"Ma! Gising na si Ate Ren!" Narinig kong sigaw ng isang binatang lalaki sa harap ko.
Iminulat ko ng maayos ang mata ko na malabo pa at kinuskos iyon.
"Anak! Buti naman at gising ka na!"
Napatitig lang ako sa kanila saka ko naramdaman ang mga luhang lumandas sa aking pisngi.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sakanila.
Puno ako ng pagtataka sa sarili ko.
Bakit wala akong kaalam-alam?
Ngiti ng isang lalaking nagngangalang Clyde, ang kaniyang huling nakita bago ito mawalan ng malay.
"Anong nangyayari?" Ang paulit-ulit na tanong na bumabagabag sa kaniyang isip.
"Check the vital signs." Utos ng nakaputing damit at nakamask na lalaki.
"Still unconscious Doc."
Bago mangyari ang mga ito ay maligayang naglalakad ang magkasintahan sila Clydesdale at Cyrenaica.
Kasama din nito ang kaniyang kapatid na si Cyrexelle at ang kaniyang matalik na kaibigan na si Klausenburg, o mas kilala bilang si Klaus.
"Cyrenaica may bibilhin lang kami ni Klaus." Sabi ng kaniyang kapatid.
"Mag-iingat kayo at ikaw Klaus! Ingatan mo ang kapatid ko!" Dinuro niya pa ang kaibigan bago umalis.
"Bakit hindi mo pa pabayaan ang kapatid mo na umibig Ren?"
"Suportado ko siya 'no! Number 1 supporter yata ako ng kapatid ko Clyde!"
"Fine, sa'n mo gusto magpunta?" Tanong ng binatang si Clyde.
"Gusto ko sana sa simbahan."
Kumunot naman ang noo niya na halatang nawirduhan sa sinagot ng dalaga.