CHAPTER FIFTHTEEN

903 22 3
                                    

TRISTAN'S POV

Halos mapabalikwas ako sa nakita ko ng imulat ko ang aking mata si Isabelle mahimbing na natutulog habang nakasandal sa bisig ko.

Wala akong idea kung bakit umabot kami sa ganitong posisyon may pilyong ngiti na gumuhit sa labi ko ng maisip ko na sinadya nyang yakapin ako.

Nasa ganoong pagiisip ako ng naramdaman ko na bigla syang gumalaw kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya ayoko naman na magising sya at maabutan na nakatingin ako sa kanya baka kung anong isipin nya.

Nabigla na lang ako ng ipatong nya ang braso nya sa dibdib ko at kampante paring natutulog at hindi ko alam kung bakit may saya akong nararamdaman na sana hindi na kami matinag sa ganitong posisyon.

Alam ko na kahit anong tangi ko sa sarili ko mahal parin ang babaeng ito sa loob ng tatlong taon sya parin pero ayoko na syang mahalin ayoko na magpatalo pa sa nararamdaman ko sa kanya ayoko ng masaktan gaya ng paulit ulit nyang ginagawa sakin .

"HINDI TRISTAN HINDI NA AKO MAGPAPAKATANGA SAYO ISABELLE''sigaw ng isipan ko.

Naramdaman ko na lang na wala na sya sa tabi ko.

"May sakit ka kagabi nanginginig ka sa sobrang taas ng lagnat mo pinunasan kita kaso ayaw mo paring kumalma kaya niyakap na kita"natataranta nyang pagpapaliwanag na halos hindi makatingin sakin ng deretso.

"Ganun ba?Akala ko sinadya mo na yakapin ako ..." nakangisi kong sambit.

"Huh?Hindi ah naaawa lang ako kagabi kaya....."

"Okay okay wag na masyadong defensive tsaka alam ko naman na gusto mo naman na yakapin ako aminin mo na sumagi rin sa isip mo na pagnasaan ako"

"Grabe Tristan mas makapal pa ang mukha mo sa aspalto hindi ko alam kung saan mo hinuhugot yang kayabangan mo.." pikon nyang sambit.

Natawa ako sa itsura nya .

"Ano bang problema mo Tristan? Sumama ka lang ba dito sa resort para gawing miserable ang buhay ko huh alam mo hindi ko maiwasan na isipin na sinasadya mo ang lahat ng ito para gantihan ako dahil ano ?dahil sa ginawa ko sayo ganito ba ang paraan mo para pasakitan ako.Okay fine kung ikakaligaya mo ang pambubuwusit sakin go ahead kung makakabawas yan sa lahat ng sakit na ginawa ko sayo"

"Alam mo ba ang sinasabi mo Isabelle? Wala na akong pakealam sayo at hindi na para magaksaya ako ng panahon para gantihan ka dahil its not worth it kaya wag na wag na sanang sumagi sa isipan mo ang mga bagay na yun dahil ako matagal ko ng tinalikuran ang mga pangit na alaala na nangyari sakin noong nakilala kita at ayoko ng balikan yun sumama ako sa resort para sa trabaho yun lang"tugon ko na hindi ko alam kung bakit biglang tumaas ang tensyon na nararamdaman ng puso ko.

Hindi na sumagot pa si Isabelle tumalikod na ito at iniwanan ako magisa.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mas nasaktan pa ako sa mga binitawan kong salita sa kanya dahil alam ko na sarili ko lang ang niloloko ko nagpapangap ako na galit ako sa kanya para pagtakpan ang totoo kong nararamdaman.

Huminga muna ako ng malalim gusto ko na kahit paano pagaanin ang bigat na nararamdaman ng puso ko hindi ako pwedeng magpatalo sa emosyon ko.

Kahit mabigat ang pakiramdam ko pinilit ko pa ring magready para sa gagawin naming presentation.

Naabutan ko si Isabelle na nasa may bintana habang tinatanaw ang kabuuan ng resort.

"Isabelle'' tawag ko.

"Magready ka na rin para maumpisahan na natin ang trabaho" sabi ko ng lingunin nya ako.

Hindi nya ako sinagot bagkus ay dere deretso itong pumasok sa loob ng kwarto.

LOVE FINDS A HOME (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon