The Night After

2.9K 26 5
                                    


Katulad ng sinabi ng iba, wala ka talagang maalala kapag nagising ka mula sa isang wasted night out. Ako ang tipong lasing na malambing. Yayakapin kita ng matagal at minsan hahalikan kita sa noo o kaya sa may pisngi.

Paggising ko ng 10am, alam ko na may mali na nangyari kagabi.

Inexamine ko ang likod ng katabi ko. Maputi na may kaunting maliliit na tigyawat. Dahan-dahan kong sinilip ang mukha niya at nakita ko siya. Halatang bagsak din 'to katulad ko. Alam kaya niya yung ginawa namin kagabi?

Daling-dali ako umalis sa kama at hinanap ang mga damit ko na nakalapag at nakatupi lang sa itaas ng isang upuan at kumuha ng sticky note doon sa kanyang inaassume kong study desk. Sinulat ko:

Hi good morning! I don't remember much, honestly, I have no idea what lead to the point for us to do it. Under the influence of alcohol I guess? Don't look for me okay? It's a one time thing.

P.S sorry for the stain.

Kahit sumasayaw ako at lagi ako involved sa mga physical activities, hindi naman nasisira hymen ko. Nabanggit kasi yun sa amin noong high school na pwede masira hymen mo na walang sexual interaction. Para sa akin, I'm very open-minded sa sex. I'm not that cultured or traditional to think that sex comes after marriage. With social media, it's either you learn more or your thoughts get distorted. Nasa era na tayo kung saan lahat ng tao open-minded kahit ang iba ignorante parin sa mga bagay-bagay. But what matters for me, is that the person that I'm going to do it with was for love and not just for lust. Passion is different. But in my situation, parehas kaming lasing. Parehas din kaming wasted. Parehas rin ba kami na ginustuhan sa nangyari? Ako? Hindi ko rin alam eh.

Hinanap ko rin mga gamit ko katulad ng phone ko, wallet, and car keys ni papa. Nagulat ako nung nakita ko naka-charge phone ko at katabi niya lang wallet ko pero hindi ko mahanap ang car keys ni papa kaya hinayaan ko nalang. Papagawa nalang ako ng duplicate. Nahihirapan rin ako maglakad na dahan-dahan dahil ang hapdi ng nasa baba ko. Paglabas ko ng apartment niya, agad-agad ako kumuha ng taxi para makapunta ako kila Gayle.

Nakarating na ako sa bahay nila Gayle. Bago pa ako kumatok, nakita ko si Gayle na nakangiti at puno ang bibig niya ng pagkain.

"Sabi na nga ba eh! Dali pasok ka! Marami kaming kwento at you need to explain yourself rin" sabi niyang paasar sa akin

Pumunta kami sa kanilang dining room at nakita ko si Camille kumakain at si Viene na nagluluto.

"HOY BABAITA! Gutom ka ba? O baka busog ka na dahil sa nangyari kagabi?" sabay pagtawa ni Camille

"Tumigil ka nga Camille. Sigurado walang maalala yan kagabi" sabi ni Viene

"Ano ba kasi nangyari kagabi? Ang alam ko kaunti lang nainom kong Rum Cola nun tska kaunti lang yung Rum na nandun para hindi ako malasing." Sabi ko

"Wala ka talagang maalala? Kahit man lang yung lalaki na tumabi sa'yo nung pumunta ng CR si Keanu?" sabi ni Gayle

"Wala talaga akong maalala" pabalik kong sinagot

"Okay Cams! May 100 ka na sa akin! Sabi sa'yo hindi niya maalala yun." sigaw ni Viene

"Ito pala pinagtatawanan niyo kanina ha mga hinayupak kayo" sigaw rin ni Gayle sabay tawa nilang tatlo

"Saglit may naalala ako ng kaunti" at naputol ang tawanan nila.

Napaisip ako. Yung brain cells ko umiikot-ikot daig pa ang kanta ni Sarah G. na panay ikot-ikot niya.

"Saglit cr lang muna ako ah?" paalam ni Keanu

"Sige! 'Di naman ako aalis dito" sagot ko

That nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon