Maling Akala

1K 11 1
                                    

Namula at nakatulala sa aking nakita.

Bakit nandito si Keanu? Hindi pa dapat ako magpapakita sa kanya pero palabiro naman ang tadhana

"Kailangan natin mag-usap" sambit niya "pero 'wag dito. Tara kain tayo sa labas. Kumain ka na ba ng breakfast? Libre ko na" sabay ngiti at doon palang sino ba naman hindi makakatanggi sa ngiti niya. Nakasuot siya ngayon ng puting polo at naka-slacks tapos pinagpapawisan pa siya pero nangingibabaw yung kagwapuhan niya. Hindi ko alam na matagal na pala ako nakatingin sa kanya.

"Okay ka lang ba? Sorry nagulat ba kita? Kung ayaw mo makipag-usap o makita man ako pwede naman next time, I won't mind gusto ko lang na comfortable ka sa pag-uusapan" ngumiti siya sabay pag-abot ng bouquet sa akin at paalis na

"SAGLIT!" nagulat siya sa pagalingawngaw ng sigaw ko sa hallway at tumalikod para tignan ako at tinawanan ako. "Okay lang sa akin na pag-usapan pero G naman ako na kumain muna" at bahagyang ningitian kaya't napatango nalang siya at sinundan ko nalang siya palabas ng campus.

"Sooo how are you?" tanong niya habang nagda-drive siya ngayon at papunta kami sa Manong Migos, isang sikat na kainan ng mga estudyante dito sa San Vicente na ang kanilang paninda ay ang mga inihaw at -silog meals. "Okay naman ako. Ikaw?" sagot ko habang nakatingin sa labas.

"I'm okay but you don't have to lie na you're okay. Alam ko iniisip mo yung gabing iyon and it's not what you think it was" masinsinan niyang sinabi at halata kasi ito dahil sa mata niya kahit nakapokus siya sa daan.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Hindi natin ginawa? Eh bakit may dugo doon sa kama mo? Bakit ang hapdi nung aking you know what nung pagkagising ko? May mga kamot ka pa sa likod mo tapos parehas pa tayo nakahubad so ano yun trip-trip lang?" inis kong sagot sa kanya at bigla niyang iginilid ang kotse para di mangabala sa mga ibang dadaan. Napabuntong hininga siya at tumingin sa akin

"Siguro nga you want your sex to be valuable pero katulad ng sinabi ko, it's not what you think it was tska blame yourself kasi nangyari yung pagdugo-dugo mo dahil sa katangahan mo" inis rin niyang sagot sa akin at nanlaki mata ko sa mga sinabi niya.

"ANO?" sabay pagsuntok ko sa dashboard ng kotse niya "Anong ako may kasalanan? Alam mo kasi 'wag ka na paligoy-ligoy pa kasi wala ako maalala nung gabing iyon kaya please naman oh diretsuhan mo na ako para 'di na tayo magkita pagkatapos nito" bumagsak ako sa upuan ako at napatingin nalang ng diretso.

"You know what para kumalma naman tayo, kakain muna tayo" sinimulan niya ang makina ng kotse at dumiretso sa Manong Migos. Binuksan ko naman ang radyo at bumungad ang kanta na "Maling Akala" ng Brownman Revival.

Maliit na butas lumalaki

Konting gusot, dumadami (gumagrabe)

Hindi mo ma-ibabaon sa limot at bahala

Kapag nabulag ka ng maling akala

Ngumising aso si Keanu at hinampas ko siya. Isinantabi ko muna yung pagkagusto ko sa kanya kasi mali parin yung ginawa niya nung gabing iyon parang ayoko na nga sa kanya kasi feel ko may tinatagong ugali ito at isa sa mga kulay nito yung inilabas niya kanina.

Nakarating na kami kay Manong Migos at nagorder siya ng Cornsilog at ako naman ng Tapsilog. Hindi kami nagkakaimikan habang kumakain at nagiiwasan kami ng tingin. Pagkatapos namin kumain ay biglang may naglagay ng isang mangkok ng dirty ice cream. 

"Ayan ice cream pampalamig... ng ulo" ngumiti siya na parang inaasar ako at sinubo niya ang kutsarita na may ube. Kukuha palang ako ng ice cream bigla niya inilayo sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon