. Magpapabili na lang ako kay Cindy ayoko na ng cheap, badtrip mapapahamak pa ako dahil sa walang kwentang sirang wrist watch. Hmmmm.

"Hindi ka on-time" Minion #1

"Shut-up na Jam, alam kong hindi ako maaga" nakakapagod makipagsabayan sa apat na ito. Although hindi nagsasalita si Remy. "Late yung Prof natin ah, anyare?" napatingin naman ako kay Cindy na akala mo ay nagmu-music video dahil nakatingin sa malayo at ng lilipsing pa. Hugot!

Buhay ni AriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon