Mei PoV Monday
Kagagaling ko lang ng canteen para bumili ng mamemeryenda at habang naglalakad pabalik ng classroom ,I took out my phone to check my social media accts.
Nabitawan ko ang isusubo ko na sanang hotdog sandwich
"OMO??!"
Sinalpak ko ang earphones sa tenga ko at pinalakasan ang volume
It's another vlog from Jin. Normal na yun sakaniya. Since he always make these video blogs, like everyday.
Pero yung vlog nya from last night eh kagula-gulantang talaga.
Napaisip ako bigla.
May article na akong magagawa for the student's corner page para sa school paper.
"Woah Jin,you gave me some really nice idea."
V POV
Napak-hikab ako habang nililinisan ang hawak kong camera. Hindi ko alam kung naka-ilang hikab na ba ako simula pa kaninang umaga. Ayaw sana akong papasukin ng Nanay ko dahil medyo may sinat pa daw ako pero mas gugustuhin ko nalang maboring dito sa loob ng classroom kesa magmukmuk sa bahay.
"Sana lunch na. Nagugutom na naman ako." Mahinang bulong ko habang sinisipat ang lens ng camera
Kumuha ako ng ilang shots para i-check kung ok lang pagkaka focus ng lens. Saktong nakasilip ako sa camera nang maitapat ko ito sa pintuan nang classroom na kung saan papasok ang isang anghel.
Parang nag-slow mo lahat at lumiwanag ng husto ang paligid.
Isang malakas na batok sa ulo ang nagpagising sakin.
"Ouch naman oh." Inda ko habang hinihimas ang ulo ko.
Mali,hindi anghel ang dumating, demonyita pala. Demonyitang lab na lab ko.
"Good morning Boss." Bati ko sakaniya
"Hoy kanina pa kita hinahanap." Anito na nakapamaywang sa harapan ko
"Miss mo nanaman ako." Biro ko sakaniya. Habang deep inside kinikilig ako
"Baliw." Anito na parang biglang naasiwa. Medyo naging awkward. Natahimik ako. Naalala ko yung nangyari
"Oy boss bakit mo pala ako hinahanap?" pag-iiba ko , kahit medyo kabado
Mei: "Nakita mo ba si Jimin?"
V: "Si Unano?Bakit mo sya hinahanap?" imbis na sagutin tanong niya,napatanong din ako.
Bakit ba niya biglang hinahanap unanong yun? Eh mas matangkad naman ako dun ng di hamak.
Mei: "Bakit mo ba ako tinatanong eh ikaw tong tinatanong ko?"
V:"Eh bakit mo ba kasi siya hinahanap?"
Mei:"Anu bang pake mo basta sagutin mo nalang." Nakabusangot nanamang sagot niya
Bigla akong napatayo
V:"May pake ako! Kasi ano.. kasi.." hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko
Naka-kunot lang noo niya at magkasalubong ang dalawang kilay na nakatingin lang sa akin
V:"Tara hanapin na nga lang natin sya." Sabi ko nalang
Sabay hila ko sa kamay niya. Mas mainam nang masamahan siya baka kung anu pang gawin niya kay Jimin.
Naglalakad kami papunta sa canteen ,kunyari patingin tingin ako sa paligid, hinahanap si Jimin
Mei: "V yung kamay ko." Mahinang sita niya
Di ko siya pinansin
Tumikhim siya
Mei: "V yung kamay ko." Ulit niya medyo mas malakas kesa una
V: "Huh?"
Kunyari di ko siya naririnig,di pa rin ako tumitingin sakaniya at patuloy lang na naglalakad habang ang lawak lawak ng ngiti ko.
Kinikilig ako
Ang lambot ng kamay niya,kung pwede lang wag ko na siyang bitawan eh
Mei: "Hoy V yung kamay ko kako!"
Hindi ko pa din siya pinapansin at palinga-linga lang ako sa paligid nang maispotan ko si Unano
V:"Ayun si Jimin oh!" baling ko sakaniya
Mei: "Nasan?"
Tumigil sa paglalakad si Mei dahilan para mapatigil din ako.
V:"Ayun oh." Nguso ko sa direksyon ni Jimin. "Tara puntahan natin." Maglalakad na sana ulit ako nang hilahin niya ang kwelyo ng polo ko
Mei:"Wag!Dito lang tayo." Aniya at nagtago pa sa likuran ko habang pasilip silip sa direksyon ni Jimin
Na-distract ako sa distansya naming dalawa. Napatingin ako sa mukha niyang ilang pulgada lang ang layo mula sa akin.
Mei:"Omo! Si Milan! Hala tama nga yung nahuli-cam ni Jin!"
Biglang sabi ni Mei kaya napatingin ako sa gawi ni Jimin, kausap niya si Milan at mukhang close yung dalawa.
Kelan pa sila naging close?
Mei:"Kuhanan mo sila ng picture dali!"
V:"Ha?Bakit boss?"
Mei:"Basta kuhaan mo sila ng picture."
V:"Una si Pres tapos ngayon naman ikaw. Ano ba tingin nyo sa akin ?P.I?" iiling-iling na sabi ko habang inaayos ang camera ko para ifocus sa direksyon nila Jimin
Mei:"Tangek!Kelangan natin yan para sa susunod na article ng school paper natin.Basta damihan mo kuha mo.Yung sweet dapat sila ha?"
V:"Hindi ko alam na chismosa ka pala Boss." Nakangising biro ko sakaniya na agad ko namang pinag sisihan dahil isang malakas na batok nanaman sa ulo ang natamo ko galing sakaniya
Mei:"Gusto mo bang palitan na kita bilang Photographer ng school paper?" banta nya
V:"Relax Boss,ginagawa ko na nga oh. Eto na oh? Sabi ko nga eh,kahit anong ipagawa mo basta ikaw."
Mei:"Baliw. Magconcentrate ka sa pagkuha ng litrato nila.Gandahan mo kuha."
V:"Kiss muna. Pampagana lang." Nakangising baling ko sakaniya. Bigla siyang namula at bago pa niya ako ulit mabatukan
V:" Peace?Biro lang.Kalma lang Boss" kako with matching peace sign. Tumingin na ulit ako sa direksyon nila Jimin at kumuha ng ilang shots.
:p>H@
BINABASA MO ANG
Tropang Haraught Presents: Untitled
FanfictionBTS as college students trying to cope with their studies, pressure from their parents, fitting in and of course, love. A collab fanfic from Tropang Haraught :)