prologue
"Mahal kita."
Bakit niyo ba kami pinapaasa sa mga katagang ito?
Sinasabi niyo ang mga katagang iyan na hindi sineseryoso,
Na akala mo'y isang bati lang ng "kamusta ka" diyan sa kanto.Sa pag inom ko ng kape, napatingin ako sa loob ng SerendipiTea Cafe, kung na saan ako ngayon, nakikinig ng mga tula na inihanda ng iba't ibang tao.
Alam niyo ba na,
Na malalambot ang aming mga puso?Madaling masaktan,
Madaling masira,
Madaling mabasag.Ramdam ko ang sakit ni ate, kahit hindi naman talaga ako kasama sa mga madaling umasa. Isa lang talaga s'yang magaling mag paasa. Sabagay, tama nga sila, siya ay isang dakilang paasa.
Pero kahit anong sakit ang dinanas nito,
Hinding hindi ito mawawala sayo.Oo, sayo.
At ako'y isang dakilang tanga.
Sa mga kamay mong walang ginawa kundi durugin,
Sa mga kamay mong walang ginawa kundi wasakin,
Sa mga kamay mong walang ginawa kundi angkinin,
Ang puso kong, walang mingming.Sayo napunta ang puso kong ito,
Ang puso kong sira sira na na akala ko'y iyong ibubuo,
Pero hindi pala, ako'y nagkamali,
Dahil ito'y binasag basag ng paulit ulit,
Sinira sira na awa'y walang bahid.Pinakinggan ko lang ang boses ng nagsasalita na akala mo'y isang tunog sa aking taenga. Wala akong pakielam sa mga tao sa paligid, basta ako, dinadamdam ko 'yung spoken poetry ni ate sa harap.
Binigay ko sa iyo ang isang bagay na mahalaga sa akin,
Isang bagay na pinagkaingat-ingatan ko kahit ilang beses ng basagin,
Binigay ko sa mga kamay mong may pagtiwala't may ngiti.Kaya bakit?
Bakit hindi mo iningatan?
Bakit mo ito pinabayaan?
Bakit mo sinaktan?Bakit nga ba? Isa rin sa mga gusto kong tanungin sayo, kung bakit mo ginawa sa'kin 'to.
Na sa kamay mo na ang aking puso,
Bakit mo ito hinayaang dumugo,
At tinapon na lang sa kung saang basuraan na d'yan lang matatamo?Wala ba talaga itong halaga sayo?
Wala ba talaga akong halaga sayo?
Kailan nga ba?
Kailan ba ako naging mahalaga sa paningin mo?Naging mahalaga nga ba ako sayo? Baka, siguro, hindi.
Siguro nga, halaga ko'y wala,
Dahil kung mayroon man,
Hindi mo ito dapat hinayaan mawala,
Mawala sa mga tindig mong akala ko kaaya aya.Kung ika'y babalik pa,
Sa puso kong sira sira na,
Ika'y wala nang babalikan pa,
Dahil huli na;
Ang puso ko'y wala na,
At kahit kailan man,
Hindi na muling babalik pa.Wala ka na ba talagang babalikan pa? Kasi na andito lang puso ko, naghihintay sa pagbalik mo.
. t o r n b i t w i n .
this story, torn between, is not related to reality whatsoever; everything written here are all products of the author's weird imagination.
ps. spoken poetry by yours truly, me! haha.
YOU ARE READING
Torn Between
ChickLitIt would be nice to have moments with him to keep then sparks and heart beat going, but nothing. So, I intend to find someone new who makes me feel happiness and loved.