I never imagine myself spending my last year in college in a prestigious school that no one can enter unless you're an elite one. Sa dinami dami ng studyante sa mundo bakit ako? At isa pa, hindi naman ako mayaman. Hindi din ako maganda. I'm just a simple girl who wants to live a normal life.But in just a snap, isa na akong studyante ng ADAMSON UNIVERSITY. Yeah, you heard it right. Capital letter talaga dahil isa sa mga sikat na paaralan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Kung gusto mo lang naman makakita ng mala-goddess at Adonis na mukha edi dun ka mag aral sa AU.
Pero huwag ka, hindi lahat nakakapasok jan. Mahigpit ang security at puro elite lang ang nakakapag-aral. At sabi nila, para kang nasa langit dahil wala kang makikitang pangit.
Dyos ko naman! Napepressure ang beauty ko bes!
Well. I'm a nerd, yeah. Pero hindi ako tahimik na tao but maybe I'll give an excemption at Adamson's University. Hindi naman kasi nila ako ka level. Haler! poor here. Pero proud ako dahil kompleto ang pamilya ko at masaya naman kami. Kaya nga todo ilag din ako dahil ayokong may makapansin sakin. Mahirap na no! Baka mapagtripan pa ako.
Wait nagpakilala na ba ako? Hindi pa pala. Hehehe [peace ;)].
Ako nga pala si Allea Stephanie Santos. Eya for short. Ewan ko ba kung bakit ang haba. Sabi ni mama. Masarap daw pakinggan. (Uyy. Wag kayong Green minded hah. Hahaha). Basta yon yong sabi niya kaya walang nagawa si papa. Mahal e. I'm 18 years old na pala. Business Ad ang kinuha kong kurso. Siyempre, gusto kong makapagtayo ng negosyo para sa pamilya ko. At mabigyan sila ng magandang buhay bago ako ma... No!! Erase. Erase. Hindi pa mangyayari yon, diba God? Love you po. :D
Grumaduate ako sa Ateneo De Davao University High School (Addu High). At nag college sa Ateneo De Davao University, from Mindanao, Davao City.
And para po sa kaalaman ng lahat Scholar po ako. Kaya ako nakapag aral sa isang private school. Aba. Hindi madaling makakuha ng scholar no. Kasi naman high standard din po ang skwelahan nato. Mabuti na lang naging masikap ako para makapag aral sa magandang paaralan.
Paano nga ba ako napadpad sa Adamson University?
Flashback:
"Miss Santos." Dinig kong tawag sakin ng Professor ko sa Math. Lumingon ako sakanya at lumapit.
"Yes Ms. Ortega?" Napayuko ako ng bahagya dahil sa talim ng tingin niya sakin. Opo. Tama ang basa niyo. Ms. Ortega at hindi Mrs. Kaya nga sobrang strikto at napakasungit. In short matandang dalaga.
"The Dean wants to talk to you now. Go." she said firmly.
Agad naman akong tumalima at naglakad papunta sa Deans office. Grabe naman ang matandang yon. Kaya siguro hindi nagka lovelife dahil napakasungit at talagang matatakot kang makipagusap sa kanya. Kaya nga ilag din ang mga studyante sa kanya e.
YOU ARE READING
Being With Him
Roman pour AdolescentsLife is Short. We should live our life to the fullest. But what if you'll know something that could END your HOPES? What if that something is about LIFE AND DEATH? Will you allow yourself to love and be loved by someone who's only want is to love y...