Kabanata 1

3 0 0
                                    

"Isang order nga ng realidad ng magising sa katotohanan itong kaibigan ko na hindi ako papayag na maging sila ng kapatid ko!" Sabi ko sa waiter.

Napakamot naman siya sa sentido niya 'saka nagtatakang tumitig sa'kin.

"Ma'am wala po kaming realidad dito pero pintuan at mental hospital meron. Mamili nalang kayo kung saan niyo gusto, sa pintuan para lumabas na sa restaurant namin at huwag ng makaabala o sa mental hospital para maalagaan kayo ng mabuti mukhang malala na Ma'am eh."

Natawa naman ang bestfriend ko kapatid ko at yung lecheng waiter na kung makapagsalita akala mo close kami.

"Alam mo kasi Ren, story ito ng buhay mo hindi namin. Kaya wala kang lovelife eh hindi mo sinusuportahan 'yung kaligayahan ng iba. Tss."

Pagtapos naming magbangayan sa harap ng waiter eh bumalik na kami sa pagiging spy.

"Bes ayan oh."

Napatingin naman ako agad sa 'itinuro ni Klaus.

May itsura si babae pero mas malakas ang dating ko. Sumisigaw din ito ng pagiging mayaman dahil halatang presentableng-presentable siya.

Samantalang ako malapit ng sumigaw na "Ate huwag si Clyde iba nalang!" Pero dahil mabait ako at ayaw kong mag-iskandalo nanahimik nalang ako.

"I already said No Ma." Kasama pala ang mudrakels. "A big NO! Hindi ako magpapakasal sa kanya kaya kong gawin ang sarili ko na mayaman."

"I don't want to use people just for my own benefits at isa pa hindi ko siya mahal. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko na magmahal ng taong hindi ko naman mahal. I don't want to marry someone I don't love. Lalo na iyong walang kasiguraduhan na makakasama ko habang buhay."

Nakayuko lang 'yung babaeng ififix marriage 'ata kay Clyde.

"I don't want to force you Anak....pero nakikita mo naman ang kalagayan ng buhay natin 'diba? Sana maintindihan mo." Malumanay na sabi ng Nanay niya.

"Sana maintindihan ko? Kailan ko kayo hindi inintindi?"
Masungit na tanong niya bago nag-walk out.

Pero 'di ba sabi niya sa mga pusit na higad na kaklase namin ay may girlfriend na siya? Oh ba't ngayon may kafix- marriage. Bakit kaya hindi niya rin sinabing may girlfriend siya?

Bakit ba ang dami kong tanong?

"Susundan o susundan?" Tanong ni Klaus.

"Ang sabihin mo gusto mong masolo ang kapatid ko!" Inirapan ko siya at tumayo na.

"Kayo ng bahala sa isa't isa malaki na kayo." Huli kong sinabi bago sila iniwanan.

Lumingon ako kaliwa't kanan, pero wala akong makitang bakas ni Clyde.

"Are you looking for me?" Napatalon naman ako sa gulat sa biglang nagsalita.

"H-huh? Assuming ka." Sabi ko 'saka umirap.

Pero sa loob loob ko gusto kong magdiwang. 'Di ko din alam kung bakit.

"Huwag ka ng magkaila kanina ko pa kayo nakikita. Ganoon na ba talaga kayo katsismosa?" Tanong niya.

Binigyan ko naman siya ng what-the-fuck-look. Napanganga ako sa sinabi niya.

"For your information Mr. Rogers, ang bestfriend ko ang nakakita sa'yo dahil na sa iisang restaurant kayo kanina. At dahil ayokong patayin ako ng kyuryosidad ko sumama nalang ako." Taas noong sagot ko at humalukipkip.

"Why don't you try to mind your own fucking business ladies? You have your own lives why do you have to care for others?"

Bumuntong hininga siya 'saka muling nagsalita.

"You know what, just come with me."

Bago pa ako makasagot hinila niya na ako.

"Sa'n ba tayo pupunta?!" Sigaw ko, dahil kanina pa siya hila ng hila.

Sorry baby wrist tinotorture ka ni sungit.

"Would you please shut your fucking mouth?" Baling niya sa akin.

Mr.Fucking

"Pa'no 'pag ayoko?" Napangiti naman ako.

"Ililigaw kita."

"As if I'm afraid Mr. Rogers."

"Matakot ka talaga." Sagot niya.

Huwag ang mga Watson ang hamunin mo Rogers.

"Sa'n ba kasi tayo pupunta?"

"Pupuntahan lang, walang tayo Ren." Wow at kailan pa kami naging close para tawagin niya akong Ren?!

"Sinong may sabi sa'yong pwede mong hawak hawakan nalang basta-basta ang kamay ko?! Hindi mo ba alam na noong sinaunang panahon ay bawal humawak ang lalaki sa kahit anong parte ng katawan ng babae?"

"Alam ko 'yon, but we are already on the 21st century kaya huwag kang magfeeling binibini diyan."

Binigyan ko naman siya ng wow-ang-gentleman-mo-talaga-look.

"Tss, come on." Sabi niya sabay higit nanaman sa'kin.

Huminto kami tapos makakarating lang pala kami sa parking lot.

Oh my God! Baka dito niya makuha ang hiyas ko! No! Hindi pwede!

Hindi pwedeng sa parking lot lang!

"May aaminin ako sa'yo Cyrenaica."

Napalunok naman ako dahil sa lalim ng boses niya.

"H-ehehehe b-bakit kailangan d-dito pa? Pu-pwede naman doon n-nalang din sa taas?"

"Gusto ko 'yong tayong dalawa lang." Bumalandra sa akin ang kaniyang adam's apple.

"Spill it Clyde!" Kinakabahan ako and at the same time naeexcite malay mo ba kung anong sasabihin niya.

"H-hindi ko alam k-kung paano ko sisimulan." Sabi niya na parang nahihiya, nakahawak pa siya sa batok niya at bahagyang namumula.

Ang cutttttteeeeeeeeee!

"A-ano kasi......ah kasi......" Hindi na siya makatingin sa akin.

"What? You only have five seconds to spill the words you have to say Clyde." Pahayag ko at tumingin sa aking relo.

"Five......four.....three.......t------"

"Mahal kita!" Sigaw niya.

"Ayun lang naman pala---------- Huh?!"

"Do I have to fucking repeat it again Cyrenaica?!" Hindi makapaniwalang sigaw niya.

Inirapan ko siya at akmang aalis na ngunit hinila niya ako pabalik at saktong pagharap ko.......

Labi niya ang sumalubong sa akin.

Gusto ko siya itulak pero bakit parang may nagpupush sa akin na ituloy?

Bago ko pa matugunan iyon ay itinulak ko na siya.

"I'm sorry."

"C-Clyde, bago palang tayong magkakilala. Bakit mahal mo na ako agad?"

"Diyan ka nagkakamali, I already know you ever since Cyrenaica that's why I'm here talking infront of you and confessing what I really feel towards you."

"P-paano?" Nagtatakang tanong ko.

"You wanna know the whole story?"

"Of course! Who wouldn't?!"

"Kiss me first." Nakasmirk siya habang sinabi iyon.

"In your dreams."

Paano niya naman ako nakilala? Paano niya ako nasundan? Anong koneksyon ko sakanya?

Ugh! I want to know the whole story right now.

Damn it Clydesdale!

Just A  DreamWhere stories live. Discover now