CHAPTER EIGHT

1.1K 29 4
                                    

TRISTAN'S POV

Nanatili akong nakatayo dito sa may lobby kahit wala na sa paningin ko si Isabelle hindi ko alam na sa twing nagkikita kami ay daig pa namin ang world war 3 pero sa kabilang banda ay hinahanap parin sya ng puso ko at everytime bumabalik naman  sa alaala ko yung mga masasakit na salitang binitawan nya yung nasa Amerika kami parang may kumukumbinsi sakin na itigil na kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya alam ko magulo alam ko sobrang kumplikado ng sitwasyon.

Mabilis naman ako nakaramdam ng pagod ng umuwi ako ng bahay medyo late narin kasi natapos yung party kaagad kong isinalampak ang katawan ko sa kama.

Saglit ko pa lang ipinikit ang mata ko pero mukha kaagad ni Isabelle ang rumehistro sa isip ko kaagad ako napabangon.

Naiinis ako sa sarili ko na kahit anong gawin ko pakiramdam ko mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya na kahit alam kong wala naman itong patutunguhan hindi ko parin mapigilan na kahit sa tingin nya na ako na ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa bakit hindi yun sapat para maging dahilan para kalimutan sya.

Naramdaman ko naman ang mainit na pagwelcome sakin sa kumpanya kaya mabilis naman akong naging komportable.

"Good Morning Sir Tristan , I'm Trisha ,, I will be your personal secretary" nakangiting bati sakin ng isang babae na halos hindi naman nagkakalayo ang edad namin,katamtaman lang ang pangangatawan nito at mukhang pleasant naman ang personality sinalubong nya ako bago pa ako makapasok sa aking opisina.

"Good Morning "bati ko at ginantihan ko rin naman sya ng ngiti.

Naglakad lakad muna ako sa kabuan ng opisina nagustuhan ko naman ang pagkakadesensyo nito na halos kulay puti ang kabuuan maayos din ang pagkakalagay ng mga muwebles bahagya pa akong naglakad papuntang bintana at mula dito ay kitang kita ang kabuuan ng siyudad.

" Sir do you want anything to drink , coffee or tea" alok sakin ni Trisha ng makaupo na ako sa aking swivel chair.

"Coffee please" tugon ko dito.

Naiwan na akong magisa sa loob ng lumabas na si Trisha para magtimpla ng kape.

Alam ko umpisa lang ito ng bagong Tristan Rivera na haharap sa mundo na sa pansamantala ay kailangan ko munang talikuran ang dating Tristan na walang naaalala sa nakaraan ang importante ang ngayon at ang mga haharapin ko pa.

"Kakayanin mo ito Tristan !! Kung ito ang naghihintay na kapalaran para sayo kailangan mong tangapin at paghusayan para once bumalik ang alaala mo hindi parin nasayang ang buhay mo at mas lalo mo pa itong pinagbuti "kausap ko saking sarili.

Ngayon ay naglalakad na kami ni Trisha papuntang conference room dahil ayon sa kanya ay ngayon na naka schedule ang presentation para sa isang ad campaign ng Villacosta pumasok ako sa kwarto at dito ay naghihintay na sakin ang marketing team na syang may hawak ng project .

Nagsimula na ngang ipalabas ang commercial para sa isang food supplement .

At gusto kong ibato sa monitor ang hawak kong cellphone ng tumambad sakin ang halos hubad ng katawan ni Isabelle habang ineendorse ang produkto pakiramdam ko ay umakyat na ang dugo ko papuntang utak ko.

" What can you say about our new ad campaign Mr.Rivera?" nakangiti pang tanong sakin na marketing head.

"Revise the concept hindi natin kailangan ng hubad na katawan para makabenta ng produkto natin ano na lang ang sasabihin ng public na makakapanood nyan na ganun na tayo kadesperado para makabenta lang '' hindi ko na mapigilan na magtaas ng boses sa tindi ng pagdisgusto ko sa iprinesent nila.

" Pero Sir , naapproved na po ni Sir David ang concept kaya nga po nagshooting na kami and Sir hindi naman po malaswa ang pagkakadeliver ni Ms,Belle she just showed ......... "

LOVE FINDS A HOME (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon